CHAPTER 3

1836 Words
CHAPTER 3   “What is it?” tanong niya. Nabuhay agad ang kyuryusidad niya kahit wala pa itong sinasabi.   Huminga naman ito ng malalim bago nagsalita. “I know it may sound absurd because believe me, maging ako ay hindi alam kung tama ba ang gusto niyang mangyari,” sabi ni Yaxmien at nakangiwing nagkamot ng ulo.   “Spill the beans, Yax, huwag mo na kaming bitinin,” sabi naman ni Jazmyn.   “Ate Maureen wants me to seduce Jeffrey and make him fall for me,” sabi nito.   Nagkaroon ng katahimikan ang buong paligid, nagkatinginan sila ni Jazmyn at parehong bagsak ang panga sa lupa.   “What?!” sabay na sigaw nina Sera at Jazmyn.   “So, kailangan sabay sumigaw?” sarkastikong saad ni Yaxmien na tinakpan ang dalawang tenga.   Kailan kayo nagkausap ni Maureen ng tungkol diyan?” Hindi makapaniwalang turan niya.   “It was just a silly idea, but she has a point,” sagot ni Yaxmien.   “Still you didn’t answer my question, Yax,” aniya.   Huminga ng malalim si Yaxmien saka deretsong tumingin sa kanya. “The day when we first saw Jared. Naalala niyo iyong araw na sinusukat natin ang mga isusuot natin sa kasal ni Ate Maureen?” anito.   Kumunot ang noo niya, pilit hinahanap sa kanyang alaala ang tagpong binanggit ni Yaxmien.   “I remember it!” pumitik ang mga daliri niya sa ere ng maalala kung ano ang tinutuoy nito. “Pero paano kayong nag-usap, e, ’di ba magkakasama tayo ng araw na iyon?” sabi niya sabay nang pagkunot ng noo niya.   Tinawagan niya ako kinagabihan at sinabi sa akin ang plano niya,” paliwanag nito.   “At sumang-ayon ka agad?” nakahalukipkip na tanong naman ni Jazmyn.   Dahan-dahang umiling si Yaxmien. “I said it was absurd. Hindi ko kayang manloko ng kapwa,” sagot nito.   Huminga naman siya ng maluwag. Kahit pa sabihin na hindi niya gustong magpakasal sa binata ay hindi naman niya maaatim na lokohin ito. Naniniwala siya sa karma at sa kaya nitong ibalik sa taong mananakit dito.   “But come to think of it,” ani Jazmyn. “Magandang distraction iyon para hindi ka na kulitin pa ng Jeffrey na iyan. Kapag na-in love siya kay Yaxmien at malaman ng Lolo mo na may iba ng mahal ang nirereto nito sa kanya ay siya na mismo ang hihinto sa plano niya.”   “Nababaliw ka na ba?” sita niya rito. “Hindi puwede ang gusto mong mangyari! Ayaw kong madamay pa kayo sa problema ko, kapag nalaman ito ng mga kapatid niyo ay baka patayin ako ng mga iyon.”   “Walang makakaalam kung walang magpapaalam,” nakangising saad ni Jazmyn saka bumaling kay Yaxmien. “Kaya mo ba?”   “T-Teka lang!” saway niya kay Jazmyn at tinampal ito ng mahina sa balikat. “I said, no!”   “So, papayag kang makasal sa kanya?” nakataas ang kilay na tanong ni Jazmyn sa kanya. “Kaya mo bang pakisamahan ang iosang taong kailanman ay hindi mo kayang mahalin at hindi ka magiging masaya?”   Natahimik siya. May punto ito, pero hindi naman din tama ang pinaplano nito.   Paano kung malaman ng magkakapatid na Mondragon ang plano nilanng iyon? ’Di malalagay na naman siya sa alanganin at pagnagkataon ay baka tuluyan na siyang isumpa ni Cody.   Huminga siya ng malalim at tumingin sa kambal.   “O-Okay lang naman sa akin,” sabi ni Yaxmien. “M-May isa lang akong kondisyon kung puwede?”   Ano iyon?” kunot-noong tanong niya rito.   Huminga ng malalim si Yaxmien saka nakipagtitigan sa kanya. “Kapag ginawa koi to, promise me, you’re not going anywhere. Haharapin mo na si Kuya Cody at ise-settle niyo na ang nakaraang alitan niyo.”   Natigilan siya sa sinabi nito, hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya sa mga oras na iyon. May parte sa kanya na sumasang-ayon sa sinasabi ng kaibigan ngunit ang kabilang parte naman ay hindi at nababalot ng takot at pangamba.   Kahit naman kasi sabihing nagbago na ang binata at handa siyang suyuin, hindi pa rin maaalis sa isipan niya ang pangambang baka hindi siya nito totoong mahal at guilty lang ang nararamdaman nito para sa kanya.   Posible kasing nakokonsensya lang ito sa ginawa nito dati kaya ito lumalapit sa kanya at sinusuyo siya, pero possible rin namang totoo ang lahat at maging ang nararamdaman nito para sa kanya.   Kaya niya bang sumugal?    “Sera, deal?” tanong ni Yaxmien sa kanya.   “Paano kang nakasisigurong kaya mong akitin si Jeffrey?” tanong niya. “Hindi ka ba natatakot nab aka ma-in love ka sa kanya?”   “Handa akong harapin kung anuman ang magiging consequences ng gagawin ko ngayon. It’s my choice so whatever my karma is, I’ll gladly accept it. So, deal?” anito.   Nagdaan muna ang ilang minute bago siya tumango at sumang-ayon. “Deal.” Bahala na si Darna.   Marami pa silang napag-usapan doon at masyado silang tutok sa pagpa-plano at ang mga dapat gawin para madaling mahulog ang loob ni Jeffrey kay Yaxmien. Binigyan niya rin ito ng impormasyon tungkol sa mga bagay na ayaw at gusto ni Jefrrey, tumunog ang kanyang cellphone at bigla na lang lumakas ang kaba niya nang mabasa ang text ng kanyang Lolo.   “What is it?” usisa ni Yaxmien.   “Lolo text me the address,” sagot niya at saka malalim na nagbuntong-hininga. “Sigurado k aba talaga sa gagawin mo?” tanong niya ulit dito.   Tumawa naman ng marahan si Yaxmien habang si Jazmyn naman ay sinaghalan siya ng tingin.   “Ilang beses mo ba dapat itanong iyan sa akin?” natatawang tanong ni Yaxmien sa kanya.   “I just want to make sure, ayokong baling araw ay pagsisihan mo ang ginawa mo ngayon,” aniya.   Nginitian siya ni Yaxmien at hinawakan ang kamay niya. “Hindi ka na iba sa amin, Sera. Ang magkakapatid ay nagtutulungan at nagkakaisa. Isipin mo na lang na ginagawa koi to para sumaya ka na kasama ang taong gusto mo talagang makasama habang-buhay,” litany nito.   Naluha siya sa sinabi nito at agad na niyakap.   “Ugh! Stop being dramatic, already. Ang baduy niyong tingnan,” angal ni Jazmyn.   Tinawanan lang nilang dalawa ito at muling nagyakapan kasama na ang dalaga. Pagkatapos ng ilang sanmdali pang pamamalagi roon ay nagdesisyon na ang mga itong umalis at paghandaan ang pagkikita nina Yaxmien at Jeffrey mamayang gabi.   Pinag-isipan nila ang gagawin mamaya at kahit hindi pa man nangyayari ay kinakabahan siya. Paano pala kung hindi kumagat si Jeffrey sa plano nila? Magmumukha silang mga tanga niyon, ’pag nagkataon.   Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay nakarinig siya ng sunod-sunnod na katok, nang bumukas ang pinto ay iniluwa  roon si Cody na madilim ang mukha at may dalang dalawang paperbag ng pagkain.   “Wala ka man lang bang magpahinga at kumain? It’s past twelve already, Sera,” salubong ang kilay na sita nito sa kanya, sabay lapag ng pagkain sa harapan niya.   Tinaasan niya ito ng kilay ngunit hindi na kumibo, ramdam naman niya na talaga ang gutom ngunit alam niyang magdadala ito ng pagkain kaya hindi na siya nag-abala pang lumabas at bumili ng pagkain.   “Hindi pa ako nagugutom,” sabi niya rito at kunwang nagpatuloy sa pagtingin sa mga bagong designs na ipinadala ni Maureen kagabi.   Lumipat ito sa likod niya at hinatak ang upuan niya palayo sa computer.   “Anong ginagawa mo?” singhal niya rito.   “Kailangan mong kumain. Hindi puwede iyang ginagawa mong pagpapalipas ng gutom, paano kung magkasakit ka?” anito at inihinto ang upuan niya sa gilid saka binuksan ang mga dala nitong paper bags.   Lihim siyang napakagat labi nang makita kung ano ang mga inorder nitong pagkain. It was her favorite food! Spaghetti, baked mac, and chicken fillet na galing sa paborito niyang fast food restaurant may kasama pang Coke Mcfloat at Fries.   “Should I thank your twin sisters for telling you my favorites?” nakataas ang kilay na tanong niya rito.   Tumawa ito ng pagak. “Nope, thank me, not them. Alam ko ang mga paborito mong pagkain, Sera,” sabi nito.   Mas lalong tumaas ang kilay niya at naalala na naman niya ang mapait na nakaraan nilang dalawa. Ang pang-iinsulto nito sa kanya at ang pagtataboy nito sa kanya na naging dahilan ng malaking sugat sa kanyang puso.   Mapait siyang napangiti at ipinilig ang ulo. Nangako siya kay Yaxmien na aayusin na niya ang gusot sa pagitan nilang dalawa ni Cody ngunit kapag ganitong naaalala na naman niya ang mapait na nakaraang iyon ay tila nagbubukas ang sugat sa puso niya at nagsisimulang magdugo.   Huminga siya ng malalim at tahimik na kinuha ang mga disposable na kutsara’t tinidor saka nagsimulang kumain.   “Thank you, Cody, you’re awesome and sweet,” sarkastikong saad ni Cody na tila nagpaparinig sa kanya.   “I never told you to bring me these foods, so why should I thank you? Ang pagkukusa, walang hinihintay na kahit anong kapalit,” sabi niya at saka nilantakan na ang pagkaing nasa harap niya.   Sa totoo lang kanina pa talaga siya nagugutom ngunit nagtitiis lang siya. Ayaw niyang lumabas ng opisina dahil alam niyang nakabantay ito sa kanya, mas okay nang magdala ito ng pagkain kaysa ang ayain siya nitong kumain sa labas.   Hindi siya nito sinaluhan sa pagkain at nanatiling nakatinginn lang sa kanya samantalanng siya namann ay pinilit kumain at umakto ng normal sa harap nito kahit sa totoo lang ay asiwang-asiwa na siya sa paninitig ng binata.   Tumunog ang cellphone ng binata ngunit hindi nito iyon sinagot. Hinayaan lang nito iyong tumutunog at kusang namatay, ngunit muli ring tumunog at tila wala itong balak sagutin iyon. Nang hindi na siya makatiis ay ibinagsak niya ang hawak niyang disposable spoon at inirapan ito.   “Wala ka bang balak sagutin ang tawag na iyan? Naririndi na ako, ah!” aniya.   Tahimik nitong kinuha ang cellphone nito at pormal na nagsalita.   Tinitigan niya ito at nakita niya ang pagbabago nito ng ekspresyon, hindi niya alam kung sino ang kausap nito at ano ang sinasabi ng kausap nito pero batay sa ekspresyon nito ay hindi iyon magandang balita.   “I’ll be there, give me five minutes,” kaswal na saad nito at ibinaba ang cellphone.   Hindi siya kumibo at kunwang nagpatuloy sa pagkain.   “I’ll need to go, babalikan na lang kita mamaya. I have something—”   “You don’t have to,” putol niya sa sasabihin nito at nag-angat ng tingin. “Susunduin ako ni Jeffrey mamaya, may dinner date kami,” sabi niya.   Nakita niya ang biglang pagtagis ng mga bagang nito at pagdilim ng anyo, hinintay niyang magsalita ito ngunit hanggang sa makalapit ito sa pinto at tuluyang makalabas ay wala siyang narinig na salita mula rito.   Nakagat niya ang kanyang ibabang labi at marahas na nagbuntong-hininga.   Jeez! Bakit natutuwa pa ako kapag nakikita ko siyang nagseselos?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD