Okay. Ang alam ko ang dapat na gawin. Sa oras na ito, dapat ay tumakbo na ako para agawin ang atensyon ng mga kapitbahay ngunit ayokong malaman ng kung sino man iyong kumuha kay Sarah na nandito ako at nakita ko ang ginawa niya.
Salungat sa malakas at mabilis na kabog ng dibdib ko ang mabagal na paghakbang ng mga paa kong nanginginig pa. Ramdam ko ang panginginig ng mga laman ko at pakiramdam ko ay ano mang oras masusuka ako sa sobrang kaba. Nahihirapan akong huminga at gusto ko na lang umiyak ngunit tila nakakaranas ng tag-tuyo ang mga mata ko. Tang*na, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
Sa bawat hakbang ng mga paa ko ay para akong hihimatayin sa takot. Takot para kay Sarah at takot na baka ako ang pagdiskitahan ng kriminal kahit na alam kong pawang mga bata lang ang binibiktima niya, hindi pa rin maalis sa isipan ko na maaari rin niya akong biktimahin lalo na't tila wala siya sa tamang pag-iisip. Gayon pa man, nagpatuloy ako sa pagsunod sa bakas na iniwan nila sa mapulang lupa pilit na inaalintana ang takot na hindi mawala-wala.
Nang marating ang dulo ay saktong nakita ko ang pagsilip ni Aling Karmen mula sa bahay ng isa sa mga kapitbahay namin na hindi ko tanda ang pangalan. Nagtama ang tingin namin at halos sabay na nanlalaki ang mga mata ng namin at halata sa kaniyang mukha na gusto niya akong sigawan ngunit nagpipigil. Nag-iwas ako ng tingin saka nagbalak na aalis ngunit sa gulat ay hindi ko mahakbang ang mga mata ko. Nakakainis, bakit ngayon pa niya naisipang magpakita.
Umalon ang kurtinang binitawan niya ng pabigla kasunod ng malakas na pagbukas ng pintuan. "G*go ka? Anong ginagawa mo sa labas ng ganitong oras?" Impit na sigaw niya. Mabilis kong itinaas ang hintuturo ko sa tapat ng labi ko na mukhang hindi niya nakuha. "Hindi ka ba nasabihan na bawal lumabas ng ganitong oras?" Likas na maingay si Aling Karmen ngunit hindi ko lubos akalain na ganito kaingay, to the point na maging ang mga nananahimik na ibon ay nabulabog ng matinis niyang boses. Pilit ko siyang sinesenyasan na huwag maingay ngunit sadyang matigas ang ulo niya o 'di niya lang talaga makuha ang sinasabi ko.
Hindi ko alam kung galit ba siya o ano pero sobrang bilis niyang maglakad palapit sa akin. Umatras ako nang umamba siyang bubuksan ang maliit na gate at sa harapan ko ay tumayo siya habang nakapameywang.
Ang suot niyang bistidang pula na may butas pa sa bandang kaliwa ay sumasayad sa lupa. Sumasabay iyon sa bawat ihip ng hangin dahilan kung bakit ang dulo ng kaniyang damit ay halos mag kulay puti dahil sa mga alikabok. Sa pagmamadali ay nakalimutan yata niyang magsuot ng tsinelas ngunit hindi rin naman yata niya alintana ang init na hatid ng lupa dahil wala naman siyang ibang ipinapakitang reaksiyon maliban sa pagkagualt at bahagyang pagka-inis.
"Ano ba ang ginagawa mo rito? Sinusundan mo ako?" Kunot noo niya pang tanong. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makita ko siyang walang suot na kahit anong make-up, kahit na simpleng lipstick lang ay wala gayong palagi naman siyang may suot na ganoon tuwing lumalabas. Wari ko ay kagigising lamang niya dahil maging ang kaniyang buhok ay napakagulo at aakalain mong nakipagsabunutan siya sa limang tao. "Bakit hindi ka makasagot? Sinusundan mo ba ako?" At ngayon ko lang din talaga napagtanto kung gaano kakapal ang mukha niya para isiping sinusundan ko siya gayong wala naman akong pakialam sa kaniya at ni hindi ko nga alam na nandito siya.
Napakurap-kurap ako nang minsan siyang humakbang, tuluyang sinasarado ang pagitan naming dalawa. Umatras ako ng tatlong beses saka litong itinuro ang likuran ko kung saan makikita ang daan papuntang plaza at sa gubat. Bahagya siyang lumihis upang tignan ang itinuturo ko habang nakakunot pa rin ang noo.
Nanlaki ang mga mata niya, nalaglag ang panga, at namutla na tila nakakita ng isnag multo. Akala ko ay kung sino o ano na ang nakita niya ngunit nang banggitin niya ang pangalan ng kung sinong nasa likuran ko, parang mas lalo lang akong nawala sa sarili at tumriple ang bilis ng t***k ng puso ko. "Oh? Lumen, nakauwi ka na pala?" Bahagyang nanginig ang boses ng matanda at napasulyap sa sa bahay na pinanggalingan niya kanina ta tila may itinatago roon.
Tang*na, ano raw? Unti-unti kong iniikot ang katawan para maiharap sa taong tinutukoy niya at ang sumalubong sa mga mata ko ay ang puting t-shirt na tinernuhan ng maong na pantalon at simpleng sandals, pares ng mga matang kuryosong nakatingin sa akin, at ang labing mapupula ngunit nagpapakita ng mapang-asar na ngisi.
Sa harapan ko, nakatayo ang bihis na bihis na si Lumen na may bitbit pang isang malaking itim na backpack sa isang balikat. Tumango siya sa akin kasabay ng marahan niyang pag-aayos sa suot na itim na sumbrero.
Hindi ko mapigilang hindi sinulyapan ang kaniyang mga kamay. I don't know. Maybe inunahan ako ng instict ko dala na marahil ng trabaho ko at ang katotohanang siya ang itinuturing kong suspect ngayon. Ang pakiramdam kong hindi maganda para kay Lumen ay muling bumalik. Lumakas lalo ang pagdududang nararamdaman ko para sa kaniya lalo na't nanggaling siya sa lugar kung sana ko huling nakita si Sarah at ang misteryosong kamay na humahatak sa kaniya.
Ngumisi siya ngunit hindi iyon para sa akin kundi para sa matandang babaeng hindi mapakali ngayon. Panay ang iwas niya sa mga tingin ng mapang-asar na Lumen na siyang hindi ko maintindihan kung bakit. "Kayo pa ba ni Mang Kanor, Aling Karmen?" Sabay silang sumulyap sa bahay na pinagmulan ni Aling Karmen kaya napatingin na rin ako roon. Sakto namang may nakasilip na matandang lalaki na agad nagtago nang makitang nakatingin kami. Kilala ko ang matandang lalaking iyon sa mukha at boses. Siya 'yung nangunguna tuwing may inuman dahilan kung bakit siya rin ang unang-unang nalalasing at tuwing lasing, tila isang sirang plaka ang kaniyang bibig na walang tigil sa pagkanta.
Nag-iwas muli ng tingin si Aling Karmen. "Bakit diyan ka dumaa-"
Pakiramdam ko ay kung magpapatuloy pa ang usapan nilang dalawa ay hindi rin ako makakaalis dito at masasayang ang oras. Baka makalayo na ang kung sino man kasama si Sarah kaya kahit gusto sanang isekreto muna ang nakita ay hindi ko na napigilan pa ang sarili. "Please, mamaya na iyan Aling Karmen. Hanapin muna natin si Sarah, parang awa mo na!" Sigaw ko, pinuputol ang sasabihin sana ni Aling Karmen.
Tila nagulat siya sa biglaang ginawa ko. Kitang-kita ko ang bahagyang pagtalon niya kasabay ng panlalaki ng mga mata bago tuluyang natauhan. "Ha? Ano?" Lito niyang usal. Hindi ako nagsalita bagkus ay tinalikuran na lang sila. Ilang sandali pa ang lumipas ay narinig ko ang matinis niyang sigaw. "Osiya, osiya! Tatawagin ko si Lota at ang ibang mga kapitbahay!" Sigaw niya pa. Nilingon ko siya at nakitang patungo siya sa bahay ni Aling Lota habang patuloy sa pagsigaw.
"Mga kapitbahay! May biktima na naman!" Isa-isa niyang pinagkakatok ang mga gate na nadadaanan niya habang paulit-ulit na sumisigaw.
Pagharap kong muli kay Lumen ay nakatitig pa rin siya sa akin habang nakataas ang kaniyang kilay. "Anong ibig mong sabihin? Nawawala si Sarah?"
Tumango ako. "As if hindi ikaw ang kumuha. Don't act innocent..." bulong ko saka siya tinalikuran at mabilis na ipinagpatuloy ang paglalakad.
Mabilis ang lakad ko papunta sa gubat. Hindi ko alam ngunit pakiramdam ko ay dito siya dinala dahil dito rin napunta si Tiara noong unang beses niyang mawala. Malas lang dahil pagkaliko ay wala na nag bakas sa lupa na kanina ko pa sinusundan. Marahil ay binuhat na ng kriminal si Sarah mula rito hanggang sa kung saan man. Hindi ko alam at hindi ko na malalaman...unless may ibang nakakita.
Tumingala ako sa paligid, sinusubukang maghanap ng kahit isang CCTV man lang ngunit wala. Tanging pagkadismaya lang ang nahanap ko. Mas magiging madali sana ang buhay ng lahat kung hindi lang naiignora ang baryong ito. Kung sanang nakukuha lang nila ang atensyon mula sa ibang bayan at sa kanilang namumuno na dapat naman ay mayroon, edi sana ay mas madali ang pamumuhay nila. Hindi sana nila nararanasan ang ganitong pangyayari. Mas ligtas sana ang lahat, lalo na ang mga bata.
Halos lakad-takbo ang ginagawa ko habang tinatahak ang masukal na daanan papasok ng gubat. Masakit sa balat ang sikat ng araw at tila hindi sapat ang mga nagtataasang mga puno para proteksiyonan ako sa init. Wala ring maririnig na huni ng mga ibon at sa sobrang tahimik ng lugar ay nakakabingi na ito, ibang-iba sa itsura ng gubat noong unang beses ko itong mapuntahan.
"Paano mo nalamang nawawala si Sarah? At bakit ka nasa labas ng ganitong oras?" Boses ni Lumen na sumunod pala sa akin. May hawak siyang sanga na siyang ginagamit niya panghawi sa mga dahong nakaharang sa dinadaanan niya.
Hindi ko siya nilingon, bagkus ay nagpatuloy lang ako sa paglalakad kasabay ng paghahanap na rin ng maliit na sanga para gawin ding panghawi sa mga nakaharang gaya ng ginagawa niya. Bakit ba hindi ko naisip iyon kanina? Naririnig ko na ang malakas na tunog na dala ng malakas na agos ng tubig mula sa ilog at unti-unti iyong lumalakas hudyat na papalapit na kami roon. Ang sarap sanang lumangoy kahit sandali ngunit hindi tugma ang pagkakataon para roon, gaya lang noong unang punta ko rito.
"Nakita ko kanina. Saan ang kubong sinasabi mo noon? Malakas ang pakiramdam ko na nandoon si Sarah at ang mamamatay bata."
Itinuro niya ang malayong parte ng gubat. Sinubukan kong hanapin ang kubo sa itinuturo niya ngunit wala akong ibang makita kundi ang mga tuyong dahon na nahulog na mula sa puno at ang mga nagtatayugang mga puno mismo. "Saan?" Inis kong usal.
"Malayo-layo pa. Sa dulo ng gubat na ito." Nagtama ang tingin namin. Kitang-kita ko ang oang-aasar sa itsura niya at ang nangingiti niyang labi ay siyang nagpalala ng inis ko. Bakit ba tila tuwang-tuwa siyang inisin ako? Hindi nakakatulong iyon dahil nakakalimutan ko kung paanong tamang gawin ang trabaho ko. Sa sobrang inis ko sa kaniya ay hindi ko mapigilang hindi siya ang sisihin sa mga nangyayari sa baryong ito para lang maramdamang patas kami.
Tumango ako ng hindi himihinto sa mabilis na paglalakad. Tumahimik na rin siya at sumunod na lang sa bawat hakbang ko. Aaminin ko, may takot akong nararamdaman ngayong dalawa lang kami ni Lumen sa liblib na lugar na ito ngunit kung papatalo ako sa takot na nararamdaman, paano si Sarah? Hindi ko maiwasang hindi mag-alala at mag-isip na paano kung dinadala lang niya ako s adulo ng gubat para mas madali akong itumba kung siya nga ang pumapatay? Tang*na, kinakalawang na yata ang mga turnilyo sa utak ko at hindi na ako makapag-isip ng maayos.
Makalipas ang ilang minutong walang tigil na paglalakad ay unti-unti ko ng natatanaw ang isang bubungang gawa sa sawali. Bulok na ang bubungang iyon at tila hindi na rin magtatagal ay magigiba na iyon. Nang tuluyan na kaming nakalapit ay doon ko nakita ng buo ang itsura ng kubo. Nakakatakot lalo na't nasa dulo nga talaga ito ng gubat dal ang katabi nito ay purong mga puno na lang. Wala na rin ang ilog dahil lumiko na iyon doon banda sa gitna ng gubat papunta sa kung saan.
Ang kubo ay mataas at kailangang umakyat sa anim na hakbang na hagdan bago maabot ang pintuan. May maliit itong teresa sa tapat ng isa sa mga bintana ngunit hindi kakasya roon ang isang tao, tila ginawa lamang upang magkaroon ng disenyo ang kubo. Ang ilalim nito ay napupuno ng mga tuyong mga dahon na may halong mga ligaw na damo at mga sanang tila gagawing panggatong.
"Paano mo nalaman na may ganitong lugar dito? Sigurado ka bang hindi ikaw ang mama-" Isang kamay ang bigla na lang na tumakip sa bibig ko kasabay ng biglaang paghatak sa akin papunta sa likuran ng malaking puno. Nanlaki ang mga mata ko nang matitigan ang nanlalaki ring mga mata ni Lumen. Nakakatakot ang kaniyang mga tingin. Ibang-iba sa Lumen na nakikita ko tuwing nakakasalamuha kasama ng ibang mga tao. Ang kaniyang mga tingin ay tila may gustong ipahiwatig na hindi ko makuha.
Ito na ba ang naiisip ko kanina? Siya ba talaga ang punapatay at ito na ba ang pagkakataon niya para matumba ako uoang hindi na makasagabal pa sa mga susunod niyang pangunguha at pagpatay ng mga bata? Katapusan ko na ba?
Napapikit ako ng pilit pa niya akong idiin sa katawan ng puno. Halos hindi na ako makahinga sa higpit ng pagkakatakip niya sa bibig ko, kasama na ang ilong. Tang*na, mamamatay na ba talaga ako rito? Tama ba ako sa lahat ng hinala ko?
Sinubukan kong magpumiglas ngunit lalo lamang niyang hinihigpitan ang kaniyangpagkakaptakip sa bibig ko at ang pagkakadikit ko sa katawan ng puno. Ramdam ko na rin ang sakit sa likuran ko dahil sa tigas ng puno ngunit kahit anong tulak ko, hindi ko matalo ang lakas ni niya. Walang binatbat ang balingkinitan kong katawan sa katawan niyang namumutakti sa muscles.
Habang nakapikit ay naramdaman ko ang marahang paglapit ng mukha niya sa kanang bahagi ng mukha ko. Ramdam ko ang malamig niyang hininga sa pisngi at tainga ko at pakiramdam ko ay nagtaasan lahat ng balahibo sa lahat ng parte ng katawan ko nang mamutawi sa aking tainga ang napakalamig niya ring boses. "Napakapakialamero mo kasi..."