CHAPTER 2
Pagkarating nila sa shop ay mabilis na bumaba ng sasakyan si Sera. Hindi siya nag-abalang magpasalamat kay Cody at dere-deretso siyang pumasok sa shop nila.
Wala si Maureen at kasama pa rin ang mag-ama nito’t nagbabakasyon, kaya naiwan sa kanya ang negosyong inumpisahan ni Maureen.
“You should at least thank me, Sera. Is it hard to say?” sabi ni Cody na nakasunod sa kanya.
“If I’m gonna say thank you, will you stop bothering me?” pabalik na tanong niya rito na hindi man lang ito tinitingnan.
“Good morning, Ma’am Sera!” magandang bungad sa kanya ng Head Assistant sa Shop.
“Good morning, Lena, nandito na ba si Lyra?” bati niya rin dito.
“Wala pa po, pero tumawag po siya at pinapasabi na may dadalawin daw itong kamag-anak kaya hindi makakapasok,” sagot nito.
Tumango siya. “Thank you,” aniya at pumasok sa maliit na opisinang naroon.
Wala siyang balak papasukin si Cody doon ngunit mas mabilis kumilos ang binata at nabasa ang galaw niya kaya inunahan na siya nitong pumasok. Marahas siyang napabuga ng hangin at nilingon si Lena.
“Go back to your work, kapag may mga costumer at hinanap ako, tawagin mo lang ako,” sabi niya at ipinilig ang ulo bago pumasok sa loob ng opisina.
“You shouldn’t be here, Cody. Ano na naman ang kailangan mo?” mataray niyang tanong dito.
“Wala kang kasama dito, so I’ll stay,” sagot nito at prenteng umupo sa mahabang sofa na naroon.
Tumaas ang kilay niya at pinagkrus ang mga braso sa dibdib niya.
“I don’t need you,” aniya.
Ngumisi ang binata at biglang tumaas ang lebel ng dugo niya sa ulo. Parang gusto niyang burahin ang ngising iyon sa mukha ng binata, halatang pinaglalaruan na naman siya nito.
“Are you sure about that?” nakakalokong tanong nito sa kanya.
Umayos siya ng tindig at matapang na nakipagtitigan dito.
“I. Don’t. Need. You,” mariin niyang sagot.
Ilang sandaling naghinang ang mga mata nila, hindi siya puwedeng masindak sa mga nangungusap at malalmlam nitong mga mata. Matagal na niyang kinalimutan ang nararamdaman niya para rito at kailangan niyang panindigan iyon.
For what reason? Tanong ng kanyang isip.
Natigilan siya at nahulog sa pag-iisip. Ano nga bang rason kung bakit niya pinipigilan ang nararamdaman niya para sa binata? Hindi ba ito ang gusto niyang mangyaro noon? Ang mapansin siya nito at bigyan ng katugon ang pagmamahal na kahit anong gawin niya ay hindi nawala sa sistema niya.
“I’ll be waiting for you outside. Kapag may kailangan ka, tawagi mo lang ako.” Napakurap siya nang marinig ang boses ni Cody.
Tumayo ito at dere-deretsong lumabas ng kanyang opisina, saka lang siya nakahinga ng maluwag at nailing na napahawak sa kanyang sentido.
Hindi pa man siya nakakaupo sa kanyang desk ay tumunog na ang kanyang cellphone, napakunot-noo siya nang makita ang pangalan ng kanyang Lolo.
What the hell did he want? Tanong niya, pinag-iisipan niya kung sasagutin niya ba iyon o hahayaan na lang muna at huwag itong intindihin ngunit naalala niya si Jeffrey, tiyak na may sinabi na naman ito sa Lolo niya.
Nagpakawala siya ng isan malalim na buntong-hininga bago sinagot ang tawag.
“Hello, ’lo?” pauna niyang bati sa kanyang abuelo.
“Sera, how are you doing? It’s been a long time since we’ve talked, aren’t we?” Hindi niya maiwasang maairap sa kawalan sa narinig.
Kapag ganito ang mga salita ng kanyang Lolo ay isa lang ang ibig sabihin niyon. Mukhang marami na naman itong gustong ipagawa sa kanya.
“I’d been busy on my business, ’lo. On leave ang kasosyo ko kaya nasa akin ang lahat ng responsabilidad ng negosyo,” paliwanang niya rito.
Matagal bago niya narinig na muling magsalita ang kausap niya sa kabilang linya, para bang tinitimbang ang lahat nang siinabi niya. Pigil niya ang paghinga niya habang hinihintay itong magsalita, alam niyang may iba itong pakay at hindi lang ang pangungumusta nito sa kanya.
“Nagkausap na ba kayo ni Jeffrey?” tanong nito.
Fuck! I knew it!
“H-Hindi pa, ho. Kagaya nga po ng sinasabi ko—”
“Sera, you know what I want. Stop wasting your time and do what I told you to do,” agaw nito sa sinasabi niya.
Marahas siyang napabuntong-hininga, hindi niya naiwasang mapasinghal ng tawa sa narinig.
“I’m not yet ready, ’lo. Please don’t make me do this by force. Alam niyo ang mangyayari,” sabi niya sa seryosong boses.
“This is for your own good, Sera. You’re the Heiress of MV Parfum, kapag nawala na ako sa mundo ay ikaw na ang hahawak nito,” sabi pa nito sa kabilang linya.
“What good it is to me, ’lo, if I can’t choose what makes me really happy?” puno ng pait na tanong niya rito. “Kung talagang ina-aknowldge mo na ako ang tagapagmana ng kompanya mo, you’ll stop manipulating my life. May sarili akong mga desisyon sa buhay.”
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito sa kabilang linya, nakagat niya ang kanyang ibabang labi dahil alam niyang balewala lang dito ang sinabi niya.
“Simula nang mamatay ang mga magulang mo ay ako na ang tumayong pamilya mo, Sera. Kahit anong gawin mo ay kailangan mong sundin ang sinasabi ko. This is my last will, hindi mo naman siguro kayang balewalain ang huling hiling ko bago man lang ako mamatay?” anito.
Naiiling na napahawak siya sa kanyang sentido. Sumasakit na ang ulo niya sa ginagawa sa kanya ng kanyang Lolo. Kapag ganitong ginagamit na nito ang sakit nito ay nawawala ang lahat ng tapang niya at katigasan ng ulo. Kahit naman kasi ganyan ang ugali ng kanyang Lolo ay hindi niya kayang tiiisin ito lalo pa at may iniinda na itong sakit.
“Tatawagan ko si Jeffrey at ipapasundo ka para pag-usapan niyo na ang detalye ng kasal niyong dalawa. I don’t care if where you want to get marry, anywhere is fine with me as long as you two get married. I’ll call you at what time he’ll be there. Bye,” hindi na niya nagawang magsalita dahil agad nitong pinutol ang linya.
Marahas siyang napabuga ng hangin at pabagsak na inilagay ang kanyang cellphone sa kanyang desk saka isinandal ang katawan sa swivel chair.
She’s only twenty years old at wala pa sa plano niya ang pagpapakasal! Ang dami pa niyang gustong gawin sa buhay for Goddamn’s sake!
Nakarinig siya ng sunod-sunod na katok mula sa pinto kaya umayos siya ng upo.
“Come in,” aniya.
Bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ng kambal na Mondragon.
“Hey, what’s with your face? Is it because of Kuya Cody?” puna agad ni Yaxmien.
“You can say that,” sabi niya at muling bumalik sa pagkakasandal sa upuan niya.
“Ano na naman ang ginawa niya sa’yo?” nakataas ang kilay na tanong naman ni Jazmyn.
Huminga siya ng malalim. “As usual, pero hindi talaga siya ang pinoproblema ko ngayon. Tumawag si Lolo at minamadali na ako magpakasal kay Jeffrey.”
“Oh!” nakangiwing turan ni Yaxmien.
“He’s coming tonight and we’re going to talk about our wedding,” sabi niya at napaismid na nangalumbaba.
“Tinapat mo na ba iyang fiancé mo na ayaw mo pang magpakasal?” tanong ni Yaxmien sa kanya.
Tumango siya. “I already did, but he still insisted.”
“Bakit kaya hindi mo na lang aminin na may nangyari na sa inyo ng Kuya Cody ko at buntis ka. In that way, mapipilitan ang Lolo mo na ipakasal ka sa Kuya ko,” suhestiyon ni Yaxmien sa kanya.
“Yeah, she’s right,” pagsang-ayon naman ni Jazmyn sa kambal. “Sabihin mo iyan sa Lolo mo.”
Inirapan niya ang mga ito para itago ang pamumula ng mukha. Pinagsisishan niya talagang sinabi niya sa mga ito ang nangyari sa kanila ni Cody, simula nang magkuwento siya ay wala nang ginawa ang mga ito kundi ang tuiksuhin siya tungkol doon.
“Hindi ganoon kadali iyon, pangarap ni Lolo na maungusan ang kompanya niyo. Baka kapag iyan ang sinabi ko ay matuluyan na siyang mamaalam. Kabilin-bilinan niya iyon sa akin ang—”
“Huwag magpakasal sa isang Mondragon,” sabay na sabi ng kambal.
Natawa siya ng marahan sa duet ng mga ito at tumango.
“And here you are, in love with a Mondragon,” pahabol na turan ni Jazmyn na sinabayan pa nang pag-iling.
Nakaingos siyang inirapan ito. “Bakit ganyan ang itsura mo?”
“Anong masama sa itsura ko? Alangan namang matuwa ako gayong nakikita ko na nahihirapan ka?” sabi nito sa kanya.
Sinimangutan niya ito ngunit hindi siya nagsalita, kinuha niya ang kanyang cellphone para tingnan kung sino ang nag-text sa kanya. Napansin niya ang pananahimik ni Yaxmien, parang ang lalim nang iniisip nito.
“Hoy, okay ka lang?” tanong niya rito.
Tumango naman ito. “Naisip ko lang ang sinabi ni Ate Maureen sa akin,” sabi niya.
“What is it?” tanong niya. Nabuhay agad ang kyuryusidad niya kahit wala pa itong sinasabi.
Huminga naman ito ng malalim bago nagsalita. “I know it may sound absurd because believe me, maging ako ay hindi alam kung tama ba ang gusto niyang mangyari,” sabi ni Yaxmien at nakangiwing nagkamot ng ulo.
“Spill the beans, Yax, huwag mo na kaming bitinin,” sabi naman ni Jazmyn.
“Ate Maureen wants me to seduce Jeffrey and make him fall for me,” sabi nito.
Nagkaroon ng katahimikan ang buong paligid, nagkatinginan sila ni Jazmyn at parehong bagsak ang panga sa lupa.
“What?!”