CHAPTER 10 “Hello! Sera, nakikinig ka ba?” Napakurap siya nang marinig ang boses ni Lyrabelle. “I-I’m sorry, what did you say?” aniya. Marahas namang napabuntong-hininga si Lyra at nakahalukipkip na inirapan siya. “Alam mo kung hindi mo na talaga kaya pang hindi siya makita, bakit hindi mo na lang kaya puntahan?” Nag-iwas siya ng tingin at pinulot ang dokumentong nasa harap niya at kunwang binabasa iyon. “Come on, Sera. Kung patuloy kang maggagaganyan, baka sabunutan tayo pareho ni Maureen kapag bumalik siya at nalamann niyang pinapabayaan natin ang negosyo,” saad nito. “Grabe ka naman, hindi ko naman pinapabayaan ang negosyo natin, ah!” sabi niya na nag-angat pa ng mukha rito. Inagaw nito ang hawak niyanng papel at binaliktad, saka lang niya napansin na wala ng

