Chapter 12

2231 Words
It was a devastating week for us especially to Sarah, who just recently lost her twin sister, Tiara. Loud cries and pleas are all over the place. Halos gabi-gabing hinihimatay si Aling Lota dahil marahil sa sobrang sakit ng nararamdaman niya. Her husband, on the other hand, remained silent but I can still see pain in his eyes. Buong akala ko ay darating ang nanay nila ngunit nailibing na lang ang bata, wala man lang inang nagpakita sa kanila. Sarah didn't cry, though. Tuwing gabi, kada magpupunta ako sa lamay ay at makikita niya ako ay agad siyang tatakbo palapot sa akin. I tried hugging her, comforting her, telling her na ayos lang umiyak pero ayaw niya at iyon ang mas lalong nagpabigat sa nararamdaman ko. She said her Lola's already crying at ayaw niyang umiyak para maalalayan ito. Matinding pagpipigil ang ginagawa ko sa tuwing nakikita siyang pinipilit na ngumiti, pakalmahin ang Lola niyang labis na nasasaktan sa pagkawala ng isa niyang apo kahit na maging siya ay sobrang nasasaktan din. Sa murang edad ay nagawa niyang palakasin ang kaniyang loob upang maalalayan ang Lola niyang hinang-hina ngayon. She made me realize kung gaano ako ka walang kwentang anak. Ni hindi ko magawang tawagan o i-message man lang ang nanay ko to ask if she's doing fine dahil lang iyon ang nakasanayan namin. Ni hindi ko maalala kung kailan ko siya sinabihan na mahal ko siya, kung kailan kami huling nagkita at kung kailan ko siya huling nayakap. Habang tumatagal, padami na ng padami ang mga batang nawawala at namamatay sa lugar. Ang buong akala ko ay magtatagal pa ng ilang linggo o buwan bago may mawala ulit dahil ganoon ang nangyari noon but I think I got it wrong this time. In a span of two f*cking days, may nawala na namang bata. This time, it's a boy. Kilala rin nila Sarah dahil madalas nila itong kasamang maglaro kaya naman nang malaman ni Sarah ang balita patungkol sa pagkawala ng kaniyang kalaro ay labis ang kalungkutang ipinakita niya. She stopped eating kung hindi pipilitin. Madalas ay dalawa hanggang tatlong subo lang ang nakakain niya. It was Aling Sita who took care of her. Talagang hindi niya iniwan ang bata hanggang sa tuluyang mailibing ang kaniyang kakambal. But that's not the end of her agony. Right after Tiara got burried, natagpuan na ang bangkay ng batang lalaki on the same spot kung saan natagpuan si Tiara. I still vividly remember how she looks like that day we went to that place to look for her deceased body. The moment na makita namin siya, halos malaglag ang panga ko sa gulat at ang mga hagulgol at sigawan ng mga tao ay siyanh bumugaw sa mga ibon na nagtatago sa bawat puno. Sa ilalim ng maliit na tulay na makikita sa may b****a ng baryo, makikita ang wala ng buhay na katawan ni Toara. Nakasuot ito ng kulay outing t-shirt at shorts. Gaya nang unang biktimang nakita ko noon, may mga guhit sa kaniyang damit na bumubuo ng iba't ibang magugulong linya at ang matindi, dugo ang ginamit na pangguhit. Like an abstract made out of blood. At sa pang-ilang pagkakataon, naulit na naman ang ganoong pangyayari. Ang kaibigang lalaki nina Sarah ay natagpuan ding patay at nakasuot na kulay puting t-shirt na puno ng mga linyang iginuhit gamit ang dugo. Nakakakilabot. Nakakadiri. Nakakatakot. Parang ayoko ng hawakan ang cellphone ko na unti-unti nang napupuno ng mga litrato ng mga batang biktima. Habang tumatagal, mas lumalakas anh akgsutuhan kong itigil na ito at umuwi na lang ngunit tila may mga bagay na pumipigil din sa akin. Isa na roon si Sarah. "Kuya, natatakot ako. Paano kung ako na ang susunod?" Bahagyang nanginig ang kaniyang boses nang minsang puntahan niya ako rito sa bahay. Ang buong akala ko ay may iniutos ang kaniyang Lola o ano pero nagpunta pala siya rito para lamang itanong iyan. Hindi ko alam kung anong sasabihin. I only starred at her, trying to look through her eyes pero tanging kalungkutan at takot lang ang nakikita ko. Pilit akong nag-iisip ng mga salitang maaari kong sabihin sa kaniya ngunit sa sobrang dami ay tanging pangakong hindi ko alam kung matutupad lamang ang nasabi ko. "Wag kang mag-alala dahil huhulihin ko ang kung sino mang pumatay sa mga inosenteng bata at sa kakambal mo, hmmm?" I spent most of my days, trying to solve all the patterns na makikita sa bawat damit ng mga biktima but as the days goes by, unti-unti kong napagtatanto na walang patutunguhan iyon. Habang tumatagal ay napapatunayan ko na abstract ang mga iyon, walang eksaktong hugis na binubuo. Nasa tumitingin nakadipende ang kahulugan ng mga iyon at para sa akin, walang kahulugan iyon. Walang mga katuturang guhit na siyang lalong ikinagagalit ko dahil bakit kailangan pang manguha ng buhay na inosente para lang maiguhit ang mga linyang wala namang kwenta? Sinubukan ko ring kumuha ng mga impormasyon patungkol kay Lumen, na siyang pangunahing suspect ko. Nakaplano na ang gagawin ko para sa buong linggong ito. Susubukan kong makipaglapit sa kaniya at makipag kwentuhan upang makakuha ng kahit katiting na impormasyon kung sakali. I will also try to ask him kung maisasama ba niya ako sa bayan to see if he really works there. Planado na ang lahat. Hinihintay ko na lang ang mga araw upang maisagawa ang mga iyon at abot langit ang kaba ko. Alam ko na na hindi basta-basta ang kalaban dito. Kung noon ay nagawa kong magkalmante, ngayon ay hindi na. "I told you to just call me kapag tapos na ang kaso. Tapos na ba?" Bungad ni Chexter nang minsang tawagan ko siya, sabado ng umaga. Inaantok na ako dahil ilang araw na ring walang tulog at umaasa na lang sa kape ngunit hindi ko pwedeng ipagsagabi ang pagtawag dahil iba ang mundong ginagalawan nila. I mean, baligtad ang oras naming dalawa kaya kailangan kong isakripisyo ang tulog ko para lang makausap siya. "Hindi pa but I just called to say na may suspect na ako. Malakas ang evidences ko na siya talaga ang may sala but I still need some time para mapatunayan iyon." "O tapos?" Walang gana niyang usal. Nararamdaman ko na ang matinding inis na pilit kumakawala sa damdamin ko ngunit hindi ko pwedeng ipahalata iyon. May mga bagay pa akong gustong sabihin sa kaniya at kailangan niyang malaman. "Sumunod ka na lang sa usapan na tatawag ka lang kung tapos na ang kaso. Marami akong ginagawa at sayang lang sa oras ang pagtawag mo gaya ng ganito, update lang ang ibibigay mo kapalit ng ilang minutong dapat sa ibang mas importanteng bagay ko ibinabaling." Nagbuga ako ng malalim na hininga para mapakalma ang sarili saka mariiing hinilot ang sentido habang nakasandal sa backrest ng sofa. "Just called to say na kung may mangyari mang masama sa akin, alam mo kung nasaan ako. Just look for Aling Lota or Aling Sita, kung may mabalitaan ka mang may nangyaring masama sa akin at maisipan mong puntahan ako." Because I'm still hoping na kinokonsidera mo pa rin ako bilang kaibigan sa kabila ng hindi natin pagkakasundo sa trabaho. Katahimikan ang sumagot sa akin ng ilang sandali bago nabasag iyon ng isang malakas na tawa na siyang bumalot sa pagitan namin. Noong una ay akala ko pinutol na niya ang tawag ngunit nang tumawa siya na animo'y wala ng bukas, natanto kong nandoon pa siya at sinubukan lang sigurong isipin at intindihin ang mga sinabi ko... o may ginawang ibang bagay. Hindi ko alam at kailanman, hindi ko malalaman. "Sorry." Aniya habang pilit na pinipigilan ang tawa. "If that's what you want, then okay. Pero ngayon pa lang ay sasabihin ko na sa iyo na maliit ang chance na mapuntahan kita if anything bad happens. You know naman na I'm a busy person, right?" Tumango ako kahit na hindi naman niya kita. I know he's a busy person ngunit alam ko rin na hindi siya masama. I mean, base sa pagkakakilala ko sa kaniya, wala sa bokabularyo niya ang hindi puntahan ang isang kaibigan na napahamak. The call ended peacefully, I think. Aaminin ko, masakit ang mga salitang narinig ko mula sa taong minsan ng naging malapit sa akin at hanggang ngayon ay itinuturing ko pa ring kaibigan. Maybe for him, wala lang sa kaniya ang mga iyon dahil nagagawa pa niyang tumawa but for me, malaki ang sugat na iniiwan ng mga salitang iyon sa puso ko. But of course, who I am to judge? Baka may pinagdadaanan lang din siya na nahihirapan na siyang makipagkapwa tao. I don't know. Basta mas pipiliin ko na lang na tumingin sa positibong parte kaysa patayin ang sarili ko sa kaiisip sa mga negatibong bagay. Sayang lang sa oras. Ngunit sa kabila ng mga masasakit na salitang narinig ko mula sa kaniya, ipinagpatuloy ko pa rin ang plano. Ang mga ebidensiyang nakakalap ko ay ginagawan ko ng kopya at ang mga original ay plano kong ipadala sa kaniya sa oras na makalabas ako sa baryong ito at makapunta sa bayan. Bawat papel at mga itrato ay ibinalot ko sa ligtas na papel na dinoble ko pa ng plastic para doble ang seguridad. Ihuhulog ko ang mga ito sa post office oras na maisama ako ni Lumen sa bayan. Four weeks. Sa loob ng apat na linggo, nasa kinseng bata ang nawalan ng pagkakataon na mabuhay. Hindi, mali. Kinseng bata ang inalisan ng karapatan na mabuhay ng kung sino man 'yung walang pusong pumapatay. Isa na rin sa mga ipinagtataka ko, bakit tila hindi rin nauubos ang mga bata sa kabila ng kaliwa't kanang pagpatay? Ilan ba ang populasyon ng mga bata sa baryong ito? Lima sa kinseng iyon ay mga lalaki. Pawang nasa edad lima hanggang sampu ang mga batang biktima. Ang dinatnan kong napakasiglang baryo noon kahit na may kababalaghang nangyayari ay tuluyan ng nawala. Nabalot ng lungkot at pighati ang lugar. Bawat bahay ay tanging pagtangis lamang ang maririnig. Tuwing gabi, naging abala ang lahat sa paghahanap ng mga batang isa-isang nawawala at ang mga batang ligtas, pinagbawalan na munang maglaro sa labas. "Lumen!" Sigaw ko mula sa bintana ng bahay. Nandoon siya sa tindahan at kasama si Arturo na pawang abala sa paninigarilyo. Sabay nila akong nilingon at kahit malayo, kitang-kita ko ang pagtaas ng kilay ni Lumen. Mabilis akong tumakbo palabas at nagmamadaling lumapit sa kanila. "Kauuwi niyo lang galing trabaho? Inom naman tayo, oh!" Alam kong hindi katiwa-tiwala ang ikinikilos ko at siguradong nahahalata nila iyon ngunit bahala na. Hindi ako maaaring magsayang ng oras at magpaligoy-ligoy kung gusto kong matapos agad ang trabaho at makauwi. Ang buong akala ko talaga ay mahihirapan pa ako para mapapayag siya ngunit mukhang nanaig ang kagustuhan nilang uminom na sinamahan pa ng panggagatong ni Arturo, na labag naman sa kagustuhan at plano ko, pumayag si Lumen. Ang gusto ko sana ay kaming dalawa lang para mas madaling dayain ang iniinom ngunit mukhang uhaw na uhaw na si Arturo at hindi ko naman siya masuway kaya, heto kami, sa bakuran ko, nag-iinuman. Ang kaso, nagpumilit sila na maglabas ako ng ilaw para lumiwanag daw na siyang ipinagtaka ko. Kahit ayaw sa sobrang liwanag, wala akong nagawa. Ang sabi nila ay hindi sila makikipag-inuman sa akin kung masyadong madilim sa lugar kaya naman tatlong ilaw ang nakapalibot sa amin ngayon. "Aba, mukhang kasundo na ninyo si Joseph, ah?" Natutuwang sigaw ni Aling Sita nang mapadaan. Nakatingin siya kay Lumen at nang mabaling ang kaniyang mga mata sa akin ay agad ko siyang nginitian. Akala ko madali lang ngunit apat na case na ng alak ang naubos bago tuluyang nalasing si Lumen. Si Arturo ay umuwi na at may trabaho pa raw bukas. Ngayon ko lang nalaman na nagtatrabaho pala si Arturo gayong halos gabi-gabi ko siyang nakikitang nakatambay lang. Kahit gustong magtanong patungkol doon ay pinigilan ko. Sa huli, naiwan ako kasama ang patulog-tulog na si Lumen at ang mga nagkalat na pagkain at bote ng alak. Tumayo ako at akmang magsisimula na sana sa pagliligpit nang bigla siyang umupo ng diretso at hampasin ng napakalakas ang mesa, dahilan jung bakit nagtumbahan ang mga boteng kukuhanin ko sana. "Tang*na, ang daming babaeng nagkakagusto sa akin pero bakit wala pa rin akong kasintahan?" Bulong niya habang nakatulala sa kung saan. "Ang gwapo-gwapo ko, ang daming nagkakagusto sa akin, pero bakit wala akong magustuhan?" Pigil ang tawa ko habang pinakikinggan ang mga itinuturan niya. Talaga palang kakaibang lakas ng loob ang ibinibigay ng mga nakalalasing na inumin, ano? Ibang klase. Pulang-pula ang mga mata niya nang ibaling niya ang kaniyang tingin sa akin. Maging ang ilong at labi niya'y bahagya ring namumula. Halos hindi na niya maidiretso ang kaniyang tingin na palipat-lipat sa kung saan at miminsang naduduling pa. Maging ang pananalita niya ay hindi na rin maintindihan na tila ibinuhol ang dila niya na siyang nagpapahirap sa kaniyang pananalita. "Kaya ka ba nangunguha ng bata?" Deretsahang usal ko. Minsan kong pinindot ang isang pulang buton sa cellphone ko saka inilapag iyon malapit sa kausap. "Kaya ba alam mo palagi kung saan matatagpuan ang mga batang nawawala na lang bigla ay dahil ikaw ang nangunguha sa kanila?" Kunot noo niya akong tinitigan. Nakanguso siya at tila nalilito sa sinasabi ko. Dahan-dahan niyang inangat ang kaniyang kamay at gulat akong itinuro gamit ang kaniyang hintuturo. "Oh?" Aniya, nanlalaki ang mga mata. "Bakit mo alam? Ang galing!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD