PROLOUGE

2410 Words
PROLOGUE   SEVEN YEARS AGO . . .   “Sigurado ba kayong okay lang na dalhin niyo ako sa bahay niyo?” Nag-aalangan niyang tanong sa kambal niyang kaibigan.   Katatapos lang ng kanilang last subjrct at inaya siya nina Jazmyn at Yaxmien na sumama sa bahay ng mga ito. Wala rin naman siyang gagawin sa bahay nila dahil lagging mga katulong lang ang kasama niya at nagsasawa na siya sa ganoong set up.   “Oo naman! Hindi ka na iba sa amin, Kambs, huwag ka ngang mag-inarte!” Natatawang wika ni Yaxmien na hawak siya sa kamay.   “Grabe naman!” maktol niya. “Hindi ako nag-iinarte, ah. Nakakahiya lang, ‘di ba sabi niyo hindi kayo nagdadala ng kung sinu-sino sa bahay niyo?”   Pagak na tumawa si Jazmyn. “Hindi ka naman na iba sa’min, ah.”   Gusto niyang maluha sa sinabing iyon ni Jazmyn. Nakilala niya ang kambal na kaibigan nang mag-umpisa ang pasukan nila. Noong una ay naiilang pa siya sa pagiging mabait ng dalawa ngunit kalaunan ay nasanay na siya sa mga ito. Lalo na sa kasungitan ni Jazmyn na kapag hindi nagustuhan ang nakikita’t naririnig ay agad na umaalma.   Parang pinagbiyak na bunga ang mukha ng dalawa ngunit magkaibang-magkaiba ang ugali at pananaw sa buhay nina Yaxmien at Jazmyn. Si Yaxmien ang masayahin at laging nag-iisip ng kalokohan at kapilyahan, habang si Jazmyn naman ang seryoso, maldita, suplada at higit sa lahat napaka-conservative palibhasa’y siya raw ang naunang lumabas sa sinapupunan ng Mommy nito kaya daw siya gano’n.   Ilang sandali pa ay nasa tapat na sila ng mansiyon. Kinailangan pa nilang maglakad ng ilang minuto para makarating sa mismong bahay ng mga ito. Pinagmasdan niya ang labas ng bahay ngunit hindi pa man siya natatapos mag-obserba ay hinila na siya ni Yaxmien papasok sa loob.   Pagpasok nila sa loob ng bahay ay napasinghap siya sa nakitang kaayusan ng bahay, napakalinis at ramdam niya agad ang kapayapaan na hindi niya mahanap sa bahay ng Lolo niya.   “Mom!” Tawag ni Yaxmien sa ina nito. “Mom, where are you?”   “Kailangan ba talagang sumigaw ka?” Nakangiwi niyang turan.   Tumawa ng pagak si Jazmyn at nagkibit lang ng balikat. “Ganyan kalambing ang kakambal ko.”   “Mom! Dad! Nandito na kami!” ulit ni Yaxmien na mas lalong nilakasan ang boses.   Parang siya pa ang nahihiya sa ginagawa ni Yaxmien, inakay siya ng dalawa sa sala at magkakatabi silang umupo. Wala siyang nakitang katulong na sumalubong sa mga ito at kahit hanggang ngayon na ilang minuto na silang naghihintay ay walang lumalapit sa kanila.   “Wala kayong katulong?” Nagtatakang tanong niya.   Nakangiting tumango si Jazmyn. “Meron naman pero bihira lang kung magpunta rito.”   Napanganga siya sa sobrang gulat, ngunit agad din namang nahimasmasan nang makita ang pagbaba ng mga magulang ng mga kaibigan.   Maganda ang Mommy ng kambal at hindi maitatangging sa dito nagmana ang dalawa, habang ang Daddy naman nila ay halatang may dugong bughaw dahil na rin sa tindig at postura nito.   Tumayo ang dalawang babae at lumapit sa mga magulang ng mga ito habang siya ay tumayo na rin at nakangiting nakatingin sa mga ito. Bigla niya tuloy naalala ang mga magulang niya at ang pag-aaruga ng mga ito sa kanya.   “Good afternoon po,” bati niya nang makalapit ang mga ito sa kanya.   “Good afternoon, hija. You must be Sera,” anang Mommy ni Yaxmien.   Tumango siya. “Ako nga po.”   “Naiku-kuwento ka lagi sa amin ng mga anak ko kaya masyado akong na-curious sa’yo. Ang sabi ko ay baka puwede ka nilang ipakilala sa amin, alam mob a kung paano mo binago ang ugali ng dalawang ito?” Magiliw na turan ng Mommy ng kambal.   “Mom!” himutok ni Yaxmien.   Narinig niya ang pagtawa ng ama nila. “Good thing you’re here, hija. You can call me, Tito Henrick, huwag kang mahihiya sa amin, ha.”   Muli siyang tumango. “Thank you po.”   Nang gabing iyon ay sunod-sunod niyang nakilala ang buong pamilyang Mondragon at nagulat siya dahil puro lalaki ang mga kapatid ng kambal. Sa umpisa ay nakaramdam siya ng hiya ngunit kalaunan ay nasanay na siya sa kakulitan ng lahat.   Pagkatapos ng gabing iyon ay halos araw-araw na siyang isinasama ng kambal sa bahay ng mga ito at malugod naman siyang tinanggap ng lahat. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng kasiyahan sa kanyang buhay, hindi na boring ang mga araw na nagdaraan sa kanya at higit sa lahat ay natuto na ring magmahal ang bata niyang puso.   Isa pa sa mga dahilan kung bakit niya gustong-gusto magpunta sa bahay ng mga Mondragon ay dahil sa nakatatandang kapatid nina Yaxmien, sa batang puso niya ay alam niyang hindi siya nito paglalaanan ng pansin lalo pa at ramdam niya ang pangingilag nito sa kanya ngunit gayunpaman, ay sinusubukan niyang mapalapit rito pero sa huli ay lagi lang siyang nabibigo at nasasaktan sa pag-iwas nito at pang-iisnab sa kanya.   Isang araw ay nagpunta siya sa mansion ng mga Mondragon, alam niyang wala roon ang pamilya nina Yaxmien at tanging si Cody lang ang naiwan. Nilakasan niya ang loob niya at pumasok pa rin, gusto niyang kausapin ang binata at makipag-ayos, baka iyon lang ang paraan para maging malapit silang dalawa at baka sakaling magkaroon din ito ng feelings sa kanya.   Nadatnan niya ang lalaki sa terasa at may binabasa sa laptop nito. Abot-abot man ang kaba niya ay buong tapang siyang lumapit ditto.   “Hi!” Masayang saad niya rito ngunit wala man lang siyang nakuhang sagot mula rito kaya nagmukha siyang tanga.   Hindi siya sumuko at umupo sa harap nito. Nakangiti siyang nakapangalumbaba sa mesa habang nakatingin sa binata.   “What are you doing?” malamig ang boses na turan nito sa kanya.   “Puwede ba tayong mag-usap?” tanong niya.   “No. May ginagawa ako, hindi mo ba nakikita?” Suplado nitong turan.   Lihim siyang nadismaya sa sagot nito ngunit hindi niya iyon pinakita at muling nagsalita.   “Kaya kong maghintay, matagal ba iyan?”   “Anong kailangan mo?” tanong nito. “Wala ang mga kaibigan mo rito, siguro naman alam mong mag-isa lang ako sa bahay namin.” Pinagkadiinan nito ang huling salitang sinabi nito na para bang may nais iparating sa kanya.   “Alam ko, hindi naman sila ang sadya ko, kundi ikaw,” walang gatol na bigkas niya.   Tumigil sa pagbabasa si Cody at walang emosyong tuimingin sa kanya. Kinilabutan siya sa lamig ng tingin nito sa kanya, pakiramdam niya ay nagsitayuan ang balahibo sa buo niyang katawan dahil sa intense nang pagkakatitig nito.   Pinagkrus nito ang mga balikat sa dibdib at isinandal ang likod sa inuupuan nito. “What do you need from me?”   Huminga siya ng malalim bago nagsalita. “Bakit may pakiramdam akong ayaw mo sa’kin?”   Ilang sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa, gusto niyang makipagtagisan ng titigan dito ngunit hindi siya makatagal sa klase ng titig nito sa kanya kaya agad niyang binawi ang tingin at tumingin sa harden na alagang-alaga ng Mommy ni Cody.   “Yes, you’re right, I don’t like you being here in my house,” mariin nitong saad.   Napatingin siya rito at gano’n na lang ang pagkabigla niya sa sinabi nito.   “P-pero bakit?” tanong niya, hindi niya naitago ang sakit na naramdaman niya sa sinabi nito.   “You don’t belong here,” walang gatol na sagot nito at kinuha ang laptop saka iniwanan siya roon.   Ilang beses na nag-echo sa kanyang isipan ang sinabi nito bago nag-sink in sa kanya ang ibig sabihin ng sinabi ng binata.   Hinabol niya ito at nadatnan niya ito sa sala.   “Ano ba talaga ang problema mo sa’kin? Puwede mo naman kasing sabihin para alam ko kung anong—”   “The problem is you! I don’t want you to be here and act like you’re one of us—‘like you’re one of my family! Hinding-hindi kita matatanggap na kapatid, Sera! Hinding-hindi kita magugustuhan bilang kapatid ko!” mariing wika nito.   “Then don’t! I don’t like to think that way, either!” sigaw niya.   Ngumisi ito. “And what were you thinking, huh?”   Natigilan siya at nag-iwas ng tingin, hindi niya kayang sabihin dito ang tunay na nararamdaman niya dahil baka isipin nito may ibang motibo ang pakikipaglapit niya sa pamilya nito.   “Let me guess, iniisip mo na sa ginagawa mong pakikipaglapit sa pamilya ko ay makukuha mo ang atensyon ko, tama ako, ‘di ba?” anito. “Hindi ako katulad ng mga kapatid ko na madali mo lang nalandi at napikot.”   Napalunok siya at alam niyang nag-init ang mukha niya. Maling-mali yata na nanatili siya sa bahay na iyon na silang dalawa lang ni Cody ang naroon. Akala niya, kapag silang dalawa na lang doon ay makukuha niya ang loob nito at magkakasundo silang dalawa. Iyon ang inaasahan niya, ngunit sabi nga nila, expect the unexpected things to happen.   “Get out,” malamig na saad nito.   Napatingin siya rito. “W-what?”   “Get out and never come back, you don’t belong here,” walang emosyong sagot nito. “Stop dreaming that you’re going to be part of us, because no matter what you, isa kang salinpusa sa pamil—”   Hindi niya pinatapos na magsalita ang binata at malakas na sinampal. Kinagat niya ang kanyang labi at pinigilang tumulo ang luha niya. “Hindi ko alam kung anong ginawa ko sa’yo pero huwag mo namang pag-isipan ng masama ang pakikipaglapit ko sa pamilya mo.”   “Huwag mo ring gamitin ang pamilya ko para punan ang pagmamahal na hindi maibigay sa’yo ng sarili mong pamilya. Namatayan ka ng mga magulang, you need to be strong and be independent. You don’t need to beg for everyone’s attention, you need to stand up on your own, and stop being an attention-seeker b***h,” walang emosyong turan nito sa kanya.   “K-kaya ko namang gawin iyon.” Nakatungong wika niya rito.   “Then get the hell out of here. Huwag kang magtapang-tapangan sa harap ko at sa harap ng pamilya ko ay iba ang pinapakita mo,” anito at tinalikuran siya.   “I like you.” Pigil-hiningang pag-amin niya rito, kuyom ang dalawang kamay niya at sa mga oras na iyon ay gusto niyang maglaho na sa harapan nito. “P-please, don’t push me away. I… I want to stay here know you—” Natigil siya sa pagsasalita nang marahas itong bumuga ng hangin at bumaling ulit sa kanya.   Kinilabutan siya nang makita ang nag-aapoy nitong mga mata na nakatitig sa kanya at ang pagtiim ng bagang nito. Mukhang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya at nagdulot iyon ng kakaibang sakit sa dibdib niya. Alam niyang mas bata pa siya rito pero hindi naman nagkakalayo ang agwat nilang dalawa, isa pa, hindi hadlang ang agwat ng edad sa dalawang taong nagkakagustuhan.   “Kung gumagawa ka ng paraan para pumayag akong manatili ka rito, it won’t work! Marami na akong nakilalang malalandi at alam ko kung paano kayo trumabaho,” mariin nitong wika.   Nagpanting ang kanyang tenga at nagsalubong ang mga kilay sa sinabi nito. “Hindi ako malandi at huwag na huwag mo akong itutulad sa mga babaeng nakilala mo.”   Ngumisi ito at nagkibit ng balikat. “Hindi ba paglalandi ang tawag mo sa pakikipagharutan sa mga kapatid ko?”   “H-hindi totoo ang sinasabi mo, mababait ang mga kapatid mo at tanging pakikipagkaibigan lang ang turingan namin.” Kusang tumulo ang mga luha niya sa hindi niya malamang dahilan. Nasasaktan siya sa mga sinasabi nito at mas lalong sumusugat sa kanyang puso ang kaalamang isang malandi lang ang tingin nito sa kanya.   “Hindi nga ba?” Nanunukat ang tingin nito sa kanya. “Walang matinong babae ang magpapaiwan dito na ang tanging kasama lang ay isang lalaki.”   “I trust you! That’s why I’m here with you!” singhal niya.   Nagulat siya nang mabilis itong lumapit sa kanya at marahas siyang hinalikan sa labi. Halos mapugto ang hininga niya dahil sa klase ng halik nito. Malakas niya itong naitulak palayo sa kanya at hingal na hingal na sinampal ito.   Ipinilig nito ang ulo at pagak na natawa. “I give you what you want, now leave.”   Tuluyan na siyang napahikbi, hindi niya inaasahan na sa ganoong paraan niya mararanasan ang unang halik niya. Nanginginig ang mga kamay na hinawakan niya ang kanyang labi na tila namanhid sa mapangahas nitong paghalik.   “I hate you…” anas niya habang sunod-sunod na tumutulo ang mga luha. “I swear this was the last day you and you’re family will see me. Sa iyo na iyang pamilya mo! Hindi ako lumapit sa—” Tumigil siya sa pagsasalita nang mapagtantong wala ring kabuluhan kung magpapaliwanag siya dahil ‘di naman siya nito papakinggan.   Umiling siya at mapait na ngumiti rito. “Nevermind.”   Tumalikod na siya at hindi na nag-abalang magpaalam dito. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa makalabas siya ng mansion ng mga ito. Habang nasa labas ay panay ang pahid niya sa kanyang luha na ayaw tumigil sa pagpatak. Pinara niya ang taxi na dumaan sa tapat niya at nagpahatid siya sa dating bahay nila.   Wala ng tao doon at balak iyong ibenta ng kanyang Lolo Ernesto dahil gusto nitong tumira na siya kasama ito. Humiga siya sa mahabang sofa roon at humagulhol, inilabas niya ang lahat ng sama ng loob niya. Hindi niya alam kung gaano siya katagal umiyak basta ang alam niya ay nakatulog siya at paggising niya ay malalim na ang gabi. Nakaramdam siya ng gutom pero tiniis niya iyon, nakita niya ang maraming missed calls ng kambal at magkakapatid na Mondragon lalo na kay Dux. Pinatay niya ang kanyang cellphone at buo na ang desisyon niya.   Kasabay nang paglabas niya sa dati nilang bahay ay iniwan niya rin sa loo bang lahat ng masasayang alaala niya sa angkan ng Mondragon. Magpapakalayu-layo siya at hindi na aabalahin ang mga ito, dahil kahit hindi man niya gustong gawin iyon ay kailangan. Ang pamilyang iyon ang dahilan ng una niyang pagkabigo.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD