Ilang araw na akong hindi bumabalik sa kompanya pagkatapos kong mag-resign. Ilang araw na rin na nandito sila Nanay at Tatay pati na rin ang mga kapatid ko para sa pag-alis ko at pagsama kay Sir Spencer. "Ate, kakain na raw tayo." Napasulyap naman ako kay Shane na biglang pumasok sa loob ng kwarto ko. "Sunod ako, Shane." Abala kasi ako ngayon sa pag-aayos ng mga gamit ko sa pag-alis. Ang flight namin ni Sir Spencer ay sa June 8 na at ilang araw na lang simula ngayon. Habang palapit kami sa araw ng flight ay hindi ko alam ang mararamdaman ko. Alam ng puso ko na ayokong umalis, pero kapag ipinilit ko ang sarili ko sa mga bagay na hindi naman talaga dapat ay baka lalo lang akong masaktan. "Anak, tara na, kakain na tayo." Tinawag na naman ulit ako ni Tatay kaya napangiti ako sa kaniya hab

