CHAPTER 26

2617 Words

Humihikbi ako habang naglalakad dito sa hallway pabalik sa opisina ni Sir Ace. Kahit na sobrang nasasaktan ako ngayon dahil mukhang matatanggal na ako sa trabaho ay hindi ako nagsisisi sa naging desisyon at mga sinabi ko. “Tama na ang iyak, Chandria…” Panay ang punas ko sa mga luha ko dahil kanina pa talaga ayaw tumigil. Nang makapasok ako sa loob ay kinuha ko na ang mga gamit ko. Desidido na ako. Doon na lang ako papasok sa pinagtatrabahuhan ni Nikko. Sa totoo lang kasi ay simula noong pumasok ako rito ay hindi na naging tahimik ang buhay ko. “Chandria, what are you doing?” Kaagad naman akong napalingon nang biglang pumasok si Sir Ace sa loob ng office. “Aalis na po ako, Sir. Hindi ko na kaya.” “No one’s going to leave, Chandria!” mariing sambit ni Sir sabay tayo sa harapan ko kaya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD