Chapter 10

2121 Words
Marahan akong naglakad palapit kay Tiara na bahagyang nanginginig habang sinusubukang takpan ang kaniyang mga tainga. Maging ako ay hindi malaman kung ano ang mararamdaman sa nangyari kaya lubos kong naiintindihan ang bata. Ang mga mata niyang nagtatanong at natatakot ay itinutok niya sa akin nang tuluyan na akong makalapit sa kaniya, pinapanatili ang tamang distansiya para maabot ko siya. Unti-unti kong inangat ang dalawang kamay at tinulungan siyang takpan ang kaniyang mga tainga kasabay ng marahang pagngiti upang maibsan kahit papaano ang kaniyang takot. Tuloy-tuloy na lumandas ang mga luha sa kaniyang pisngi. Ang katahimikan sa buong bahay ay nakakatakot ngunit nakakakalma rin kahit papaano. Wala ni isa sa amin ang nangahas na mag salita o gumawa man lang ng kahit na anong ingay. Kahit ilang minuto na ang lumipas ay pakiramdam ko, naririnig ko pa rin ang sigaw ng kung sino. Parang isang sirang plaka na paulit-ulit na umuugong iyon sa tainga ko. Nakakarindi. Masakit sa tainga at sa pakiramdam. Patuloy ang panginginig ng mga braso ni Tiara. Nakakaawa ang bata. Pagkatapos niyang mawala ng isang araw at mapunta sa nakakatakot na gubat na iyon ay ito naman ang dadatnan niya. Hindi ko alam kung gaano katagal kaming nanatili roon. Ilang oras na ang nakalilipas ay wala pa rin ni isa sa amin ang nangahas na buksan ang usaping iyon. Maging si Tiara na sigurado akong natakot ng husto ay hindi na sinubukan pang banggitin ang nangyari. Naihatid na namin si Tiara sa kaniyang Lola at nakakain na rin kami ng hapunan ay wala pa ring bumabanggit ng nangyari kanina. Siguro ay ayaw nilang maalala pa ang nakakatakot at nakakakilabot na karanasang iyon gayong hanggang ngayon ay tila naririnig ko pa rin ang sigaw noong bata. Kaya nang pumatak ang dilim, walang imik akong lumabas mula sa bahay nina Aling Lota at patakbong tinahak ang daan papunta sa plaza kung saan tingin ko ay nagmula ang sigaw. Hinalughog kong muli ang bawat sulok gaya nang ginawa noong hinahanap pa namin si Tiara. "Sa gubat, Joseph." Napalingon ako kay Lumen na seryosong nakatitig sa akin bago marahang itinuro ang daan papasok sa nasabing gubat. Hindi gaya kanina, nababalot na ng dilim ang lugar na iyon at sigurado akong walang mangangahas na pumasok doon ng wala man lang dala, kahit na maliit na ilaw. Isa pa, baka mamaya ay may kung anong mabangis na hayop ang nagtatago riyan, mahirap na. "Doon nanggaling ang sigaw kanina kaya kung gusto mong mahanap ang panibagong biktima, sigurado akong nandoon iyon." Ang tono ng kaniyang boses ay tila siguradong-sigurado siya sa kaniyang tinuran. Kunot noo ko siyang tinignan, ayaw maniwala sa kaniya. "Paano mo nasabi?" Humakbang ako ng dalawang beses palapit sa kaniya. Napangisi ako nang bigla na lang niyang putulin ang titigan namin at pilit na iniiwas ang tingin. "Ah, mahuhulaan mo nga naman ang distansiya base sa lakas ng tunog, hindi ba?" Kapansin-pansin ang gulat sa kaniyang mga mata. Ang kamay niya ay pinagsiklop niya sa harapan at tila hindi mapakali habang kinukurot-kurot ang kaniyang mga daliri. Tumaas ang kilay ko sa natatanaw. "Oo! Tama!" Tumikhim siya nang bahagyang mabasag ang kaniyang boses sa biglaang pagsigaw. "Tama ka. Binase ko sa kung gaano kalakas ang sigaw kanina kaya...kaya tingin ko nasa gubat iyon." Muli siyang nag-iwas ng tingin habang kinukurot-kurot ang kaniyang mga daliri. Lumawak pang lalo ang ngisi ko. Magtatanong pa sana ako nang biglang may isang lalaki ang dumating habang may bitbit siyang napakalaking flashlight. Hindi ko maiwasang hindi kumunot ang noo nang mapansin ko ang suot niyang purong glow-in-the-dark. Talagang kakaibang tignan ang suot niya mula sa neon green na t-shirt hanggang sapatos. Nagliliwanag na nga ang suot niyang damit, may bitbit pa siyang napakaliwanag na flashlight. Hindi ko matagalan ang tingin sa kaniya dahil masyadong masakit sa mata, nakakasilaw. "Arturo?" Bakas ang ginhawa sa boses ni Lumen nang harapin ang lalaki. "Nandito ka pala? Kailan ka pa dumating?" Tuluyan na nga akong tinalikiran ni Lumen upang harapin ang kaibigan niyang ngayon ko lang nakita. Nagyakapan sandali ang dalawa at agad na nag-usap patungkol sa kung saan. Imbes na ituloy ang ginagawa ko kanina ay mas nanaig ang kagustuhan kong manatili roon at pakinggan ang kung anong pinag-uusapan nila. Habang ganoon ay hindi ko talaga mapigilang hindi pagmasdan ang itsura ng lalaking Arturo yata ang pangalan dahil iyon ang tinawag ni Lumen sa kaniya kanina. Masyadong agaw pansin ang suot niya lalo na't madilim na ang paligid. Ang mga binti niyang mahahaba ngunit payat ay bumagay naman sa suot niyang trousers. Kahit yata nasa kabilang dulo siya ng baryo ay makikita ko pa rin siya dahil sa tangkad niya at sa suot niya. Gaya ko ay may balingkinitan din siyang katawan. Tuwing nagsasalita ay inaagaw ng ngipin niyang may mga sira dahil marahil sa mga kinakain at sa paninigarilyo niya. Hindi ko alam. Ang kaniyang labi ay halos hindi na makita dahil sa may kakapalan niyang balbas at bigote habang ang kaniyang buhok ay maihahalintulad sa pancit na makapal at itim na itim. Ang kayumanggi niyang balat ay salungat sa masiglang kulay ng kaniyang suot. "Sino siya?" Lantaran niyang itinutok ang daliri niya sa akin habang ang mga kuryosong mga mata'y pilit na nilalabanan ang akin. "Ngayon ko lang siya nakita kaya imposibleng taga rito iyan." Bakas sa boses niya ang pagtataka at pagkamangha... na siyang hindi ko maintindihan. Marahil ay namamangha siya dahil may bagong salta sa baryong ito? Ewan. Alanganin akong nilingon ni Lumen at nang nagtama ang tingin namin ay hindi ko kinalimutan ang pagngiti sa kaniya. Ipinakita ko ang pinakamatamis ngunit pinakanakakatakot kong ngiti na mukhang umepekto naman dahil hindi man lang nagtagal ng ilang segundo ang tinginan namin. Bahagya akong napatawa. Ibinaling kong muli ang mga mata kay Arturo na nakatitig pa rin sa akin. Karma is really a b*tch, huh? Ang tapang na taglay ko kaninang si Lumen ang tinitignan ay biglang nawala ngayong ginagawa sa akin ni Arturo ang eksaktong bagay na ginawa ko sa kaibigan niya. Tang*na. "Ah, si Joseph iyan. Kadarating lang, mag iisang buwan na yata o dalawa." Tumango si Arturo sa sinabi ni Lumen habang hindi inalais ang tingin sa akin. Ngayon ko napagtanto na mukhang iba ang tapang na taglay ng isang ito. Tinanguan ko na lang siya at walang sabing tinalikuran ang dalawa para makauwi. Bahagyang nanginig ang mga binti ko nang magawa silang talikuran ngunit kahit ganoon, pinilit kong maglakad ng tuwid at ipakitang wala lang sa akin ang mga titig niya. Hindi mawala sa isipan ko ang nangyari. Bawat gabi ay nakikita ko silang dalawa na masayang nag-uusap sa tindahan habang sabay na humihithit ng sigarilyo at minsa'y umiinom pa ng alak. Ngunit ipinagtataka ko na ang dating ilaw sa tindahan ay mukhang pinalitan dahil mas maliwanag na ito ngayon. Sobrang liwanag na aakalain mong kinukuha ka na ng liwanag patungong kabilang buhay. Mula sa bintana ng bahay ay patago ko silang pinagmamasdan at kinukuhanan ng litrato. Wala akong pakialam kay Arturo. Ang sadya ko ay si Lumen na ilang beses ng nagbigay ng mga hint sa akin. Malakas talaga ang pakiramdam ko na kung hindi siya mismo ang pumapatay, malamang ay may kinalaman siya o kilala niya ang pumapatay. Dalawang bagay lang iyan, it's either siya mismo ang pumapatay o kasabwat siya ng pumapatay. May kung anong kakaiba talaga akong nararamdaman sa lalaking iyon noong una pa lang. Ang mga kilos niya'y tila korkulado niya, bawat salitang lumalabas sa bibig niya'y mukhang pinaghahandaan niya ng mabuti ngunit ganon pa man, saan pa ba mahuhuli ang isda kundi sa sarili nitong bibig? May mga pagkakataon na ilang beses na niyang kamuntikang mailantad sa pamamagitan ng pananatila ang kung ano mang pilit niyang itinatago na siyang pinakaumagaw ng atensiyon ko. Idagdag pa ang mga kilos niyang nag-iiba, depende sa kausap at sa klase ng usapan. Lalong nagpatinay sa espikulasyon ko ay ang katotohanang siya ang nakahanap sa batang si Tiara. Tila talagang alam na alam niya kung saan matatagpuan ang bata at wala akong nakitang panick sa kaniyang mukha. Ngunit ang ipinagtataka ko, ang sigaw kaninang umaga ay hindi tugma sa naiisip ko. Kung si Lumen nga ang may sala, sino ang sumigaw at ano ang dahilan ng kaniyang pagsigaw? Ang gulo! Sa sumunod na gabi ay ganoon pa rin ang sitwasyon. Mas pinipili kong manatili sa bahay habang nagpapanggap na nagbabasa ng libro malapit sa bintana ngunit ang totoo ay pasimple lang na pinapanood ang mga tambay sa tindahan kung saan naroon palagi si Lumen at Arturo na masayang nagtatawanan at nakikipagbiruan sa mga kasamahan nilang halos purong kalalakihan. Iilan at miminsan lang may humalong mga babae sa kanila ngunit tuwing dumarating ang pagkakataong iyon, talagang kahit ang tugtugin ng kapitbahay ko ay natatalo sa ingay nila. Gaya ngayon, may mga babae silang kasama na hindi ko alam kung saan galing. Marahil ay sa kabilang kanto na minsan ko lang napuntahan. Halos lahat ng mga babaeng iyon ay nakadikit kay Lumen kung saan ang isa ay kapansin-pansin ang paghaplos sa dibdib ng lalaki paibaba habang ang isa naman ay pilit na ikinakandong ang sarili sa lalaki. Tila ikinatutuwa naman iyon ni Lumen at hindi man lang binabawalan ang mga babae. Mukhang normal na gawain na lang nila iyon at hindi ko alam kung anong mararamdaman sa nakikita. Tumatawa lamang si Arturo habang patuloy na nakikinig sa kung anong sinasabi ni Lumen. "Ito ang adobo, Joseph." Napaigtad ako nang biglang may magsalita sa likuran ko. Pilit kong inabot ang bintana kahit na alam kong wala akong mahahawakan doon kaya napadaing na lang nang maramdaman ang tigas ng sahig. Pakiramdam ko ay nag crack bigla ang spinal cord ko sa tigas ng binagsakang sahig. "Sus maryosep! Ayos ka lang ba? Ano ba ang ginagawa mo riyan sa bintana?" Bago pa mapigilan si Aling Sita sa paglapit sa bintana ay tuluyan na nga niyang nakita kung anong ginagawa ko roon. Natahimik siya ng ilang sandali bago dahan-dahang ibinaling ang nagtatanong niyang mga mata sa akin. Napasulyap ako sa bintana upang siguraduhin kung ano ba ang nakita niya ngunit ikinagulat ko na nandoon na rin pala si Aling Karmen at nakikihimas sa braso ni Lumen habang panay ang sulyap dito banda sa bintana ko. The hell? Tumatawa-tawa pa sila na animo'y sobrang nakakatawa ang pinag-uusapan nila at tila wala ng bukas kung makahalakhak. Nagtayuan ang lahat ng balahibo sa buong katawan ko nang biglang mag-angat muli ng tingin sa akin ang matanda. Nagtagal ng ilang sandali ang titigan namin bago ko nagawang mag-iwas ng tingin ngunit nahagip pa rin ng mga mata ko ang pagngiti ng matanda at pagkindat. "Tipo mo ang isa sa mga babae ni Lumen?" Gulantang niyang tanong. Mabilis pa sa alas kwatro ang pagtayo ko habang gigil na umiiling. "Ay, sus! Huwag ka nang mahiya at nasa tamang edad ka na rin naman. Lalaki pa! Bakit hindi ka bumaba roon at samahan sila nang makilala mo naman ang mga babaing iyon? Kahit na gaganiyan sila ay masisiguro kong mababait ang mga iyan!" Tumawa pa siya na animo'y talagang nakakatawa ang sinabi niya. May kasama pang paghampas ng kamay sa ere at bahagyang pag-iling. "Naku, hindi po! Mali po kayo!" Kumunot ang noo niya. "Kung ganoon, sino ang tinitignan mo sa kanila? Huwag mong sabihin na..." Napakurap-kurap ako. Abot langit ang kaba ko habang hinihintay ang idudugtong ni Aling Sita sa kung anong sasabihin sasabihi niya. "Ano po?" Turan ko, hindi na napigilan ang bahagyang panginginig sa boses. "Huwga mong sabihin na tipo mo si Lumen? O si Arturo?" "Hindi po!" Sigaw ko na siyang ikinagulat yata niya. Napaatras siya ng bahagya kaya agad kong pinagsisihan ang biglaang pagsigaw. "Kung ganoon, si Karmen ba?" Hindi ba nakakaramdam ng kilabot si Aling Sita sa mga pinagsasasabi niya? Ako kasi ay parang masusuka na mahihinatay na hindi ko maintindihan. "Tipo mo ba ang matandang iyon?" Nanlaki ang mga mata ko at halos matanggal na ang ulo sa kaiiling para lang maipakita na hindi. Mas matatanggap ko pa kung iisipin niyang isa sa mga babae ni Lumen ang natitipuhan ko, basta wag lang si Aling Karmen. Doble ang edad ng matanda sa akin kaya talagang nagsisitaasan ang lahat ng balahibo sa buong katawan ko sa tuwing nakikita kung gaano kalagkit ang tingin niya sa akin. "Osiya, heto ang adobo mo. Iniluto iyan ng asawa ko at inutusan akong ihatid sa iyo rito." Mabilis kong kinuha ang mangkok na inaabot niya. Adobong manok iyon at halos lumangoy na sa dami ng sabaw ang karne. "Maraming salamat po." Tumango-tango siya habang iwinawasiwas ang kamay niya sa akin, tila iyon ang paraan niya ng pamamaalam. "Osiya, osiya..." Ang buong akala ko ay aalis na siya kaya ikinagulat ko ang biglaan niyang pagbalik. "Pero sigurado kang hindi mo tipo si Karmen, ano?" Tang*na...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD