Chapter 11

2222 Words
"Pogi!" Alas sais pa lang ng hapon kinabukasan, abala ako sa pagdidilig ng mga halaman ko nang may kung sinong babae ang pilit na pumapaswit at tumatawag na pogi. "Ay, suplado?" Kahit na naaagaw na niya ang atensiyon ko ay pinilit kong huwag na pansinin lalo na't hindi naman ako sigurado kung ako ba talaga ang tinatawag niya. Pogi ang tawag at hindi naman pwedeng basta-basta na lang ako lilingon at baka isipin pa niyang masyado akong feeling-ero. Sa kabila ng napakalakas na tugtugin ng kapitbahay ko na sinasabayan pa nila ng kanta, nangibabaw pa rin ang tawag ng babae. Syempre, hindi ko ulit nilingon dahil una sa lahat, hindi ako pogi. Kissable lips lang. Pangalawa, hindi ko alam kung ako ba ang tinatawag niya. Pasimple kong sinulyapan ang direksyon ng gate ko habang nagkukunwaring nagpapatuloy sa pagdidilig ng rosas. Doon ay may balingkinitang babae na nakaharap sa kabilang direksiyon ng bahay ko. Ang buhok niya ay mahaba at sa ibaba ay kulot na sumasabay sa bawat pag-ihip ng hangin. Nakasuot siya ng kulay pulang bistida na may malaking hiwa na hugis V sa likuran. Sabi ko na nga ba at hindi ako ang tinatawag niya. Dahil kung ako, dapat ay rito siya nakaharap sa direksiyon ko ngunit hindi. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagdidilig kaysa aksayahin pa ang oras ko kaiisip kung sino ba talaga ang tinatawag noong babae. Patapos na sana ako at handa na sanang iligpit ang hose nang biglang malakas na kumalabog ang gate. Agaran ang naging reaksiyon ko at agad na napatawid ng tayo nang makitang ang babae kanina ay pumasok pala sa bakuran ko. Nakapamaywang ko siyang pinagmasdan habang malawak ang kaniyang ngiting naglalakad palapit sa akin. Ang mapuputi niyang binti ay talagang tumitingkad tuwing tinatamaan ng liwanag. Hindi nawala ang ngiting ipinapakita niya sa akin ngunit hindi ko man lang mapwersa ang sarili na ngitian siya pabalik. Ni hindi ko nga siya kilala at bigla na lang siyang pumapasok dito ng hindi nagpapaalam kaya paano ko siya mangingitian at maiwe-welcome ng maayos? Ngayon ko nga lang nakita ang babaeng ito at sigurado akong ganoon din niya kaya bilib talaga ako sa lakas ng loob na ipinapakita niya. Nang tuluyang nakalapit sa tamang distansiya namin ay tumigl siya sa paglalakad. Tinaasan ko siya ng kilay, ipinapakitang hindi ko nagugustuhan ang biglaan niyang pagpasok sa bakuran ko. "Ang suplado mo naman. Kanina pa kita tinatawag pero hindi mo man lang ako nilingon?" Bakas sa kaniyang boses ang kalambingan at pagkamangha. Kitang-kita ko ang mapuputi at pantay-pantay niyang mga ngipin na papasa sa commercial ng toothpaste. Kinunutan ko siya ng noo. "Required ba?" Malamig kong turan. Kitang-kita ko kung paanong biglang nanlaki ang mga mata niya kasabay ng biglaang paglaglag ng kaniyang panga nang dahil sa sinabi ko. Bakit? Wala namang masama sa itinanong ko kaya bakit tila gulat na gulat siya? Ilang sandaling naglaban ang mga tinginan namin. Akala ko ay mapapasuko ko siya at mapapaalis kaso, bigla na lang siyang humakbang palapit sa akin. Ang mahahaba niyang hita ay kitang-kita sa suot na maikling bistidang pulat na tinernuhan niya ng pula ring sandal na may napakataas na takong. Hindi ko alam paano siyang nakakalakad ng maayos sa ganoong suot gayong napakakapal ng alikabok sa lugar na ito. "Kakaiba ka ngang talaga gaya ng sinabi ni Lumen." "Ano ba ang sinabi niya sayo?" Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa nang muli na naman siyang humakbang palapit sa akin. "Na gwapo ka? Kakaiba? Ah, palaban din pala." Alam kong gwapo ako at palaban dahil kailangan sa trabaho ko pero hindi ko maintindihan kung paano nilang nasabi na kakaiba ako. "Kakaiba dahil tipo mo raw 'yung gurang na si Karmen." Tang*na. Tang*na talaga. Akala ko ay ang babaeng iyon lang ang magsasabi sa akin ng bagay na iyon ngunit paglabas ko para sana bumili ng ulam ilang oras na ang lumipas ay sa akin agad nakatutok ang mga mata ng mga kapitbahay ko. Noong una ay inisip kong baka kuryoso sila sa akin lalo na't hindi ako gaanong lumalabas ngayon para makisalamuha sa kanila ngunit nang makasalubong ko si Aling Karmen na malawak ang ngiti sa akin, halos magsaalbalutan ako ng wala sa oras. "Balita ko, tipo mo na ako? Totoo ba iyon?" Mapang-akit niyang saad habang malagkit na inililibot ang kaniyang mga mata sa katawan ko. Nagsisi tuloy ako na sando lang ang suot ko. Mabuti na lang ay naisipan kong mag jogging pants kaya kahit papaano, natatakpan naman ang mga paa ko. "Huwag masyadong nagpapaniwala sa tsismis, Aling Karmen dahil nakakamatay 'yun." Ayokong maging bastos. Iyon ang paulit-ulit na iniisip ko habang pilit na iniiwas ang braso ko mula sa mapangahas na paghaplos ng matanda sa mga iyon. Idagdag pa ang mga matang kanina ko oa nararamdaman na matamang nakatitig sa bawat kilos namin ng kausap. Sino na naman kaya ang nagpakalat ng kasinungalingang iyon? Pumasok sa isipan ko si Aling Sita na siyang natatanging tao na unang nag-isip na tipo ko si Aling Karmen. Sa kaniya nanggaling iyon at hindi ko lubos akalain na kahit anong tanggi ko ay hindi pala siya naniwala at mas piniling paniwalaan ang iniisip niya. "Iyan ang gusto ko sa lalaki, bata na, palaban pa." "Hindi ka naman namin gusto. Sorry." Pasimple akong humakbang palayo ngunit sa talas ng mata ng matanda, agad niyang napapansin iyon. Tuwing umaatras ako palayo sa kaniya ay sinusuklian naman niya iyon ng abante palapit sa akin. Sa ganoong gawain namin ay nagawa naming umalis sa gitna ng daan at mapunta sa tindahan kung saan nandoon si Arturo at Lumen na parehong nanonood sa amin. Kanina ay wala pa sila riyan kaya bahagya kong ikinagulat na nandiyan na pala sila. Ang tindi ng liwanag ng tindahan na aakalin mong nasa isang shoot ka ng commercial kung saan naglalakihan at naglalakasan ang mga ilaw para magbigay ng sobrang liwanag sa lugar. Hindi ko alam kung bakit ganiyan ang ilaw rito sa tindahan na ito pero baka dahil sa bumbilya. "Aling Karmen, jackpot ba?" Mayabang na usal ni Lumen na sinabayan naman ng malakas na tawa ni Arturo. Nilingon sila ng matanda kaya kinuha kong pagkakataon iyon para tumakbo palayo. "Ay, nakatakas!" Rinig kong tili ng matanda. Padabog kong isinara ang pintuan ko saka dumiretso sa bintana. Nagkatinginan kaming muli ni Aling Karmen na nakuha pang kumaway at mag flying kiss sa akin. Pakiramdam ko ay bumabaligtad ang sikmura ko sa nangyari. Nang sumunod na gabi ay ganoon pa rin ang nangyayari. Naglalakad ako papunta kina Aling Lota para roon makikain dahil kaarawan ng kambal nang mapansin ko ang mga titig ng aming mga kapitbahay. Akala ko ay makakalimutan din nilang agad ang patungkol sa tsismis ngu it mukhang habang tumatagal ay lalo lang lumalala. Alam ko kung kaninong nagsimula ang tsismis na ito ngunit ganoon pa man, hindi ko magawang magalit sa taong iyon dahil wala siyang ibang ginawa kundi ang maging mabait sa akin at... itsismis ako. "Totoo ba iyon? Tipo mo si Aling Karmen?" Natatawang usal ni Sarah sa akin habang inaabot niya ang plato na nakabalot ng plastik. "Ang pangit naman ng taste mo. Mayroon doon sa kabilang kanto, apat na magkakapatid, purong mga babae. Bakit hindi ka makipagkilala sa kanila kaysa si Aling Karmen ang dinadali mo?" "Dinadali?" Nanlalaking mga matang sigaw ko. Naagaw niyon ang atensyon ng mga taong nandito kaya agad kong hinatak papunta sa sulok si Sarah. "Anong dinadali? Hindi ko dinadali si Aling Karmen!" Hindi ko alam ngunit ang pangit ng dating sa akin ng salitang iyon. Siguro ay para sa batang si Sarah, simpleng salita lang iyon ngunit sa akin, hindi. Ibang-iba talaga ang dating sa akin. Kakaibang tingin ang ipinukol sa akin ng bata. "Ano bang iniisip mo sa sinabi kong dinadali mo si Aling Karmen? Ikaw ha, Kuya!" Mali. Mukhang alam na alam niya ang iniisip ko. Hindi ko alam kung saan ako magugulat. Sa paraan ba ng pag-iisip niya sa kabila ng kaniyang murang edad o sa unang pagkakataon ay tinawag niya akong kuya? Hindi ko alam. Basta ang alam ko, pareho akong ginulat ng dalawang bagay na iyon. "Sarah at Tiara maligayang kaarawan!" Rinig kong usal ni Lumen sa dalawang bata na abala sa pagbubukas ng kanilang mga regalong natanggap. "Mauuna na ako dahil kailangan kong magounta sa bayan para sa magtrabaho ulit." Wari ko'y malapit din si Lumen sa mga ito dahil ilang minuto pa silang nag-usap bago tuluyang umalis ang lalaki. Pagkatapos kumain ay masaya kong pinanood ang mga batang naglalaro sa hardin nila Aling Lota. Naghahabulan sila ngayon pagkatapos magsawa sa taguan. Kanina ay nagpalaro si Aling Sita ng agawnag pera kung saan sasabayan ng mga bata ang malakas na tugtog saka maghahagis si Aling Sita ng pera. Pagkahinto ng tugtog ay roon pa lang sila pwedeng huminto sa pagsayaw at saka kukunin ang pera. Gaya lang siya ng trip to Jerusalem na laro ngunit dito, imbes na upuan ay pera ang pinag-aagawan. Bago sumapit ang umaga ay nagpasya kaming kantahan muling kantahan ng maligayang kaarawan ang dalawang bata. Nandito kami sa labas at nakahilera habang ang dalawang bata ay nasa gitna katabi ang kanilang lolo at lola. Masaya ang lahat. Malalakas ang tawanan at aakalain mong mga walang pinoproblema sa buhay. Akala ko ay magtutuloy-tuloy ang aksiyahan hanggang sa makauwi ako ngunit hindi. Nagpaalam si Tiara na may kukuhanin lang sandali at dahil hindi pa naman tuluyang sumasapit ang umaga ay pinayagan siya ngunit ang bata, hindi na muling bumalik pa. Labis ang paghihinagpis ni Aling Lota at ng kaniyang asawa. Ilang araw na naman ang lumipas ay hindi pa rin natatagpuan si Tiara. Tanghali na at dapat ay tulog na ako sa mga oras na ito ngunit dahil sa nangyayari, hindi ko magawang matulog. Tuwing sumasapit ang dilim ay abala ang lahat sa paghahanap kay Tiara. Bawat sulok, bawat lugar ay talagang hinahalughog at hindi namin pinalalagpas. Ang mga kababaihan ay tumutulong na rin upang mas mapabilis ang paghahanap. Anila, mas marami, mas malaki ang tiyansa na makita agad ang bata. Walang mapaglagyan ang awang nararamdaman ko para sa pamilya ni Tiara. Wala na silang ibang ginawa kundi ang umiyak at maghintay na lang sa balitang dala ng mga naghahanap. "Joseph!" Nilingon ko si Lumen at nakitang isinesenyas niya ang gubat. Noong isang gabi ay may mga nagpunta na rito kasama ang Lolo ni Tiara ngunit bumalik silang bigo. Pasimple kong pinagmasdan ang mga kasama namin bago tumugon sa tawag ni Lumen. "Sigurado ka bang wala kang alam?" Usal ko nang salubungin niya ako.  Naka-akbay siya sa akin at sabay kaming naglakad papasok sa gubat. "Oo. Siguraduhin lang natin dahil ang mga kasama ng Lolo ni Tiara na naghanap dito ay mga barumbadong lalaki. Malaki ang tyansa na may kinalaman sila sa pagkawala ng bata." I know I shouldn't believe him right away. I've been reading mystery-crime novels to the point na ang dami-dami ko nang napulot na mga techniques and alls. Also, I've been working on investigatory field for how many years kaya I know when people lie and when they are telling truths. He sighed. "Hindi ka naniniwala. Remember noong birthday ng kambal? Nandoon ang mga lalaking iyon at nag-iinom. Sila ang mga nasa labas nang magpaalam ang bata na may kukuhanin lang sandali." I tried to remember everything na sinasabi niya. "And the moment na malamang nawawala ang bata, kulanh ng dalawang tao ang grupo nilang may apat na miyembro at napansin kong balisa ang dalawa." Hindi ko iyon alam at napansin dahil nang araw na iyon, mas nag focus ako sa pag aalo kay Sarah na sa akin agad yumakap at sa bisig ko niya ibinuhos ang mga luha. Gamit ang tingting na pinulot ko kanina sa b****a ng gubat ay pasimple kong hinahawi ang mga dahon na nakaharang sa dadaanan ko. Hindi gaya noong una akong magpunta rito, nababalot ng kadiliman at katahimikan ang ligar. Tanging ang dala naming maliit na flashlight lang ang nagbibigay liwanag dahil ang liwanag na ibinibigay ng buwan ay nahaharangan ng mga nagtataasang mga puno. "Dahil baguhan ka pa lang dito sa lugar namin, sigurado akong hindi mo pa kilala ang mga tao kaya sasabihin ko sa iyo, ang mga lalaking iyon ay ilang beses ng naglabas pasok sa kulungan bago pa lang sila makarating sa baryong ito. Pagnanakaw, panggagahasa, panloloko, at marami pang iba kaya kung ako sa iyo, pagkatiwalaan mo na ako, huwag lang ang grupong iyon." Iyon ang mga salitang isiniwalat ni Lumen sa akin na masasabi kong talagang tumatak sa isipan ko. Hindi dahil naniniwala na ako na pagkakatiwalaan ko na siya huwag lang ang grupong sinasabi niya kundi dahil mas lalong lumakas ang nararamdaman kong pagdududa dahil kung ako nga ang may sala, gagawin ko rin ang ginagawa niya. Kukumbinsihin ko ang taong pakiramdam ko ay pinakamatinding kalaban ko na wala akong kasalanan at ibabaling ko ang kasalanan sa iba. At napatunayan ko iyon nang sumunod na gabi. Naghihisterya siyang sumisigaw at umiiyak habang mabilis ang takbo palapit sa saradong tindahan ni Aling Karmen kung sana kaming lahat ay magkakasama upang pag-usapan ang susunod na hakbang na gagawin. Isang linggo na ang lumipas at hindi pa rin nahahanap si Tiara. Halos sumuko na ang lahat nang biglang dumating si Lumen dala ang balitang hindi ko alam kung ikatutuwa ba namin o hindi. "Nahanap ko si Tiara! Nandoon siya sa tulay, wala ng buhay!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD