CHAPTER 8 Nagising si Sera na mabigat ang ulo, napakunot siya ng noo at hindi maalala kung paano siyang nakauwi. Naparami ang inom niya kagabi at hindi niya nakontrol ang sarili sa pag-inom. Fuck! Napamulagat siya ng unti-unting nag-sink in sa kanyang utak ang lahat ng mga nangyari kagabi. Inihatid siya ni Jazmyn pauwi at nakita niyang matiyagang naghihintay si Cody sa kanya. Ang binata rin ang nagbuhat sa kanya paakyat at ang nag-asikaso sa kanya. Natutop niya ang kanyang bibig nang maalala rin ang mainit na pagtatalik nila kagabi. What the hell? That jerk! Sinamantala na naman ang kalasingann ko! Gigil siyang bumangon at salubong ang kilay na lumabas. Alam niyang nasa labas lang si Cody at hinihintay ang paggising niya. Ngunit natigilan siya nang malamig na hangin at kata

