Kabanata 1

1764 Words
SINIKO ako ni Ally dahil siguro naapansin nya parang nawalan ako bigla ng imik. Kahit naman siguro magtataka kasi kanina lang saya-saya ko pa tapos biglang ganito. Imbis na magsalita ako at sumagot sa kanya ay tinaasan ko nalang siya ng kilay at binigyan ng ekspresyon na nagtatanong kung bakit. “Kumuha daw ng index card at ilagay ang fullname,address, contact number at status,” mas lalong tumaas kilay ko sa sinabi ni Ally sa akin. Napaka space out ko naman umagang-umaga. Gagawa n asana ako ng biglang nagsalita ang professor namin. “Where is your index?” tinignan ko muna kung ako ang kinakusap nya.Sumulyap ako sa mga kaklse ko lahat sila ay nkatingin sa akin.BIgla akong nahiya. “I apologize again Sir, I’m not really feeling well right now. “paliwanag ko sana talaga paniwalaan nya. “Ganoon ba talaga kasama ang pakiramdam at kahit magsulat hindi mo kaya?” sagot nito sa akin. Bahagya akonng yumuko dahil sa kahihiyan. Ang isang running for Magna Cumlaude ay pinapagalitan ng new professor. Tahimik ang paligid kaya naman hindi ko na ring nakuha pang magsalita. Tumikhim siya kaya naman ang lahat ay napatingin sa kanya. “Since hindi ka nagpasulat sa index card you can pass it later but you will get an detention for not participating to my class. And before matapos ang klase ko; “ daretso nya akong tinignan at tumayo naman ako ng tuwid para salubungin iyon. “Kindly introduce your self,” halata naming ako ang kausap niya dahil sa akin lang buong atensyon niya. “Ok fine, Hi everyone, I know many of you knows me,” pilit akong ngumiti sa kanilang lahat. I’m Amaris,sorry but I can’t say my address because its to private and last is my status is….”napahinto ako dahil hindi ko ang sasabihin ko.”Single” yun ang kusang lumabas sa bibig ko hindi ko din alam kung bakit pero biglang gusto ko nalang iyong bawian ng mapatingin ako sa pares ng mata na may malungkot ngunit may haong galit na emosyon. “Ok class dismissed and Ms.Amaris please come to my office for your detention,” mabilis siyang lumabas ng walang lingon-lingon. Ako nman at agd na napaupo. Bakit ba ako nagiging ganito? Ok na ang lahat diba? Naplano ko ang lahat pero bakit parang babagsak pa rin ako. “Ayos ka lang Maris?” si Jared na ngayon ay nakahawak na sa balikad ko. “Ah oo sige na mauna na kayo sa canteen sunod nalang ako after kong pumunta sa office ni Sir. “Gusto mo ba samahan ka na namin?” tanong ni Santi. “Oo nga baka mapano ka pa eh,” suportadong sagot naman ni Ally. Nginitian ko silang lahat. Lord napaka swerte ko naman po sa kaibigan, salamat po at binigay mo sila sa akin. “Hindi ano ba kayo, ayos lang ako. Ang mabuti pa ay mauna na kayong kumain ah,babye,” tumayo na agad ako para hindi na sila maka angal pa. HINDI ako sa faculty nagpunta dahil alam ko naman na wala siya doon. Pinunta ko ang 4th floor ng building kung saan naroon ang mga office ng board of directors including the Dean’s office. Kumatok ako sa pito pero walang nagbubukas. Sinubukan kong idikit ang tenga ko sa pinto dahil baka sakaling may nauna sa akin pero talaga akong marinig mula sa loob. “Sound proof nga pala office nya,” wala sa sarili kong sabi at saka napatitig sa pinto. Aalis na sana ako ng paglingon ko sa gillid ko ay nandun na siya. Sa gulat ko nabuwal ako at biglang bumukas ang pinto. “s**t,” mahinang sabi ko. “Get up woman, mamaya baka ano isipin ng makakita sayo dyan,” tumayo ako kahit na masakit ang pwet sa kakabuwal. Pumasok naman agad siya sa loob ng office niya at may dalang kung ano-ano. Nakatingin lang ako sa kanya sa loob. Inilapag niya ang mga hawak nya sa round table sa office niya at saka tumungin sa akin. “Ano wala kang balak pumasok,” mabilis akong pumasok at isinara ang punto. Lumapit naman siya sa akin.Sobrang lapit niya sa akin ay amoy na amoy ko na ang mamahalin niyang pabango. Napakalapit ngb mukha niya sa akin kaya akala ko ay hahalikan pero…. “You should lock the door woman,” bulong nito sa akin. Nagtaasan ang balahibo ko ng maramdaman ng balat ko ang hininga nya. “Sorry I forget,” mahinang sabi ko at saka inayos ang pagtayo. Hindi ako dapat magpag apekto. Lumayo na siya sa akin pagtapos niyang i-lock ang pinto. Pinakamalaki ang office nya may isang bedroom ito sa loob and comfort room of couse. May maliit na sala and mini kitchen. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinasabi ng iba na dito daw dinadala ni Mr.Deverson ang mga babaeng gusto nitong makatalik instead of hotel or motel. Nandiri agad ako ng maalala koi yon. “I shoud not be here,” mahinang bulong ng isip ko. Hindi ko kayang magtagal ditto ng matagal dahil feeling ko paglabas ko dito ay napadumi ko na kahit na wala naming nangyar sa amin. Ipinillig ko ang kung ano mang naiisip dahl alam ko sa sarili na kahit kalian hindi mangyayri iyon. Sa halip na isipin ang mga bagay na iyon at nilakasan ko ang loob na itanong kung ano ang dapat kong gawin para matapos na ito. Magsasalita pa lang ako ng mapansin ko ang ginagawa niya. Nag aayos siya ng pagkain na pang-dalawa at nakita ko rin ang hinihanda niyang gamot. Gusto ko sanang isipin na para sa akin iyon pinigilan ko ang sarali dahil alam kong malabong mangyari iyon. “Sir ano po ang gagawin?” matapang na tanong ko. Nakuha ko nag atensyon niya kaya napatingin siya sa akin pero agad din niyang binawi ang tingin. Nakaramdam ako ng kirot sa puso dahil doon. “Sit down and let’s eat,” mahinahon niyang sagot sa akin na nagpaawang ng bibig ko. Natapos na siya sa paghahanda ng pagkain kaya naman lumapit siya sa kabilang dulo ng mesa at hinilang ang isang upuan doon.Nakatingin lang ako sa ginagawa niya. Anong meron bakit ganito ang kinikilos niya. “Sit down and let’s eat,” ulit niya at para hindi na kami mag-away at makaalis na rin ako rito ay minabuti kong sundin ang mga sinasabi niya. Nilagyan niya ng pagkain ang plato ko. Ako naman ay nakatingin lang sa mga kinilos niya dahil nakakapanibago. “What are you doing?” nagulat siya sa sinabi ko maging ako ay nagulat sa lumabas na salita sa bibig ko. Nagtapos na niya ang paglalagay ng pagkain sa pinggan ko saka siya umayos ng upo at tumingin sa akin. “Putting foods on your plate isn’t obvious?” pilosopong sagot niya sa akin. “I know, pero bakit mo ginagawa?” nag-iwas siya ng tingin sa akin. “I’m just taking care what’s mine,” bigla kong naramdaman ang malakas na t***k ng puso ko dahil sa sinabi niya. Hindi ako nakaimik sa sinabi niya dahil ko alam kung anong sasabihin ko. Kahit ako ay naguguluhan sa sinabi niya. Ayokong umasa sa ganito dahil kahit anong mangyari itutuloy ko ang plano ko. “Let’s just eat and drink your meds,” mas lalong umawang labi ko. Totoo ba ‘to? Why he acting strange? Ano bang plano mo? “Hindi ko kailangang uminom ng gamut,” mababang sabi ko. Wala naman kasi akong sakit kaya hindi ko kailangang uminom ng gamot. “Pero may sakit ka. Don’t be so stubborn woman ,” alertong sagot niya sa akin. Kung alam mo kung bakit ako namutla ay hindi ka na mag aabalang gawin ang lahat ng ito. “No,I’m not at kung may sakit man ako kaya ko ang sarili ko SIR” diniinan ko talaga ang pagkakasabi nun para malaman niya kung nasaan kami. “What a funny joke,f**k!” nagulat ako sa sarkastikong tawa niya at malutong na mura niya. Yumuko nalang ako dahil wala akong laban sa kanya ngayon. Tumingin siya sa akin at halatang may galit sa mga mata niya. Nagulat ako ng tumayo siya at tumalikod sa akin. Ito na naman tayo. “Finish your food and go back to your class. Sa bahay tayo mag-uusap,” pagkasabi nun ay lumabas na siya at sinarado ang pinto. Naiwan akong mag-isa sa loob ng office niya. “Wow, great Amaris naiiwan na naman tayo. Kailan kaya yung panahon na ako naman yung tatalikod at mag wo-walk out?” tanong ko sa sarili ko mapait na ngumiti. Kumain ako dahil sayang ang pagkain. Pag katapos kong kumain ay inayos ko ang mga narita dahil baka bumalik siya at ituloy ang naudlot nyang pagkain dahil sa akin. Lumabas ako ng office niya at saka dumaretso na room. Tiyak sasabunin na naman nila ako ng tanong dahil matagal akong nawala. Papasok palang ako ay nakita ko na agad ang nakataas na kilay ng bakla. Ngumiti naman ako sa kanya. “Hoy babae saan ka ng punta?” tanong ni Santi sa akin. “Sa office ni Mr.Deverson ,” maiksi kong sagot. “Yung totoo?” nakisali na rin si Ally. Wala si Jared ngayon dahil baka may meeting sa kanyang mg aka team. Famous basketball kasi siya dito sa university. “Alam mo Amaris hindi kami pinanganak kahapon dahil si Mr.Deverson ay kanina pa umalis kasama ang chinita girl na humallik sa kanya kanina,” nagulat ako sa sinabi ni Santi sa akin. Parang sinaksak ng patalim ang dibdib ko. Hindi ko dapat nararamdaman ‘to pero inaamin ko nasasaktan na ako. “Oo nga Maris akala ko single si Sir, hindi pala,” nakasimangot na sabi ni Ally kinurot naman siya ni Santi. “Allyson Vergara umayos ka dyan,” saway ng bakla. Inirapan lang siya nito at saka umupo sa upuan niya. Sinundan naman siya ng bakla habang ako ito pinapakalma ang sarili dahil sa luhang kanina pa gustong magpakita at bumagsak. Mabuti nalang at hindi nagtanong ang dalawa dahil sila naman ngayon ang nag-aaway. Punta ako sa upuan ko at umupo. Tumingin uli ako sa tanawin sa labas ng bintana. “Please Lord help me,” mahinang bulong ko at saka tumingin kulay asul na langit at puting ulap na kahit paano ay nakatulong upang kumalma ang puso ko at gumaan ang pakiramdam ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD