CHAPTER 5

1536 Words
CHAPTER 5   “Are you really want to do this, Yax? Puwede ka pang umatras,” saad ng kakambal niyang si Jazmyn.   Itinali niya pataas ang kanyang buhok at tumingin sa sariling repleksiyon. Isang simple ngunit magandang dilag ang nakita niya sa salamin. Nakasuot siya ng isang kulay putting A-line dress na tenernuhan niya ng puti ring pumps. Kailangan niyang maging anghel sa mukha ni Jeffrey para makuha niya agad ang atensiyon nito at loob.   “Alam mong hindi ako mahilig umatras sa isang pangako, Jaz,” sabi niya rito at umikot ng isang beses sa harap ng salamin.   “Kapag ginawa mo ’to, alam mong wala ng atrasan ’to,” sabi pa nito.   Huminga siya ng malalim at hinarap ang kakambal. “Jaz, don’t worry, I’ll be fine. Alam kong malaking sugal ang ginagawa ko pero para sa ikasisiya ng kaibigan natin at kapatid, willing akong gawin ito,” nakangiti niyang turan dito.   Bagama’t hindi pa rin kumbinsido ang kanyang kakambal ay hindi na ito muling nagsalita at tinulungan na lang siyang ayusin ang suot niyang damit.   Nang masiguradong okay na ang ayos niya at handa na siya ay sabay na silang lumabas ng Hotel suite na tinutuluyan nilang dalawa. Isang suite lang ang kinuha nila, mas sanay silang magkasama sa lahat ng oras. Siguro dahil pinalaki silang lagging magkasama ng mga magulang nila’t mga kapatid, palibhasa sila lang ang mga babaeng sa labing-isang magkakapatid na Mondragon.   Si Jazmyn na ang nagmaneho para sa kanila, binigay ni Sera ang address kung saan dapat magde-date ito at si Jeffrey. Simple lang ang suot ni Jazmyn at may cap din itong suot para maitago ang pagkakapareho nila ng mukha.   Huminga siyang muli ng malalim para pagaanin ang loob niya at pawiin ang kabang nag-uumpisa sa kanyang dibdib.   Kaya ko ’to! Fighting!   Ilang sandal pa ay nasa tapat na sila ng restaurant na sinasabi ni Sera. Nagkatinginan silang dalawa ni Jazmyn saka nagtanguan.   “Mauna ka na munang bumaba, susunod ako after ten minutes,” sabi nito.   Muli siyang tumango at dahan-dahang bumaba ng sasakyan, nang nasa may pintuan na siya ng restaurant ay lumingon siya sa sasakyan nila ngunit hindi niya rin makita ang reaksyon ng kakambal dahil tinted ang salamin ng sasakyan nila.   This is it!   Pinagbuksan siya ng Security Guard ng pinto at magiliw siyang binate.   “Good evening, Ma’am. Welcome to D’Ore!” anito.   Tipid siyang ngumiti at nagpasalamat dito. Nang tuluyan siyang makapasok ay agad na naglibot ang mga mata niya at hinahanap ang pamilyar na mukha ni Jefrrey. Isang beses pa lang niya itong nakikita kaya medyo nahihirapan pa siyang hanapin ito.   Come on, where are you? Huwag mong sabihing isa sa mga Private Lounge ang kinuha niya?    Nang gumawi ang tingin niya sa bandang kaliwa at malapit sa salaming dingding ay nagliwanag ang mukha niya nang makita niya ang lalaki. Tila nakikiayon naman ang tadhana sa kanya dahil walang nakapuwesto sa likurang table nito, may kalayuan iyon sa kinaroroonan nito ngunit alam niyang maririnig siya nito kapag nagsalita siya.   Nagmadali na siyang umupo roon at sinadya niyang sa mismong likuran nito maupo. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay lumakas ang t***k ng puso niya at kinailangan niya pang hawakan ang dibdib niya para pakalmahin iyon.   What is this feeling? Why do I become so nervous like hell? Ipinilig niya ang kanyang ulo at kinalma muna ang sarili bago tumawag ng waiter at humingi na muna ng tubig.   “Are you okay, Miss?” tanong ng lalaking nasa likod niya.   “I’m fine, t-thank you,” pinigilan niyang huwag mautal ngunit nabigo pa rin siya. Tumikhim siya  saka nginitian ito.   Umayos siya ng upo at huminga ng malalim. Kailangan niyang kumalma dahil hindi niya magagawa ng maayos ang misyon niya kung ganito ang nararamdaman niya. Kabado. Kabadong-kabado.   Nakita niya ang pagpasok ng kanyang kakambal at kagaya nang ginawa niya kanina ay naglibot din ito ng tingin, nang makita siya nito ay pasimple siya nitong tinanguan, gayundin siya.   It’s time!   Narinig niyang tumunog ang cellphone niya, agad naman niya iyong kinuha at sinagot.   “Hello, Tim?” aniya. “I’m already here, where are you?” tanong niya sa kausap niya sa cellphone pero sa totoo lang ay wala talaga siyang kausap.   “What the hell are you saying?” nilakasan niya ng kaunti ang boses niya, sapat lang para marinig ng binata ang boses niya. “You’re not serious, aren’t you?”   Marahas siyang napabuga ng hangin at nagkunwaring galit na. Sisiw lang sa kanya ang ganitong pag-acting dahil ilang beses na siyang napasali sa theater.   “Damn you! Who’s that? At sa tingin mo papaniwalaan kita? Don’t you dare call me again, tapos na tayo!” aniya at galit na ibinaba ang kanyang cellphone.   Habol-habol ang paghinga niya habang pinipigilan ang mapaiyak, gusto niyang batiin ang sarili niya dahil hindi siya nahirapang palabasin ang mga luha niya.   “Hey, are you okay, Miss?” narinig niya ulit ang boses ng lalaki sa likod niya. Kinagat niya ang ibabang labi at dahan-dahan itong lumingon. Pinalungkot pa niya ang kanyang mukha para mas kapani-paniwalang nasasaktan talaga siya.   “I-I’m fine. I’m sorry, naingayan ka na yata sa akin,” sabi niya at nag-iwas ng tingin dito.   “No, it’s okay. I know what you’re feeling right now,” nakangiting saad nito sa kanya.   “H-Hindi ka rin sinipot ng ka-date mo?” tanong niya rito.   Tumawa ito ng pagak, hindi nito naitago ang pait na nararamdaman nito sa tawang iyon. “You can say that, but not likely.”   Tumango siya. “Sana lang lahat ng lalaki katulad mo,” sabi niya.   Pinunasan niya ang kanyang mga mata at tinalikuran ito. Hindi niya alam kung gagana ang taktikang naisip nila, pero sana nga gumana. Croosed-fingers!   “Well, I should go. Hindi ko dapat sinisira ang gabi mo, I’m sorry for the trouble,” sabi niya at tumayo na.   Jeez! Kumagat kas sa patibong! Sigaw niya sa kanyang utak.   Sinadya niyang bagalan ang pagbabalik ng upuan at paghakbang, napasulyap siya sa gawi ni Jazmyn at nakita niya itong nakatingin sa kanya. Mawawalan na sana siya ng pag-asa at tuluyan nang aalis doon nang marinig niya ang boses nito.   “Wait, if you don’t mind, let me stay with you,” anito.   Yes, it worked! Nagdidiwang ang loob niya sa tagumpay na nakamit.   Lumingon siya rito na malungkot ang mukha. “You don’t need to do this, Mister—”   “I’m Jeffrey. Jeffrey Simoune, and you are?” Inilahad nito ang kamay nito sa kanya.   Napatingin siya sa kamay nito saka sa nakangiti nitong mukha, sa umpisa ay nag-alangan siyang tanggapin iyon ngunit ginawa niya rin sa huli.   “Yaxmien, call me, Yash,” nakangiting saad niya. Nag-alangan siyang sabihin dito ang apelyido niya dahil baka magkahinala agad ito.   “Nice meeting you, Yash. I think my date isn’t coming too. I got a text from her, and she told me she couldn’t come,” sabi nito.   “She? Your girlfriend?” nakataas ang kilay na tanong niya rito.   Kumakabog ng malakas ang dibdib niya ngunit hindi siya nagpahalata at pinilit na itago iyon sa pamamagitan nang pagngiti.   Nakangiti itong umiling. “No. My parents and her Lolo wants us to know each other. They want us to get married soon,” sagot nito sa kanya.   Nakangiwi niyang binawi ang kamay niya rito at humakbang paatras. “I’m sorry, I shouldn’t be in your way,” sabi niya at tinalikuran ito.   Aalis na sana siya roon nang mapapitlag sa kamay nitong humawak sa kanyang braso. Tumigil siya sa paghakbang at muli itong nilingon.   “No, you don’t,” sabi nito at nagkamot ng ulo. “Uhm, I know it’s a quick move, but can I take you to another place? Please don’t say no,” dagdag pa nito.   Napanganga siya sa bilis nitong mag-aya, nag-aalala pa naman siyang hindi magiging madali ang ginagawa niya kasi ito ang kauna-unahang beses na mang-aakit siya ng lalaki. Wala pa siyang naging karelasyon at wala siyang karanasan pagdating sa ganitong sitwasyon, nasa teatro ang buong atensyon niya at sa pangarap niyang makilala bilang isang mahusay na aktres at mananayaw kaya isinantabi niya ang pakikipag-relasyon.   “Please say you’re not afraid with me,” sabi nito.   Tumawa siya ng pagak at umiling. “I’m not. I’m just worried that someone got mad at me.”   Sunod-sunod ang ginawa nitong pag-iling. “I assure you, none,” sabi nito na ngumiti ng maluwang.   Nginitian niya ito ngunit sa loob-loob niya at unti-unting bumabangon ang inis at galit sa puso niya. Mabuti na lang talaga at sinunod nila ang plano ni Ate Maureen, ngayon ay mas naging determinado siyang akitin at linlangin ang binata mailayo lang kay Sxera.   Hindi ako papayag na lolokohin lang ng lalaking ito ang kaibigan ko! I need to teach him a lesson!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD