"ANONG gagawin natin sa diyan?" "Tulad nang naunang plano! Ano pa ba?!" "'W-wag na lang kaya nating ituloy. Natatakot na ako, eh..." "Gaga ka talaga din, ano? 'Andito na, uurong ka pa?!" Iyon ang mga nauulinigan na boses ni Elizabeth nang unti-unti ay nagkakaroon na siya ng malay-tao. Masakit ang ulo niya ang nanlalabo pa ang kanyang mga mata. Hirap pa siyang igalaw ang kanyang katawan. Ang huli niyang natatandaan ay nang may sumalakay sa kanya na apat na tao at nang magising siya ay narito na siya sa isang bahay na hindi pamilyar sa kanya. Ikinurap-kurap niya ang kanyang mga mata hanggang sa unti-unting bumabalik na ang kanyang paningin sa normal. Iginala niya ang kanyang mga mata at doon lang niya napamasdan ang kanyang paligid. Nasa isang bahay siya na yari sa sawali at pawid. May

