PROLOGUE (CODY'S SIDE OF STORY)

1892 Words
  PROLOGUE (CODY’S Side Story)   Sa edad niyang bente-uno ay alam na ni Cody ang pasikot-sikot sa negosyo nila. Bilang pangalawang anak na Mondragon ay nakaatang na rin sa balikat niya ang malaking responsibilidad sa paglago pa ng kanilang mga negosyo.   Hindi niya rin naranasan ang magkaroon ng nobya dahil mas inuna niyang pag-aralan ang kompanya nila, isa pa ay hindi siya pinalaki ng mga magulang niya para unahin ang mga bagay na hindi naman kailangan. Kuntento na siya sa mga social gatherings na dinadaluhan ng pamilya niya o ‘di naman kaya ay kapag nagtitipon-tipon sila ng mga kapatid niya.   Labing isa silang magkakapatid at dalawa lang ang babae sa buhay nila, maliban sa pinakamamahal nilang ina. Masaya ang pamilya nila at hindi sila pinalaki ng mga magulang nila na umaasa sa mga katulong, minsan nga ay sila na ang naglilinis ng malaking bahay nila, naglalaba at kapag may oras pa ay nagpa-plantsa ng mga damit nila.   Kung tutuusin ay kaya nilang ipagawa iyon sa mga katulong pero dahil lumaking mahirap ang kanyang Mommy kaya hindi ito nasanay na may katulong at bilang respeto na rin dito at pagmamahal ay sinusunod nila ang anumang ipinagbibilin sa kanila.   “O, Kuya Cody, wala ka bang balak magka-nobya?” tanong ni Max sa kanya minsang nagtipon-tipon sila sa sala.   “Wala akong oras para sa mga ganyang bagay,” pormal na sagot niya.   Nang-aasar siyang tinawanan ng nakababatang kapatid. “May balak ka bang tumandang binata ? Tingnan mo si Dux, may nililigawan na!”   Marahas siyang nagbuntong-hininga at itinuon na ang kanyang atensiyon sa kaharap na laptop.   “Wala ka pang nagugustuhan?” Pangungulit ni Max sa kanya.   “f**k off, Max,” iritableng turan niya. “Hindi ako nagmamadali sa bagay na iyan, Max, so, get lost!”   Ngunit makalipas lamang ang ilang araw ay hindi niya inaasahan ang pagdating ng babaeng unang bibihag sa kanyang puso—si Sera.   Sa unang beses pa laman na nakita niya ito ay alam na niyang gusto niyang mas makilala pa ang dalaga pero hindi siya binigyan ng pagkakataon ng mga kapatid niya at lagi pang bukambibig ang pagiging ulila ni Sera.   Ay dahil mabait ang kanyang mga magulang ay gusto nilang pagbigyan ang hiling ng mga kapatid niya na ituring nilang kapatid si Sera, hindi siya sumang-ayon sa mga ito. Hinding-hindi siya papaya na maging kapatid ang dalaga!   Kung tutuusin ay wala namang problema iyon sa kanya, pabor sa kanya kung tatanggapin si Sera ng pamilya niya bilang bagong miyembro ng kanilang pamilya kaya lang maling-mali na ipagsigawan ng lahat na dapat ay tratuhin na rin niya ng maganda ang dalaga dahil magiging kapatid niya na rin ito.   “Oh my God, do you like her?!” bulalas na tanong sa kanya ni Jazmyn minsang pinuntahan siya nito sa study room.   Hindi siya sumagot at nanatiling nakatuon ang tingin sa binabasang dokumento.   “Confirmed!” turan nito. “Subukan mo kayang kausapin siya, Kuya? Hindi na uso ang pagiging torpe ngayon.”   Nagpatuloy lang siya sa ginagawa, kung gano’n lang sana kadali iyon, ‘di sana ay matagal na niyang ginawa iyon, ‘di ba?   “Woi! Ano na Cody? Wala ka talagang balak kumilos?” sita nito sa kanya.   Sinamaan niya ito ng tingin at ibinagsak ang binabasang dokumento sa ibabaw ng desk.   “What do you want, Jazmyn?”   Sininghalan siya ng tawa nito. “Seriously, Cody?”   “Seriously, Jaz?” pag-uulit niya sa sinasabi nito. “Mas matanda ako sa’yo kaya dapat na tinatawag mo ’kong Kuya!”   Humalukipkip lang ito at inismiran siya. “Whatever! Torpe!”   Marahas siyang nagbuga ng hangin at sinundan ang papalayong kapatid niya. Isinandal niya ang kanyang  likod sa upuan at hinilot ang sariling noo.   Kasalanan ba niya kung hindi niya magawang magsalita kapag nandiyan si Sera? Nilalamon siya ng sobrang kaba kapag naririnig pa lang niya ang boses nito at hindi niya rin magawang tumingin dito ng deretso dahil pakiramdam niya ay lalabas na ang kanyang puso sa sobrang kaba.   Alam niyang hindi habang-buhay na maiiwasan niya ang dalaga at darating ang araw na magkakausap din silang dalawa. Nang mangyari iyon ay gusto niyang pagsisihan ang lahat nang sinabi niyang pang-iinsulto rito.   Nasaktan niya ito at halos triple ang balik niyon sa kanya ngunit wala siyang nagawa at hinayaan lang itong masaktan at umiyak. Hindi nagrehistro sa kanya ang mga sinabi nito, imbes ang mga mata nitong punong-puno ng hinanakit at galit ang tumatak sa isipan niya.   Nang dumating ang kanyang mga magulang at mga kapatid assy nadatnan siyang tulala sa sala kung saan sila nagkausap ni Sera.   “What happened to you?” Nakataas ang kilay na tanong ni Jazmyn sa kanya ngunit hindi siya sumagot at parang doon niya lang napagtanto ang katangahang ginawa.   “f**k!” sigaw niya at malakas na ibinagsak ang hawak na laptop sa sahig.   Lahat ng naroon ay nagulat sa ginawa niya, lalo na si Jazmyn ngunit parang nakahalata agad ito kaya halos patayin siya nito sa sobrang talim ng tingin nito sa kanya.   “Cody, what the hell?!” tanong ng kanyang Daddy na madilim ang mukhang lumapit sa kanila ni Jazmyn.   “Jaz, what’s happening here?” baling naman nito sa kapatid niya.   “Ewan ko diyan sa torpe niyong anak.” Nakahalukipkip na sagot nito sa kanilang Daddy.   “Torpe? Anong ibig mong sabihin?” tanong naman ni Yaxmien na pinagmasdan din siya ng maigi.   Huminga siya ng malalim at sunod-sunod na umiling. “I . . . I didn’t know what I was doing.”   “Hey, may ginawa ka ba habang wala kami?” Kunot-noong tanong naman ni Dux.   Halos lahat ng naroon ay nakatingin na sa kanya at hinihintay ang sagot nioya. Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa buong kabahayan bago siya nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita.   “I hurt Sera’s feelings.” Nakatungong turan niya.   Muling namayani ang katahimikan at tila ina-absorb pa ang sinabi niya. Unang bumasag ng katahimikan ay ang sigaw ni Yaxmien.   “No way! You hurt Sera?!”   Tumango siya at sunod-sunod naman ang pagmumurang tinanggap niya, maging ang kanyang Mommy ay hindi nagustuhan ang kanyang ginawa at naghihintay na magpaliwanag siya kung bakit niya nagawa iyon at kung ano ang nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Sera.   “Umali slang kami ng ilang oras, pero pagbalik naming may kabobohan ka nang ginawa?” Naiiling na sumbat ni Dux.   Napasimangot siya ngunit hindi niya magawang ipagtanggol ang kanyang sarili dahil alam naman niyang kasalanan niya ang nangyari.   Nakaupo na sila sa sala at pinalibutan siya ng mga ito, walang balak na patakasin siya.   “Cody Bryant, naghihintay kami ng paliwanag mo,” anang kanyang Mommy.   Huminga siyaa ng malalim bago nagsalita. “I like her. Unang beses pa lang na nakita ko siya ay iba na ang nararamdaman ko para sa kanya,” pag-amin niya.   “Tanga! Gusto mo iyong tao pero sinaktan mo? Ayos!” singhal sa kanya ni Jazmyn.   “Jazmyn! Hindi mo dapat pinagsasalitaan ang nakatatandang kapatid mo ng ganyan!” saway ng Daddy nila.   “Kahit naman ako, sasabihin ko iyon, Dad, eh! Hustisya naman para sa kaibigan namin!” turan naman ni Yaxmien na pinaburan ang sinabi ng kakambal nito.   “Girls, lahat tayo galit sa ginawa ni Cody, pero kung paiiralin niyo rin ang galit niyo paano natin masusulusyunan ito?” Malambing na wika naman ng kanyang Mommy.   Lihim siyang nagpasalamat sa sinabi ng kanyang Mommy ngunit alam niyang kahit ganoon ang pananalita nito ay wala pa rin siyang kawala sa ginawa niyang kasalanan.   “Bakit mo nga naman nagawa ang ganoon, Cody?” baling sa kanya ng kanyang Mommy. “Kung gusto mo si Sera ay hindi naman kami tututol doon, pabor pa nga iyon sa amin dahil kilala na namin ang batang iyon.”   Marahas siyang nagbuntong-hininga. “I don’t want you to treat her as one of us.”   “Damn you!” halos sabay-sabay na wika ng mga kapatid niya. Parang nagkakaisa ang mga ito at hindi sang-ayon sa sinabi niya.   “Ano bang kaisipan ang mayroon ka?!” singhal naman ni Dux. “Gusto mo iyong tao pero ayaw mong ituring naming kapamilya? You’re being ridiculous, dude!”   Sininghalan niya ito. “You’re treating her as a little sister and I don’t like it!” Nakasimangot na wika niya.   “Eh, anong gusto mong itrato naming sa kanya?” Napapantastikuhang tanong naman ni Eliot. “Sera’s nice and adorable chic!”   “f**k off,” aniya.   Tinawanan lang siya ni Eliot.   “Anong sinabi mo sa kanya, Cody?” inis na tanong ni Jazmyn sa kanya.   Nag-iwas siya ng tingin at alanganing nagsalita, tiyak na hindi magugustuhan ng mga ito ang sasabihin niya.   “Cody?” Naghihintay na wika rin ng kanyang Daddy.   “I told her to stay away for us and never come back,” mahinang sagot niya.   “Wow! I hate you, you know that?” ani Yaxmien.   “Natakot ako na baka hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko sa kanya at isipin niyo ring ituring na talaga siyang kapatid. Baka pati ako ay kontrolin niyo rin at utusang ituring ko siyang kapatid,” paliwanang niya.   Tumayo ang kanyang Mommy at walang emosyong lumpait sa kanya, tahimik lang siya at hinihintay na pagalitan nito. Maya-maya lang ay napasigaw siya sa sobrang sakit dahil piningot nito ang kanyang tenga ng pagkalakas-lakas.   “Mom!” Naiiyak niyang turan.   “Gago kang bata ka! Hindi kita pinalaki para manakit ng damdamin ng kahit na sino! Hindi mo ba naisip kung ano ang magiging epekto niyon kay Sera? Diyos ko naman, Cody! Bente-uno ka na pero hindi ka nag-iisip ng tama! Pumurol na ba iyang utak mo sa kababasa ng mga dokumento sa opisina mo?” tuloy-tuloy na pangangaral ng Mommy niya habang hawak ang kanyang tenga.   Dinig na dinig niya ang buntong-hininga ng mga kapatid niya, parang gusto niya tuloy pagbabatuhin ang mga ito ng unan dahil kahit ganoon lang ang reaksyon ng mga ito ay alam niyang pinagtatawanan siya ng mga ito, hindi nga lang maipakita iyon dahil tiyak na pagbabalingan sila ng Mommy nila.   “M-Mommy, aayusin ko naman ito!” sagot niya.   “Aba, dapat lang! Huwag kang umasang tutulungan ka naming pagdating sa usaping pag-ibig mo na iyan! Nagawa mo siyang saktan kaya dapat lang alam mo rin kung paano siyang suyuin ulit!”   “Ang tanong ay kung kaya nga ba niyang suyuin at hanapin si Sera?” sabad ni Yaxmien at ipinakita ang telepono. “Hindi niya sinasagot ang tawag ko at sa pagkakakilala ko sa kanya ay malamang na lumayo nga iyon at tuluyan nang hindi magpakita,” malungkot na saad pa nito.   Natameme siya at biglang namanhid ang buo niyang katawan. Hindi na niya maramdaman ang kamay ng kanyang Mommy sa tenga niya, aware siyang masama ang tingin sa kanya ng lahat ngunit hindi niya iyon inintindi dahil nakatuon ang isip niya sa imahe ni Sera na umiiyak at labis na nasaktan sa ginawa niya.   Kung ito man ang nakatadhanang mangyari ngayon, ay hahayaan na muna niya iyon, pero sa oras na matagpuan niya ang babae, by hook or by crook ay gagawin niya ang lahat makuha lang ang dalaga.              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD