CHAPTER 9 Buong araw na magkasama sina Cody at Sera, sa araw na iyon ay hindi na muna nila iintindihin ang mga kinakaharap na problema at pagsubok. Sinabi sa kanya ni Cody na kailangan nitong magpuntang San Francisco para kausapin ang kanyang Lolo. Nagkaayos na silang dalawa at nangako sila sa isa’t-isang lalaban hanggang dulo. Gagawin nilang pareho ang lahat para mapanatili lang na matibay ang pag-iibigan nilang dalawa. “May sasabihin ako sa’yo, pero huwag kang magagalit,” aniya. Nasa sala silang dalawa at katatapos lang nilang manood ng dalawang magkasunod na pelikula. Balak niyang sabihin dito ang ginawa nilang plano para tuluyang malayo sa kanya ang atensyon ni Jeffrey. “What is it?” masuyong tanong nito na tumingin sa kanya. Nakahiga ito sa kandungan niya. Huminga

