Habang tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin ay naiiyak ako. Hindi talaga bagay ang suot ko sa itsura ko ngayon kahit na lagyan pa ako ng kahit anong make-up. Hindi ko alam kung isinumpa ba ako o ano.
"Hoy babae, kunin mo nga ang undergarments ko sa kabilang room!"
Napatingin naman ako sa babaeng kinalabit ako. "Po?"
"Bingi ka ba? Sabi ko kunin mo ang undergarments ko sa kanilang room. Bingi ka ba o tanga?" galit na tanong pa nito.
"Pero hindi ko po alam—"
"Chill, Lorraine, kasama natin 'yan dito. Hindi 'yan alalay," pahayag pa ng isang babae sabay tingin sa akin. "Atsaka ikaw, huwag kang kupal, pangit ka na nga ang tagal mo pang mag-ayos diyan.”
Napayuko na lang ako dahil kahit na sanay na akong tinatawag na pangit ay hindi ko pa rin talaga lubos na matanggap sa sarili ko. Nasasaktan pa rin ako everytime na ganito ang mga sinasabi nila.
"Girls! We will start in a bit, get ready!"
"Copy, Nikadora!"
Napatingin na ako sa pinto nang biglang pumasok ang isa pang bakla. Parang katatawanan ang sarili ko ngayon at ayoko talaga ng trabaho na 'to. Gusto kong umalis at umuwi na lang pero sayang din naman 'tong perang ipinadala sa akin nila Mama at Papa.
"Hoy hipon, labas na sabi!"
Nagulat ako nang bigla akong sinigawan ng isang babae dahilan para mahulog ang hinahawakan kong manipis na tela. "A-ah, susunod ako."
"Mygad! Ang tanga mo naman!" asik nito at tuluyan nang lumabas.
Mag-isa na lang ako rito sa loob ng dressijg room kaya hindi ko na napigilan ang mga luha na kanina pa gustong lumabas. Pinahiran ko na lang ito gamit ang telang nakuha ko at agad na ring lumabas ng dressing room.
"Pst! Hipon! Pst!"
Napaturo naman ako sa sarili ko nang may kumakaway sa akin sa kabilang table. "Po? Tinatawag n'yo po ba ako?"
"Aba'y may ibang hipon pa ba rito sa bar? Malamang ikaw! Hindi ko nga alam kung bakit ka pa tinanggap ni Sir Frence, eh."
"A-ano po ang gagawin ko, Sir?" kinakabahang tanong ko.
"Maglalaba! Baka gusto mong maglaba ako? Malamang, gaga, mag-entertain ng mga bisita at sumayaw riyan sa gitna! Umalis ka na nga sa harapan ko!"
"Opo." Hindi ko alam kung paano ako makikitungo sa mga tao rito dahil buong buhay ko ay hindi naman pa ako nakakapasok sa totoong club talaga kagaya nito.
Tumungo na ako sa mga kasamahan kong babae sa gitna dahil halos lahat ng mga mata ay nakabantay sa amin. Sa likurang bahagi na ako pumwesto dahil hindi naman talaga ako marunong sumayaw.
Nang mag-umpisa ang sayaw ay nanlaki naman ang mga mata ko nang biglang nagsi-alisan ang mga babaeng nasa harapan ko at pumunta na sa mga dance pole para sumayaw. Ako na lang ang naiwan dito sa gitna na parang tanga at halos hindi ko naman maigalaw ang katawan ko.
"Pst! Sayaw! Ano ba!?" dinig kong sambit ni Nikadora sa akin.
Paano ako sasayaw kung hindi naman ako marunong?
"Sayaw!!"
Unti-unti ko nang ginalaw ang katawan ko kahit hindi ko alam kung ano na ang ginagawa ko. Ang kaninang medyo tahimik na crowd ay bigla naging maingay at nagsitawanan na sila. Alam kong parang tanga ako rito pero hindi naman ako pwedeng umalis dahil natatakot ako sa maaaring mangyari sa akin.
Habang patuloy akong sumasayaw ay nagulat ako nang biglang may kumaladkad sa akin paalis ng stage dahilan para muntikan na akong masubsob sa sahig.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" galit na tanong ni Nikadora.
Napayuko na lang ako dahil alam ko namang kahiya-hiya talaga ang ginawa ko. "Pasensya na po kayo, hindi ko kasi—"
"Hindi ko alam kung bakit ka pinapasok ng recruiter dito," anito sabay tulak sa akin. "Doon ka na nga! Maghanap ka na lang ng pwedeng ka-table mo at pag-serbisyuhan mo para may silbi ka naman dito."
"Opo," tugon ko at dali-dali nang naglakad palayo sa kaniya.
Wala talaga sa isip ko na ito pala ang naghihintay na trabaho para sa akin. Napakagulo rito sa loob. Halos lahat ay umiinom habang naninigarilyo at parang mahihilo naman ako sa mga lights na nakikita ko.
"Ito na ba 'yon?"
Nagulat naman ako nang lumapit na sa akin si Sir Frence kasama ang isang lalaking mataba na may hawak na alak.
"Yes, Sir, okay na po ba 'yan? Iyan lang ang afford ng budget ninyo. Hayaan n'yo, hindi n'yo man mapapakinabangan ang mukha niyan ay maganda naman ang katawan niya."
Hindi ko alam pero bigla na lang napayukom ang kamao ko. Alam ko sa sarili kong pangit ako pero hindi ko naman na kaya ang mga pinagsasabi nila sa akin. Para na akong robot ngayon habang kinakaladkad ako ng lalaking 'to hanggang sa makarating na kami sa isang table.
"Bakit ang tahimik mo? Pasayahin mo ako at binayaran kita ng limang daan!" sigaw pa nito sa akin.
Nagpupumiglas naman na ako dahil panay ang hawak niya sa binti ko na sobrang hindi talaga ako komportable. "Ano ba! Bitawan mo ako!"
"Magpupumiglas ka!?" galit nitong pahayag pero ginawa ko naman ang lahat para lang makawala sa kaniya.
Nang makita ko ang mainit na sisig sa mesa ay agad ko naman itong kinuha at inihagis sa mukha niya. Nakakuha ako ng pagkakataon na makatayo at makatakbo na palabas ng bar. Wala na akong pakealam kung ganito ang suot ko o kung napaso man ang kamay ko pero kailangan ko talagang makaalis dito.
Nang makalabas na ako sa club ay agad na akong tumakbo papunta sa kalsada kahit hindi ko naman talaga alam kung saan na ako pupunta. Nahihilo ako at unti-unti na ring naninilim ang paningin ko kaya naghanap na muna ako ng pwedeng maupuan para magpahinga.
"Aray, ang sakit..." napahawak na lang ako sa paa ko dahil hindi ako sanay magsuot ng matataas na sandals pagkatapos ay tumakbo pa ako.
Habang tinitingnan ko ang sarili ko ngayon ay para talaga akong bayarang babae. Napaka-iksi ng dress na sobrang fitting pagkatapos ganito pa ang itsura ko.
"Aray!!" Napahawak pa ulit ako sa kamay ko dahil sa napaso ito ng sisig kanina. Kahit saan na lang sa katawan ko ay masakit.
"Miss? Are you okay?"
Napatingala ako nang may babaeng tumigil sa harapan ko. "A-ah, opo ayos lang ako." Ibinaling ko na lang ulit ang sarili ko sugat ko dahil masakit talaga ito."
"Nasa'n na ba ang gagang 'yon? Kapag nakita ko 'yon ay talagang lagot siya sa akin!"
Napatingin na ako sa bandang unahan namin at nakitang naglalakad si Nikadora kasama ang lalaking may malaking katawan kaya dali-dali na akong napatayo. "Ano'ng gagawin ko?"
"Hey, sumama ka sa akin."
Napatingin naman ako sa babae at napatitig sa kaniya. Hindi ko alam kung pagkakatiwalaan ko ba siya pero wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod lalo na at kapag hindi pa kami umalis ay makikita na niya talaga ako.
"Dito tayo, may alam akong taguan..." aniya.
Tahimik lang akong sumusunod habang pumapasok kami sa mga eskinita. Kabisado niya ang mga lugar na nandito hanggang sa makarating na kami sa isang fountain. Hindi ko naman akalain na may fountain pala rito sa gitna ng ganinong lugar.
"They won't find us na, don't worry," pahayag niya sabay tawa.
Umupo na ako sa gilid ng fountain dahil nananakit pa rin talaga ang mga paa ko. Kahit na may mga kabahayan na nandito sa paligid ng fountain ay wala nang masyadong tao sa labas kahit pasado alas-osto pa lang ng gabi.
"Hey, hindi ka manlang ba magpapasalamat sa akin after saving you?" tanong niya pa sa akin.
"Ay, sorry. Salamat nga pala sa pagtulong mo. Kung hindi dahil sa 'yo ay baka nahuli na ako ng mga 'yon."
"Did they kidnapped you?"
Napatigil naman ako sa pagpisil ng paa ko at napatingin na sa kaniya at napa-iling. "Hindi naman, mahabang istorya, e."
“Ah, okay. Anyway, I am Mirabella, Mira na lang for short. How about you?”
“Uh, Chandria. Bahala ka na lang kung ano’ng gusto mong itawag sa akin…” Hindi ako halos nakatingin nang deritso sa kaniya dahil nahihiya ako sa mukha ko. Ang ganda niya pagkatapos ako naman ay parang hipon lang.
“Do you have a house here o matutulungan manlang?”
Napa-iling na ako. “Wala nga, e. Niloko lang ako ng recruiter na ‘yon.” Naiinis pa rin ako sa sarili ko dahil ang talino kong tao kahit pangit ako pero nagpaloko lang ako sa babaeng ‘yon. Hindi ko na tuloy alam kung saan pa ako magtatrabaho ngayon para lang may maipadala sa magulang ko.
“You can stay in my condo for a while. Mag-isa lang ako ro’n, e,” aniya habang nakangiti pa sa akin.
“Bakit mo ako tinutulungan?”
Hindi ko kasi alam na may mga ganitong klaseng tao pa rito sa Maynila. Sa pagkakaalam ko kasi talaga halos ng mga tao rito ay kakaibiganin ka lang kapag sa tingin nila ay may makukuha sila sa iyo.
“Hmm, I don’t know, hindi ko nga alam kung bakit magaan agad ang loob ko sa ‘yo kahit na kakakilala pa lang natin. Sige na, tumayo ka na riyan at umalis na tayo. I’m getting itchy here.”
Napatango na lang ako sa kaniya at napangiti. “Salamat, Mira.”
“Wala ‘yon, ano ka ba.”
Naglakad na kami palabas at sumakay ng taxi. Pati kay Manong driver ay hindi ako makatingin dahil nahihiya ako sa sarili ko. Napaka-iksi ang damit ko na halos makita na ang buong kaluluwa ko.
“Welcome, abode! This is my condo!”
Napangiti ako habang inililibot ko ang paningin ko sa condo niya. “Wow! Sa ‘yo ba ‘to? Ang yaman mo naman pala, pero bakit ka nando’n sa lugar na ‘yon kanina?” Abala siya sa pagkuha ng kung ano sa ref kaya naupo na lang muna ako rito sa sofa niyang napakalambot.
“Ah, may pinavisit lang si Mommy sa akin do’n for her work at gabi na rin kasi ako naka-out sa trabaho kaya ganoong oras ako pumunta ro’n.”
“Ah…”
“Stay put ka lang diyan, Chan. Magluluto lang ako ng dinner natin—”
“Tutulungan na kita, huwag kang mag-alala marunong akong magluto.” Nakakahiya rin naman kasi na tumitigil ako rito pagkatapos ay hindi manlang ako tutulong sa kaniya.
“It’s okay. I know na pagod ka at tingnan mo naman ‘yang mga bruises mo. Kunin ‘yong first aid kita na nasa taas ng bookshelf sa tapat ng malaking frame na ‘yan,” pahayag pa niya.
Napangiti na lang ako dahil pagkatapos ng lahat ng malas na nangyari sa buhay ko ay parang ngayon pa lang ako dinatingang ng swerto. “Sige.”
Habang nilalagyan ko ng cotton ang sugat ko sa paa at kamay ay napapa-isip ako sa mga gamit ko ro’n sa bahay ni Madam Athisa. Nandoon pa kasi ang cellphone ko kaya kailangan ko pa ring kunin ‘yon bukas.
“Let’s eat, ano’ng oras na at alam kong pareho lang din tayong gutom.”
“Salamat, Mira, ha? Hindi ko alam na pagkatapos ng mga nangyari sa akin ngayon dito ay may tulong pa palang dadating.”
“Don’t mind it, glad I could help you. Anyway, kung gusto mo pa lang i-share kung paano ka napunta ro’n?”
Napayuko na lang ako dahil nahihiya talaga akong sabihin sa kaniya. “Uh, ano kasi…galing ako sa probinsya, tapos may nagpakilalang recruiter sa amin at may mga dokumento pa siyang inilabas na kapani-paniwala talaga. Hindi ko naman akalain na ganitong klaseng trabaho ang babagsakan ko…”
“Poor you…”
“Pero ayos lang, maghahanap na lang ako ng ibang trabaho bukas at kahit ano na lang ay papatusin ko muna hanggang sa makapag-ipon na ako ng pera at makahanap ng maayos na trabaho.”
Nagulat naman ako nang itinaas niya ang tinidor habang kumakain kaming dalawa. “Your luck has come, Chan!”
“Bakit?”
“Tamang-tama! Hiring ang company na pinapasukan ko and I think fit ka sa qualifications na gusto nila…”
Nangunot naman ang noo ko sa sinabi Mira. “Paano naman magiging fit ako sa qualifications sa mukha kong ‘to? Nako, huwag na Mira, baka mapahiya ka lang kapag tinulungan mo akong makapasok diyan.”
“No! I’m telling you, you’re a perfect fit!”
“Ay, ano bang klaseng trabaho ‘yan?”
Ngiting-ngiti naman siya sa akin habang nay tinitingnan sa kaniyang cellphone. “Here. Take a look at it. Pero disclaimer Chan ha, hindi ka pangit, you just need a little make-over, pero if you really want to get the work, I think having the face right now is the only choice.”
Itinapat na niya ang screen ng kaniyang cellphone at nagulat naman ako nang makita ang nakasulat doon. “Oh?”
“Yes, Chan! The company is looking for a not-so-good-looking person para maging sekretarya ng CEO sa ngayon since ayaw ng fiancé niya na may dumidikit sa kaniyang magandang babae…”
Bahagya naman akong natawa dahil mukhang ngayon lang ako nakasalamuha ng trabahong perfect fit nga sa akin. “Ah…sigurado ka bang pwede ako riyan?”
“Yup! The salary is 98,000 pesos per month, ano?”
Nagulat naman ako sa sahod kaya napangiti na ako kay Mira. “Malaking tulong nga ‘yan sa pamilya ko, Mira. Pero hindi kaya masyadong mataas naman ang sahod na ‘yon para sa isang sekretarya?”
“Hmm, yes, pero hindi namin alam eh, it’s the CEO’s fiancé’s decision. What do you think?”
“Sige, gusto kong mag-try na magapply riyan. Magbabakasakali lang na makapasok, pero may pupuntahan muna ako bukas ng umaga.”
Kinaumagahan, sinamahan naman ako ni Mira na bumalik doon kay Madam Athisa. Nahihiya na nga ako dahil sa lahat ng tulong na ginagawa niya para sa akin, pero at the same time ay thankful din naman ako sa lahat ng tulong niya para sa akin.
“Diyan lang sa may dilaw na gate, Mira,” sambit ko habang nasa loob kami ng kotse niya.
“Oh, sige…”
Tumigil na kami sa tapat ng bahay kaya lumabas na ako. Kukunin ko lang ang mga gamit ko at ang cellphone ko ay naiwan ko rin kasi rito.
“Madam? Madam?” tawag ko sabay katok sa bakal nilang gate.
Ilang segundo pa lang ay agad nang bumukas ang pinto nila at tumambad siya habang bitbit si Sansan, ang bunso niyang anak.
“At may gana ka pa talagang pumunta ritong pangit ka…” Agad niyang binitawan ang anak niya at dali-daling tumakbo para buksan ang gate. “Ipinahiya mo akong gaga ka sa kay Frence dahil tumakas ka raw kagabi. Halika rito!”
Nagulat na lang ako nang bigla niya akong sinabunutan kaya halos maalis na ang buhok ko sa anit nito. “Tama na po, Madam! Tama na po…” Halos maiyak na ako dahil sa sakit ng pagsabunot niya.
“Hey! Stop that!” dinig kong sigaw ni Mira.
Inawat na niya kami kaya doon lang ako tinigilan ni Madam Athisa. Napahawak na lang ako sa buhok ko dahil sa sobrang sakit.
“How dare you to that!” Muntikan na ring sabunutan ni Mira si Madam pero pinigilang ko na lang ito.
“Ang kapal ng mukha mong magdala pa ng kakampi ritong gaga ka! Natanggal tuloy ako sa pagrecruit sa bar na ‘yon dahil sa ‘yo!”
Pumagitna naman sa amin si Mira. “First of all, deserve mong matanggalan ng trabaho. Second, pwede ka naming kasuhan dahil sa ginawa mo kay Chan, and lastly, I can sue you for harassment!”
“Tama na, Mira…” pigil ko sa kaniya sabay harap na kay Madam. “Ma’am, pakisauli na lang po ng mga damit at cellphone ko, importante po kasi ‘yon at baka nag-aalala na ang pamilya ko sa probinsya.”
“Hind ko alam! Itinapon ko na kagabi ang mga damit ko at wala akong alam sa cellphone mo na ‘yan—”
“Uy, Athisa, natanggap mo na ba ang bayad ko kaninang umaga para do’n sa cellphone ma binenta mo?”
Napatingin naman kami sa isang babae na lumapit sa amin kaya nagulat ako. Natigilan din naman si Madam Athisa kaya napahawak na lang ako sa noo ko dahil sa mga ginagawa niya sa akin.
“Hayaan mo na ‘yan, Chan. I’ll get you a new phone. Tara na nga!”