See? My gut never failed me. Marahan kong pinindot muli ang pulang buton sa cellphone ko bago nakangising ibinulsa iyon. "Ang galing ko, hindi ba?" Tinitigan ko ang walang malay na si Lumen sa harapan ko. Nakadukmo siya sa mesa at ang mukha niya ay nakaharap sa akin.
Ilang minuto rin akong nanatili roon para lang pagmasdan siya bago tuluyang magpasyang iwanan na. Sinubukan ko naman siyang gisingin at pauwiin, okay? Ngunit dahil sadyang lasing na lasing na siya, hindi na niya magawa pang imulat ang mga mata niya kaya bahala na siya riyan.
Nakita pa ako ng asawa ni Aling Lota habang pilit kong ginigising si Lumen. Tinatawanan niya ako na animo'y sana na siyang makitang ganoon ang binata at siya rin mismo ang nagbigay ng idea na iwanan ko na lang dahil wala na ring pag-asa si Lumen tuwing ganito na ang itsura.
Nagkulong ako sa bahay at doon isinantabi muna ang mga iniisip para makatulog. Kinabukasan, pagpatak ng eksaktong alas dose ng tanghali ay nagising ako dahil sa ingay ng cellphone ko. Pangalan ni Chexter ang naroon kaya kahit na naiinis dahil naistorbo ang pagtulog ko ay wala akong nagawa kundi sagutin iyon.
"Is this voice recording authentic?" Bungad niya. Rinig ko sa kabilang linya ang tunog ng papel na tila inililipat-lipat niya. "He sounds like a drunk person."
Wala sa sarili akong tumango. "Lasing nga." Humikab pa ako kasabay ng pagkusot sa mga mata kong puno yata ng muta. "Does it matter though?"
Tumayo ako at dumiretso sa banyo. Inilagay ko ang cellphone sa loud speaker saka iyon ipinatong sa lababo. Hindi ko na isinara ang pintuan ng banyo dahil unang-una, mag-isa lang ako rito sa bahay at pangalawa, hindi ko makakausap si Chexter kung isasara ko ang pinto.
"Are you out of your f*cking mind, Mark Joseph?" Hindi ako sumagot at nagpatuloy lang sa pagto-toothbrush. Dama ko ang inis niya sa riin ng kaniyang boses. "You think magagamit mo bilang evidence ang statement ng taong lulong sa alak? You're just proving kung gaano ka ka-incompetent."
Inis kong iniluwa ang bula na galing sa toothpaste. "Sinabi ko bang for evidence 'yan?" Nakakainis. Sa tinagal-tagal naming magkaibigan, never pa niya akong sinabihan na incompetent ako. In fact, siya ang isa sa mga dahilan kung bakit ipinagpatuloy ko ang trabahong ito. "And will you please, please stop calling me incompetent? 'Cause you might regret it someday." Napairap pa ako bago ko pilit na inabot ang cellphone ko at saka mabilis na pinatay ang tawag.
Ang aga-aga ay ganoon ang magiging usapan namin? Balak ko pa naman sanang matulog ulit kaso, sa inis na nararamdaman ko ay sigurado akong hindi na ako makakatulog pa.
Pagkatapos mag hilamos ay dumiretso ako sa kusina para magluto ng itlog at mag saing. Hindi pa ako gutom dahil sanay na ang katawan na hindi kumakain ng ganitong oras pero baka sakali lang na makaramdam ako ng gutom mamaya, magluluto na ako ngayon.
Grabeng inis ang naramdaman ko nang tumalsik ang mantika pagkalagay ko ng itlog. Gumrabe pa nang akmang babaligtarin ko na iyon ay hindi ko magawa dahil dumikit pala sa kawali. Nakakaasar. Kung hindi lang mainit ay baka kanina ko pa ibinato ang kawaling ito.
Nang matapps ay naisipan kong magbasa muna ng panibagong libro, baka sakaling mawala ang nararamdaman kong inis. Pinili ko ang librong matagal ko nang nabili ngunit hanggang ngayon ay balot na balot pa rin sa plastic. May tag pa. Ang libro ay patungkol sa isang lalaking sinubukan ang katatagan at pagmamahal sa kapatid. "Does angels really do this kind of stuffs?" Bulong ko sa sarili habang prenteng nakaupo sa sofa at nakataas pa ang paa sa kabibigay lang na center table. Pinaglumaan na ngunit pwede pa rin pagtiyagaan.
Ang kwento ay kalmado lang at iilan lang ang talagang kakabahan ka at matatakot para sa bida ngunit sa kabila noon, masasabi kong maganda ang kwento. Light lang at talagang sumunod sa genre na fantasy-adventure. Nagawa niyang pakalmahin ang nagbabaga kong puso at nagawa kong kalimutan ang nararamdaman kong inis kanina.
Ganoon lang ang routine ko sa sumunod na isang linggo. Tuwing gabi ay lumalabas ako para tignan kung anong kaganapan ang nangyayari sa labas ngunit sa patuloy na pagkawala at pagkamatay ng mga inosenteng bata, may mga pagkakataong hindi ko kinakaya kaya mas pinipili na lang na manatili sa loob at magbingi-bingihan.
Magbingi-bingihan hindi dahil wala akong pakialam kundi dahil masyadong mabigat sa pakiramdam ang marinig ang walang tigil na mga hagulgol ng pighati. Magbingi-bingihan dahil masyadong masakit marinig ang tawag ng isang ina sa nawala niyang anak. Hindi ko kaya.
Sa ilang taon ko sa ganitong trabaho, iba't-ibang pangyayari na ang nakita ko, ilang milyong luha na ang nilangoy ko, sobrang lakas na hagulgol na ang narinig ko ngunit walang katumbas ang nararanasan ko ngayon. Hindi man ganoon kalalakas ang mga iyak nila ngunit sa isang tinig pa lang, sa isang patak pa lang ng luha, dama ko na kung gaano kabigat sa pakiramdam iyon.
Idagdag pa na hindi basta-bastang buhay ang mga nawawala. Mga buhay iyon ng mga batang walang kamuwang-muwang. Mga batang bigla na lang inalisan ng karapatang makita at maranasang mabuhay sa mundong ito, kahit na sobrang hirap ang makisabay sa agos ng tadhana. Mga batang inosenteng naglalaro, walang kamalay-malay na iyon na ang wakas.
Araw-araw, tuwing nakakatapos ako ng libro, sinusubukan kong tawagan ang nanay ko. Nangako ako sa sarili na simula ngayon, kailangan ko ng masanay na kausapin siya, na maging mas bukas pa sa kaniya dahil walang nakakaalam kung kailan magwawakas ang kwento ng ating buhay.
Sa mga ganitong panahon ko naiisip na ang buhay ay talagang pantay. Kahit gaano pa karami at kakapal ang mga librong nabasa mo, gaano ka katalino at kagalin, gaano ka pa kayaman o kahirap, walang kwenta ang mga iyon kapag si kamatayan na na ang kaharap mo.
"Ma, alam mo naman kung gaano ko kamahal ang trabaho ko, hindi ba?"
Prente akong nakaupo sa may hamba ng bintana ko habang nakatanaw sa mga taong nagkalat sa daan sabado o linggo ng gabi. Hindi ko alam. Basta gabi na at nasa labas na halos lahat. Nalingunan ako ng napadaan na si Aling Sita na agad namang bumati sa pamamagitan ng pagngiti at pagkaway. Sinuklian ko iyon ng isa ring ngiti at pagtango saka bahagyang itinaas ang kamay, ipinaparating na nakita ko siya.
Nakakalungkot lang na ang mga batang dating masasayang naglalaro sa daan ay wala na ngayon. Iilan na lang at kabilang doon si Sarah na nabawasan ang kasiglahan simula nang mawala ang kakambal ngunit ikinatutuwa ko pa rin na kahit papaano, sinusubukan niyang maging matatag at magpatuloy sa buhay.
Noon ay madalas niya akong puntahan dito at guluhin.Magtitingin sa mga libro kong nakalagay sa isang maliit na mesa rito sa sala habang nagtatanong patungkol sa mga iyon. Minsan ay rito na rin siya kumakain ng hapunan at madalas na lang na magbaon ng kaniyang ulam. Noon ay may mga pagkakataong kasama niya ang kakambal na si Tiara ngunit simula nang mawala ito, tila nawalan na rin ng interes sa ibang bagay si Sarah, lalo na sa mga bagay na madalas nilang gawing magkasama.
It was her who changed my perspective, though. Oo, nagpunta ako rito originally para mapatunayan kina Chexter na hindi ako incompetent at naive. Alright, hanggang ngayon naman ay iyon pa rin ang nasa isipan ko at hindi na yata mawawala pa sa lalim ng pagkakabaon ng mga salitang iyon sa isipan ko ngunit simula nang mawala si Tiara at makita ko kung paanong lumaban si Sarah, nagbago bigla ang pananaw ko.
The way na pinipilit niyang ngumiti sa tuwing nakaharap siya sa mga kalaro niya ay talagang nakakabilib para sa akin. She's trying her best para itago ang sakit at oangungulilang marahil ay hanggang ngayon, nararamdaman pa rin niya. 'Yung mga ngiti niyang nagbibigay rin ng lakas sa kaniyang lolo at lola ay talagang isang patunay na sa mura niyang edad, kakaibang lakas ng loob na ang mayroon siya.
Isa sa mga nagtutulak sa akin ay ang katatagang ipinapakita niya ngayon para magpatuloy sa ginagawa ng kagustuhang mahuli ang pumapatay para mabigyan ng katahimikan at kapayapaan ang napakagandang lugar na ito. Ang makita kung gaano kalakas ang loob ni Sarah para malagpasan ang isang napakatinding pagsubok ay siya ring nagbibigay ng lakas sa akin ngayon.
Wala na akong gaanong pakialam sa iniisip nina Chexter patungkol sa akin. Nawala na rin nga sa isipan ko ang gigil na nararamdaman ko roon sa walang hiyang si Jinky sa sobrang okupado ko sa mga nangyayari rito sa baryo. Basta ang mahalaga na lang para sa akin ngayon ay ang matapos na ang kahibangang nangyayari rito sa baryong ito at makauwi na ako sa amin para makasama si Mama at magawa ang mga bagay na hindi ko nagawa noon.
Isang malalim na buntonghininga ang narinig ko sa kabilang linya. Akala ko ay hindi na ako kokontrahin ni mama ngunit pagkatapos lamang ng ilang segundo, namutawi na ang boses niya sa aking tainga. "Ngunit base sa kwento mo, halatang delikado kaya gusto kong ihinto mo na iyan at maghanap na lang ng ibang trabaho rito sa atin." Malumanay na usal ni niya sa kabilang linya.
Simula nang ikuwento ko sa kaniya ang patungkol sa nangyayaring kababalaghan rito sa baryo ay pinipilit na niya akong umuwi sa amin na hindi naman niya ginagawa noon. Dati ay kung sino-sinong kriminal na ang hinarap ko, ilang kaso ng salvage at murders ang hinawakan namin, wala siyang sinabi at never niya akong pinilit na huminto kaya hindi ko maintindihan kung bakit ngayon niya ginagawa ito.
Ilang beses ko na ring ipinaliwanag na pawang mga bata ang binibiktima kaya huwag na siyang mag-alala sa akin ngunit sadyang matindi ang pag-aalala niya na halos sunduin na niya ako rito. Mabuti na lang talaga at hindi niya alam kung paanong pumunta sa baryong ito, ni hindi nga niya alam na nage-exist ang baryong ito, kung hindi ko lang sinabi kundi ay baka noong isang araw pa niya ako sinundo.
"Delikado nga po pero gusto ko ang ginagawa ko." At iyon ang totoo. Masaya ako sa kung anong ginagawa ko at sigurado akong hinding-hindi ko mahahanap ang sayang ito sa ibang trabaho. Delikado man sa paningin ng iba, well, sa paningin ko rin, ngunit kakaibang saya naman ang ibinibigay nito sa akin. Pakiramdam ko ay nabubuhay sa katawan ko ang mga characters na nababas ako lamang sa libro simula noong bata pa ako.
"Pero paano kung may mangyaring masama sa iyo? Ano na lang ang sa tingin mong mararamdaman ko?"
Typical na iisipin ng mga tao tuwing delikado ang gawain. Paano kung may mangyaring masama? Then hayaan. Hindi naman mape-prevent iyon, hindi ba? O kung mapigilan man sa pamamagitan ng paghinto sa paggawa ng bagay na ikasasaya mo, then, double kill na 'yun. Mas masakit 'yun. Mas mahirap. So I'd rather chose to die doing the things that I love kaysa sa buhay ka nga, unti-unti ka namang pinapatay ng lungkot at panghihinayang.
"Kuya, bakit hindi ka lumabas at makisaya sa amin kahit sandali?" Natatawang sigaw ng isang batang hindi ko kilala nang sumunod na gabi at naisipan nilang magsayawan. Tatlong araw na sunod-sunod na ang nakalipas at wala pa ring bagong biktima which is a good thing. Magandang balita iyon ngunit karamihan sa mga tao ay tila lalong nabalisa. Tingin kasi nila ay may matinding mangyayari dahil ilang araw na nananahimik ang salarin. Para sa kanila, may binabalak itong masama na kinakailangan ng matinding paghahanda kaya ilang araw na siyang walang paramdam at ilang araw na ang nakalipas matapos ang huli niyang pumatay.
Hindi ko na rin ulit nakita si Lumen at ang sabi ay pumasok na raw sa trabaho kaya hinayaan ko na muna. Nakakapagsisi lang dahil hindi ko man lang nabanggit noong nakaraan na gusto kong sumama sa bayan para maipadala na kay Chexter ang mga kailangan kong ipadala at para na rin mamanmanan si Lumen sa trabaho niya. 'Di bale, nag lagay na lang ako ng reminder sa phone ko para maalala ko iyon araw-araw hanggang sa makabalik ang lalaki.
Sa ilang araw na pananahimik ng kriminal ay hindi ko na rin napigilang hindi kabahan. Pakiramdam ko ay ano mang oras, bigla na lang siyang susulpot at mangunguhang muli ng mga inosenteng bata.
I am torn between thinking that he or she finally chose to stop the killings and he or she is preparing something grand... a negative surprise. Nasa punto na ako ng buhay na hindi alam mung kakalma ba o kakabahan lalo but of course, mas pinili kong magig positibo not until the universe surprised me and the whole baryo.
Life really loves giving surprise, huh? 'Yung tipong nakaka-move on ka na mula sa mga masasakit na pangyayari at todo asa ka na magtutuloy-tuloy na ang kasiyahan dahil nalagpasan mo na ang matinding kalungkutang ibinato ng buhay kaso, mali ka pala.
Kinabukasan, eksaktong isang buwan mula nang mamatay si Tiara, kinuha naman ang nagbibigay pag-asa sa akin. At ang masakit, kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano siyang kinuha mula sa amin.
Alas nuebe ng umaga iyon nang maisipan kong lumabas upang tignan kung anong mayroon sa baryo tuwing umaga at eksaktong paglabas ko ng daan para sana magpunta sa plaza ay isang batang walang malay ang pilit na hinahatak paliko sa kagubatan.
Nakahiga sa lupa at nag-iiwan ng bakas ang katawan ng bata. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang ma-realize kung sino iyon. Sa kanilang pagliko ay kusang humarap ang ulo ng bata sa akin. Nagtama ang tingin namin at kitang-kita ko kung paanong nagsusumigaw ang kaniyang mga tingin ng tulong. Sa titigang iyon ko nakilala ang nanghihinang si Sarah, hinahatak ng misteryosong kamay papunta sa gubat.