KINAKABAHAN na sinundan ni Olga si Dario sa loob ng classroom. Alam niya kasi na kakausapin ni Dario si Elizabeth tungkol sa pananakit nito sa kanya. Hindi man niya direktang inamin sa kanyang nobyo ang totoo ay alam niyang alam nito na si Elizabeth ang may kagagawan ng sugat niya. Pagkapasok niya sa kanilang silid-aralan ay nakita niya si Dario na hinahawakan ng mahigpit ang braso ni Elizabeth. May galit sa mga mata nito habang takot naman ang kay Elizabeth. "Ang lakas din ng loob mo na saktan ang nobya ko, ano?!" bulyaw ni Dario kay Elizabeth. Sinasabi na nga ba niya. Ito ang mangyayari. "Ano ba, Dario? Nasasaktan ako! Bitiwan mo nga ako!" piksi ni Elizabeth. Kailangan niyang awatin si Dario. Wala siyang ideya kung ano ang kayang gawin nito kapag nagalit ito at ayaw niyang makita iy

