"TALAGA bang tanga ka o natutulog ka lang sa pansitan?" nanlilisik ang mga mata ni Sabina nang sabihin niya iyon kay Olga matapos niya itong sampalin. Dahan-dahan na napatayo si Olga sa kinauupuan nito. Sa mukha nito ay alam niyang wala itong ideya sa natuklasan niya. "A-ano bang pinagsasabi mo, Sabina?" "Ang tanga mo! Nagkabalikan na sina Dario at Elizabeth!" deklara niya. -----***----- PARANG pinagsakluban ng langit at lupa si Olga sa sinabing iyon ni Sabina. Nakatulala siya ng ilang segundo bago tuluyang na-absorb ng utak niya ang sinabi nito. "Hindi totoo iyan," matapang niyang sabi. Tiwala siya kay Dario. Marami na itong pinangako sa kanya. At isa pa... may nangyari na sa kanila. Panghahawakan niya lahat ng iyon! "Ayaw mong maniwala?" nang-uuyam ang ngiti ni Sabina. Sinaklit si

