Hindi na ako pumasok ngayong araw sa trabaho dahil aalis kami mamayang hapon papuntang San Lorenzo. Nag-aayos ako ngayon dito ng mga dadalhin kong damit na kasya sa tatlong araw. “Chan, tapos ka na ba? I’m so excited na to go to Batanes and that San Lorenzo place!” Napatingin naman ako kay Mira na nakasandal ngayon sa pinto ng kwarto ko habang mukhang kinikilig. “Hindi ko pa natatapos, Mir, e. Oo nga, maganda raw talaga ro’n.” “Dala ka ng swimsuit ha? We can’t leave San Lorenzo without swimming sa crystal blue water nila.” Napangiwi naman ako sa kaniya. “Eh, ‘di ba dagat naman ‘yon? Bakit kailangan ng swimsuit? Atsaka, gusto mo ba umitim?” Hindi naman kasi kami sa swimming pool maliligo kaya bakit kailangang magdala pa ako ng swimsuit. “Dali na!” Lumapit na siya sa closet ko at kum

