Mag-uumpisa ang prosesyon ngayong gabi dito sa plaza habang ang katapusan naman ay sa simbahan. Si Tatay lang ang kasama ko rito sa likurang bahagi ng stage kasi tago raw ang magiging Reyna Elena. “Ayos ka lang ba, nak?” Napatingin naman ako kay Tatay. “Opo, tay. Medyo kinakabahan lang po ako at kanina ko pa talaga iniisip kung saan galing ‘tong pera na para sa gown pati na rin ang nag-sponsor na pambayad.” “Ayaw nga sabihin sa akin ng mga kapatid mo, nak. Hindi ko nga alam kung saan galing,” ani Tatay. “Siya nga pala, nasaan na ang kapares mo? Mag-uumpisa na ang prosesyon maya-maya.” Napakagat-labi na lang ako. “Hindi ko rin po alam. Sumakit daw po kanina ang tiyan ni Sir Spencer dahil kumain daw po siya ng talaba.” Pinakain lang naman kanina ng mga kapatid ko si Sir Spencer ng sand

