CHAPTER 4
“What is it, Harvey? Tell me one good reason why you want me a closed-door meeting?” madilim ang anyong turan ni Cody sa kapatid.
“Hey, what happen to you?” ani Harvey na hindi natinag sa matiim niyang anyo.
“Just tell me what is this about. I have some important matters to attend to,” sabi niya at hindi pinansin ang tanong nito.
Huminga ng malalim si Harvey saka ngumisi. “Looks like you still don’t get the good side of Sera.”
“f**k off, just tell me what you want, or else I’ll end this video call—”
“Okay! Okay!” mabilis na saad nito at saka sumeryoso ng anyo.
“There’s a minor problem with our business in San Francisco. Dux called me yesterday since he can’t contact you,” anito.
“What problem? Hindi ba niya kayang i-handle iyon mag-isa? And why me? I don’t want to go there, call Max or Elliot or any of our brothers—”
“You need to go there, dahil kung hindi ay tuluyang mawawala sa’yo si Sera,” putol nito sa sinasbi niya.
Natigilan siya at nagsalubong ang kilay. Nakita niya ang biglang pagseryoso ng mukha nito kaya alam niyang nagsasabi ito ng totoo.
“I’m listening,” sabi niya sa kapatid.
“It’s her grandfather, inagaw niya ang isang major deal contract na para sana sa kompanya. He’s on the move and he’s using Sera and that bastard's marriage to convince them,” kuwento nito.
Huminga siya ng malalim. Ganoon ba talaga ka-desperado ang matandang iyon para mapabagsak ang kompanya namin?
“At anong gusto mong gawin ko?” tanong niya.
Sininghalan siya nito ng tawa at inirapan. “Kailan ka ba naging bobo, Cody? Seriously, you don’t know what to do?”
“Just go to the point,” inis na singhal niya rito.
“Tsk! Kaya ka hindi binabalikan dahil sa kabobohan mo.” Naiiling na turan ni Harvey sa monitor.
Nagtagis ang mga bagang niya at balak na niya sanang putulin ang video call nang muli itong magsalita. “You need to go there, Cody. If you want to take Sera back, you need to go there and convince her Lolo.”
Napaisip siya ng malalim, hindi niya puwedeng basta na lang iwan si Sera dahil baka salakayin ng iba at mapikot ng gagong Jeffrey na iyon. Marahas siyang napabuntong-hininga at napahawak sa kanyang baba.
“If I’m going to San Francisco, I want Sera to come with me,” aniya.
“What? Dude, alam mong kapag ginawa mo iyan ay mas lalong matatali si Sera sa sitwasyon niya ngayon. Alam mo naman kung bakit siya lumayo, ’di ba?” ani Harvey.
“Kaya ko siyang protektahan at—”
“Sa tingin mo sasama si Sera sa’yo? Mag-isip ka nga, Cody!” putol nito sa sinasabi niya.
*Damn!” inis na turan niya nang mapagtantaong may punnto ito. Sa tigas ng ulo ni Sera ay tiyak na hindi niya ito makukumbinsing sumama sa kanya. Lalo pa kapag nalaman nitong sangkott sa gulo ang Lolo nito.
Marahas siyang nagbuga ng hangin.
“There’s no other way, Cody. Kailangan mong pumunta sa San Francisco at makipag-usap sa matandang iyon. Nasa sa iyo na kung paano mo iyon gagawin, tandaan mo lang na magiging manugang mo iyan,” anito.
Halos kalahating oras na ang nagdaan nang matapos silang mag-usap ni Harvey pero hanggang ngayon ay hindi pa siya makapa-isip ng paraan kung paano niya maisasama si Sera.
Hindi naman kasi puwedeng pilitin niya ang dalaga dahil baka takasan na naman siya nito at kung saan na namang lupalop magpunta. On the other side, may punto din naman si Harvey, mas tamang unahin niya munang solusyunan ang sa Lolo ni Sera bago niya kunin muli ang loob ng dalaga. Kapag nakuha na niya ang loob ng matandang Benneth ay madali na para sa kanya ang hulihin ang puso ng dalaga.
Tumayo na siya at nagpunta sa maliit na Bar na naroon sa tinutuluyan niyang hotel suite. Hindi siya kumuha ng sarili niyang condo doon dahil balak niyang tumira sa bahay na tinutuluyan ni Sera sa oras na patawarin na siya nito bigyan ng tsansang patunayan ang sarili niya.
Ipinilig niya ang kanyang ulo at mabilis na nagsalin ng alak sa kanyang baso, pagkuwa’y kiinuha niya ang kanyang cellphone at idinayal ang numero ni Sera. Muli niyang naalala ang sinabi nitong susunduin ito ni Jeffrey dahil may dinner date ang dalawa.
Fuck! Nanggigigil na sigaw ng isip niya. Hindi niya maintindihan kung bakit mas gusto silang kontrahin ng Lolo ni Sera gayong mas malaki at malawak ang connection nila kaysa sa komapanyang gusto nitong makuha.
“Hello?” napalunok siya nang marinig ang boses ni Sera sa kabilang linya.
“Where are you?” tanong niya. Napalunok siya ng laway at tumikhim dahil pakiramdam niya ay tila mauutal na naman siya sa pagsasalita.
“Why?” tanong nito sa kanya.
Nagsalubong ang kilay niya. “I need to know, that’s why,” sagot niya.
“And why is that?” tanong ulit nito.
“Will you just tell me where you are?” nagpipigil ng inis na saad niya.
Narinig niya ang pagsinghal nito ng tawa sa kabilang linya. “At paano kung ayaw ko?”
“Then I’ll wait for you outside of your house until you came home,” sagot niya.
“Hindi ako uuwi,” sabi nito.
Nagtiim ang bagang niya sa sinabi nito at kulang na lang ay madurog ang hawak niyang cellphone.
“Huwag ka nang magsayang pa ng oras sa paghihintay dahil hindi ako uuwi ngayong gabi,” sabi pa nito.
“I still wait for you, and it’s up to you if you really can’t go home tonight. Bye.” Ibinaba na niya ang kanyang cellphone at tinungga ang laman ng kanyang baso.
Pagkatapos ay nagpunta siya sa kanyang kuwarto upang maligo at magpalit ng damit. Nakabuo na siya ng desisyon, pupunta siyang San Francisco at sa makalawa siya aalis. Ilalaan niya ang buong isang araw niya bukas sa tabi ni Sera, ’di bale nang awayin siya nito o ipagtulakan palayo basta mananatili siya sa tabi nito sa buong araw.
Siguro naman papayag itong makasama siya ng isang araw, wala pa siyang kasigurihan kung kailan siya makakabalik pero sisikapin niyang mapadali. Hindi siya puwedeng magtagal at baka tuluyan nang mawala sa kanya ang minamahal niyang babae.
*****
Samantala, hindi naman makapaniwala si Sera na binabaan siya ng tawag ni Cody, hindi man lang siya hinintay na magsalita bago nito ibaba ang linya.
Tsk! Kahit kailan talaga, wala akong maasahan sa gagong iyon! Isinilid niya ang kanyang cellphone sa kanyang bag at naghanda na para umalis, tenext niya si Jefrrey kanina at sinabing magkita na lang sila sa lugar kung saan sila dapat mag-date. Iyon din kasi ang napag-usapang plano nila kanina para magkaroon ng oras si Yaxmien na akitin si Jeffrey.
Huminga siya ng malalim. “Sana lang talaga tama ang ginagawa naming.”
Pagkalabas niya ng maliit na opisina ay sinalubong naman agad siya ng Head Assistant ng Shop na si Lena.
“I’m going, kapag may mga urgent calls ay tawagan mo agad ako. Ikaw na muna ang bahala dito, may mga bagong designs akong nireview at iniwan sa ibabaw ng mesa ko. Pakidala iyon sa Editorial Team para mapag-aralan nila,” bilin niya rito.
“Sige po, Ma’am Sera,” magalang nnaman nitong sagot.
Inilibot niya ang tingin sa shop nila. Hindi iyon ganoon kalaki pero kumpara nang nag-umpisa sila ay masasabi niyang malaki na rin ang ipinagbago niyon. Ayaw ni Maureen na lumaki iyon agad-agad kagaya ng ibang mga shop na naroon, mas pinagpopokusan nila ang pagpapatayo ng mga iba’t-ibang sangay sa buong bansa kung saan may mga turista at mahilig mangolekta ng mga kakaibang souvenirs.
Tuluyan na siyang nagpaalam at lumabas, deretso siyang sumakay sa kanyang kotse at nagmaneho papunta sa restaurant na ibinigay sa kanya ng Lolo niya.
Pagdating doon ay ibinigay niya sa Valet ang susi ng kannyang sasakyan at palihim na pumasok sa loob ng restaurant para hanapin ang kinaroroonan ni Jeffrey at ni Yaxmien. Nang tuluyan siyang makapasok ay agad niyang natanaw si Jazmyn na tahimik na nakaupo roon at tila hinihintay ang pagdating niya. Inilibot niya ang kanyang paningin sa loob ng restaurant ngunit hindi niya makita ang dalawa.
“Where are they?” tanong niya nang makalapit sa mesa ni Jazmyn. “Is it work?”
Nag-angat ng tingin si Jazmyn at sumilay ang isang matagumpay na ngiti sa mga labi.
“Of course, it worked. Have some faith in your best friend,” sabi nito sa kanya.
Huminga siya ng malalim at umupo sa upuang nasa harap nito. “Alam mo ba kung saan sila nagpunta?”
Tumango ito. “Yes, inaya ni Yaxmien ang fiancé mo sa isang kilalang Club, malapit lang iyon dito. Gusto mo bang puntahan natin?”
Sasagot na sana siya nang tumunog ang kanyang cellphone, nang makita niya kung sino ang tumatawag ay napatingin siya kay Jazmyn at napalunok.
“S-Si Lolo,” aniya.
“Go on, talk to him,” ani Jazmyn na tinanguan pa siya.
Tumango naman siya at nagpakawala muna ng isang malalim na buntong-hininga bago sinagot iyon.
“Hello, ’lo, bakit po?” bungad niya.
“Where are you, right now?” tanong agad nito,.
“K-Kararating ko lang dito sa sinabi mong address, wala rito si Jeffrey. Tatawagan ko na sana kaso tumawag ka . . .” Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito sa kabilang linya.
“He’s not coming,” sabi nito.
“Po?” Tumaas ang kilay niya at napakunot-noo.
“Tumawag siya sa akin at sinabing hindi na raw siya makakapunta, may urgent meeting daw siya sa bago niyang Client kaya humihingi ng pasensya,” paliwanag nito.
Napasinghal siya ng tawa. “Bakit kaya hindi na lang kayong dalawa ang mag-date ’lo? Tutal kayong dalawa naman ang nagplano nito at nagkakaintindihan. Sinayang niyo ang panahon ko sa pagpunta rito.”
“Hija, I’m sorry, I—”
“Tama na ’lo, itigil mo na lang itong pinapagawa mo sa ’kin. Napapagod na ako at—”
“Don’t worry, as soon as I got these three major Clients, ihahanda ko na ang kasal niyong dalawa. Hindi ka na mapapagod pang umalis at magtago,” sabi nito sa kanya.
Nakagat niya ang kanyang ibabang labi at pinigilan ang mapabuga ng marahas na hininga. Mukhang wala na talagang pag-asa pang magbago ang Lolo niya, talagang wala na siyang ibang choice kundi ang ipush ang plano nilang paibigin ni Yaxmien si Jeffrey.
Ibinaba niya ang kanyang cellphone at tulalang tumingin kay Jazmyn.
“Let’s go, kailangan nating masiguro na mahuhulog ang loob ni Jeffrey kay Yaxmien,” seryoso niyang saad sa kaibigan.