CHAPTER 6
Pinuntahan nila ang itinext na address ni Yaxmien sa kakambal nito, hindi na sila nagulat nang malamang sa isang Club sila napadpad. Kilala niya si Jeffrey at mahilig talaga ito sa mga ganitong lugar, pero hindi si Yaxmien.
“Parang gusto kong tanungin ulit ang sarili ko kung tama pa ba ang ginagawa natin,” nag-aalala niyang turan kay Jazmyn. Inihinto nito ang sasakyan nnito sa Parking Lot at sinulyapan siya.
“Relax, we made the right choice. At least ngayon alam na natin ang ugali ng gustong ireto sa’yo ng Lolo mo, puwede mong gamitin ang sitwasyon na ’to para ipatigil ang kasunduan ng Lolo mo at mga magulang ni Jeffrey,” saad nito.
Hindi siya umimik, sa loob-loob niya ay iyon din ang hiling niya, pero hindi pa rin sapat na basehan iyon. Tuso ang kanyang Lolo at hindi kaagad ito naniniwala sa isang bagay. Kapag nalaman nito kung sino ang babaeng kasama ni Jeffrey ay tiyak na mas magagalit ito sa kanya and worst scenario? Gamitan na siya ng dahas para lang maipakasal sa lalaking kailanman ay hindi niya matututunang mahalin.
Huminga siya ng malalim saka tinanguan si Jazmyn. “Let’s go,” aniya.
Sabay silang bumaba ng sasakyan at pumasok sa Club. Nasa may pinto pa lang sila ay dinig na dinig na nila ang malakas na musikang galing sa mga tila galit na speakers. Isama pa ang hiyawan ng mga taong naroon para mag-enjoy at kalimutan panandalian ang problema.
Ilang buwan na ba simula nang maranasan niya ang ganitong buhay? Sumayaw, umino, at magliwaliw. Iyong tipong wala kang poproblemahing kahit na ano kundi ang sarili mo lang. Marahas siyang napabuga ng hangin.
“Hey, are you okay?” untag sa kanya ni Jazmyn. Hinawakan siya nito sa braso kaya nag-angat siya ng mukha at ngumiti.
“I’m fine!” medyo nilakasan niya ang kanyang boses dahil lumakas din ang musikang pinapatugtog ng DJ na nasa gilid ng entablado.
“You want to drink? Or dance?” tanong nito sa kanya.
“Both!” nakangiting sagot niya at siya na mismo ang naghila dito papunta sa Bar.
“Sera, ipapaalala ko lang sa’yo, hindi tayo nandito para uminom. Kailangan nating hanapin sila Yaxmien!” malakas na saad ni Jazmyn para marinig niya.
“Relax, hindi naman tayo magpapakalasing!” natatawa niyang turan dito. Tinawag niya ang Bartender at umorder ng dalawang Bloody Mary. “Cheers?” nakangiting saad niya at ibinigay ang isang baso ng inumin kay Jazmyn.
Naiiling naman na tinanggap iyon ni Jazmyn. “Cheers!” nakangiting turan nito.
Sabay silang uminom at halos mangalahati niya ang inumin niya, parehas silang nagpalinga-linga sa paligid para hanapin ang puwesto nina Yaxmien ngunit dahil sa mapusyaw na ilaw ay nahihirapan silang makita ang kaibigan.
“Baka naman nasa VIP Lounge sila,” sabi niya at itinuro ang ilang VIP Rooms sa itaas. Tinted ang salamin ng mga iyon kaya hindi nila makita ang mga nasa loob. “Ang mabuti pa ay magsaya na muna tayo, kailan ba tayo huling nag-Club?” natatawang tanong niya rito.
“My brother will gonna kill me if he finds out we’re here.” Naiiling na turan nito.
Tumawa siya ng pagak. “If he finds out,” nakangising turan niya. Kinindatan niya ito at muling uminom, nakangiti niyang inilibot ang tingin a buong paligid.
Bakit ngayon ko lang naisipang mag-ganito? Ganoon na ba ka-stressful ang ginagawa ko at nakakalimutan ko nang magsaya? Natatawa niyang turan sa kanyang isip.
Nang magpalit ng musika ay tinungga niya ang laman ng kanyang baso at hinila si Jazmyn sa gitna ng dance floor. Nagulat man ay agad naman itong nakabawi at sinabayan siya sa pagsasayaw, ilang sandali pa ay kasama na sila sa mga taong lunod na lunod sa pag-indayog sa dancefloor.
Hindi na nila namalayan ang oras, tuluyan na nilang nakalimutang hanapin si Yaxmien at magpakasaya. Hindi na rin niya mabilang kung nakailang order na siya ng alak pero alam niyang unti-unti nang umiikot ang paningin niya.
“Oops, sorry!” sabi niya nang sa pagbaba niya ng kanyang kamay ay may nasagi siya sa likod niya.
“Watch out, sexy. The next time you bump into me, I’ll make sure that we’ll end up in bed,” sabi ng lalaking nasa likod niya.
Tinaasan niya lang ito ng kilay at hindi pinansin, pasimple naman siyang hinila ni Jazmyn papalayo doon. “I think we need to stop, Sera. Baka hindi na ako makapagpigil at may masapak na ako dito,” nakasimangot na sabi nito habang hila siya pabalik sa counter.
Humagikhik naman siya, unti-unti na niyang nararamdaman ang pagsanib ng espiritu ng alak sa katawan niya. Nakailang baso na ba siya ng alak?
“Ano ka ba? Hindi pa nga natin nahahanap si Yaxmien, ’di ba?” sabi niya at oorder pa sana ng alak nang pigilan siya ni Jazmyn.
“Tama na, lasing ka na. Ihahatid na kita pauwi, nagtext na ako kay Yaxmien at sinabing ihahatid na kita at uuwi na rin ako,” sabi nito sa kanya.
Napalabi siya ngunit hindi na rin siya nagmatigas pa, nakakaramdam na rin kasi siya nang pagkaliyo kaya tahimik siyang sumama rito palabas ng Club. Hanggang sa makarating sila sa sasakyan ni Jazmyn ay nakaalalay ito sa kanya.
“Papatayin ako ni Kuya Cody kapag nakita ka niyang ganito ang itsura,” narinig niyang maktol ni Jazyn habang tinutulungan siyang makaupo ng maayos at kabitan ng seatbelt.
Ipinikit na niya ang mga mata niya pero gising pa ang diwa niya. Sadyang namimigat na ang talukap ng mga mata niya at hindi na niya iyon kayang kontrolin pa.
** ** **
Samantala sa labas ng bahay ni Sera ay matiyagang naghihintay si Cody sa pagdating ng dalaga. Hindi niya alintana kung ilang oras na siyang nakatayo sa gilid ng sasakyan niya at pinapapak ng lamok. Mag-aalas dose na ng hatinggabi at wala pa rin ang dalaga.
Ilang beses niyang kinontak ang numero nito ngunit nakapatay iyon. Gayunpaman ay hindi siya umalis doon at hinihintay pa rin ang pagdating ng dalaga. Nagbabaka-sakaling mabasa nito ang mga text messages niya at umuwi.
Pagpatak mismo ng alas dose ay napakunot-noo siya nang makita ang pamilyar na kotse ng kapatid niyang si Jazmyn. Hinintay niyang tumigil ito sa harap niya mismo, binuksan nito ang windshield sa parte nito at nakataas ang kilay na nakatingin sa kanya.
“What are you doing here?” tanong nito.
“Where the hell did you go?” tanong niya rito, hindi inalintana ang tanong nito sa kanya.
Nagsalubong ang kilay niya nang makitang nakapikit si Sera at tila mahimbing nang natutulog.
“Answer me, Jaz. Saan kayo galing?” mariin niyang tanong dito.
“Nag-club kami, okay ka na? Kunin mo na si Sera at ipasok sa bahay niya. Alagaan mo ng maayos, malay mo pagkagising niya ay bigla na lang bumait sa’yo,” nakangising turan nito sa kanya.
Hindi niya na ito pinansin at lumipat sa kabilang side saka binuksan ang pinto ng kotse, dahan-dahan niyang kinarga ang mahimbing nang natutulog na dalaga. Naamoy niya ang amo-alak nitong hininga at hindi niya napigilangmarahas na mapabuntong-hininga.
“Open the door, Jazmyn,” utos niya sa kapatid.
Bumaba naman ito at kinuha ang susi sa loob ng bag ni Sera, nang mabuksan ay agad silang pumasok. Ibinalik ni Jazmyn ang susi sa loob ng bag ni Sera at saka nagpaalam na sa kanya.
“Balik na ako sa hotel room namin, medyo nakainom din ako,” sabi nito at napahawak sa sentido nito.
“Ano ba kasing naisip niyo at napadpad kayo sa lugar na iyon?” tanong nito sa kanya.
“She’s in a lot of stress, paminsan-minsan maganda rin mag-unwind,” sagot nito at tuluyan nang lumabas ng bahay.
Idineretso niya ito sa kuwarto nito at maingat na inilagay sa kama, pagkatapos ay nakapameywang niya itong pinagmasdan.
Iniwan niya saglit ang dalaga at pumuntang banyo para kumuha ng basang bimpo para ipunas kay Sera. Agad namang nagulat siya nang makitang nakaupo ito, at nakapikit ang mga mata habang hinuhubad ang suot nitong damit.
“Ugh, ang init,” bulong ni Sera at tuluyang hinubad ang pang-itaas nitong damit.
Napalunok siya at biglang naestatwa nang makita ulit ang perpektong kurba ng katawan nito. Damn, she’s so irrisistable!
Tumikhim siya at lumapit dito, ihihiga niya na sana ito nang bigla siya nitong itulak.
“Staw away form me!” tumigil naman na ulit siyang maglakad palapit dito.
Nakapikit pa rin ang mga mata nito ngunit alam niyang gising pa ito.
“I need to clean you up, Sera. Sa ganoong paraan ay mapreskuhan man ka man lang,” aniya at lumapit.
Hindi naman kumibo ang dalaga at hindi na rin nagmatigas pa. Lumapit siya dito at inilagay ang basang bimpo sa mukha nito.
“Sa susunod hindi na puwede ang ganito, Sera. Huwag mong sanayin ang sarili mo sa ganito,” aniya.
Humagikhik naman si Sera at hinawi ang kamay niyang may hawak na bimpo.
“I can do whatever I want,” sabi nito sa kanya.
Para siyang naestatwa sa kinauupuan nang tanggalin nito sa pagkaka-hook ang bra nito. Hindi niya napigilang mapakagat ng labi nang tumambad sa kanya ang alindog ni Sera.
Oh, f*cking hell, this is torture!