"SABINA! Anong ginagawa niyo dito? Lumayo kayo sa sunog! Madali!" Sabay-sabay na napalingon sina Olga sa pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita nila na humahangos na papalapit sa kanila ang kanilang babaeng guro. Nakasunod dito ang iba nilang kaklase. Marahil ay nakita ng mga ito ang sunog at pinuntahan ng mga ito. "T-teacher!" ani Olga sabay takbo sa guro at yumakap dito. "Ano bang nangyari, ha?" "Teacher, si Elizabeth... si Elizabeth! Nasa loob pa siya!" deklara niya. -----***----- DUMATING agad ang ambulansiya at agad naman na naapula ang apoy. Ngunit huli na ang lahat. Sunog na sunog at wala ng buhay si Elizabeth nang ilabas ito sa bahay. Sunod na dumating ang mga pulis upang mag-imbestiga. Nakatulala lang si Olga sa isang sulok. Hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa utak niya a

