“Uh, s-sorry po kagabi, Sir. Naparami yata ang inom ko.” Nilapitan na ako ni Sir Spencer at tinapik sa balikat. “Wala ‘yon, Chan. I expected that already, pero huwag kang mag-alala, alis naman na tayo mamaya.” “Dumaan po pala muna tayo mamaya sa puntod ni Mira bago umalis, Sir. Gusto ko lang sana siyang bisitahin sa huling pagkakataon.” “Sige, we’ll do that.” Ngumiti na ako sa kaniya. “Salamat po.” Nang makabalik kami galing sa bahay nila Sir Spencer ay nananakit ang binti ko. Wala talaga akong maalala sa mga nangyari kagabi dahil sobrang hilong-hilo ako at nanghihina rin ang katawan ko. "Anak, ayos ka lang ba?" bungad na tanong ni Nanay sa akin. "Sinabihan kami ni Spencer kagabi na ang dami mo raw ininom. Ano nagkita ba kayo ni Ace kaya mo ginawa 'yon?" usal pa ni Tatay. Napayuk

