LESSON 09- Past Versus Present

1289 Words

NAHULI ni Elizabeth na nakatulala sa kawalan ang kanyang ina na si Thelma. Nakadungaw ito sa bintana at tila malalim ang iniisip. Marahil ay iniisip nito ang kanyang ama. Hindi kaya nagsisisi ito sa ginawa nitong pagpapalayas dito? Bahagya niyang kinatok ang nakabukas na pinto ng silid nito. Lumingon ito sa kanya na may namumugtong mga mata. "'Nay... Kakain na po tayo," anyaya niya dito. "Sige, susunod na ako, anak..." Nginitian niya lang ito at nagtungo na siya sa kusina kung saan naroon din ang kanilang komedor. Pagkaupo niya ay siya ring pagdating ni Nanay Thelma. Umupo ito sa upuang nasa harapan niya. Kapansin-pansin ang pagiging matamlay ng nanay niya. "Bakit hindi ka yata pumasok, Elizabeth?" Naunahan siya nito na magbukas ng topic para pag-usapan. "Baka marami ka nang aralin na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD