Chapter 9

2131 Words
What the f*ck? Dali-dali akong tumakbo palabas ng bahay at dumiretso sa plaza. Hindi ko alam kung bakit dito ko naisipang magpunta. Marahil ay dala na ng bugso ng damdamin? Hindi ko alam. Kusa na lang ako dinala ng mga paa ko rito. Basta nang marinig ko ang sinabi ni Aling Sita na nawawala si Tiara, pakiramdam ko ay nablanko ako bigla. Ang mga iyak ng mag Lola'ng sina Aling Lota at Sarah lang ang naririnig ko at ang inosenteng mukha ni Tiara ay hindi mawala-wala sa isip ko. Pilit na bumabalik sa alaala ko ang mga pagkakataong nakikita ko siyang masayang naglalaro sa may kalsada kasama ang kapatid at mga kaibigan, mga pagkakataong namumutawi sa buong lugar ang masigla nilang tawanan at pag-aasaran, mga pagkakataong naririnig at nakikita ko kung paano niyang disiplinahin ang kapatid sa kabila ng pagkakapareho ng kanilang edad. Sa ilang pagkakataong iyon, nakita at naramdaman ko kung gaano kabuting bata si Tiara kaya kung may mangyari mang hindi maganda sa kaniya, alam kong sobrang tindi ng pinsalang iiwan niyon sa mga tao rito, lalo na sa kaniyang kapatid, Lola at Lolo. Hinalughog ko ang bawat sulok ng plaza kasabay ang ibang mga tao na kagaya ko ay naghahanap din sa inosenteng bata. "Putang*na! Kung sino ka mang hayop ka na pumapatay sa mga bata! Magpakita kang tarant*do ka!" Napaigtad ako nang biglang sumigaw ang isang lalaki na may hawak ng itak. Pinaghahampas niya iyon sa hangin. Bakas sa lakas ng kaniyang sigaw kung gaano katindi ang nararamdaman niyang galit. Kitang-kita ang pamumula ng kaniyang mukha at ang ugat sa kaniyang leeg ay batak na batak. "Tarant*do, kami ang harapin mo huwag ang mga inosenteng bata!" It was a hard and long night for all of us. Ang mga kababaihan ay nagpasyang likumin at libangin ang mga bata, maliban kay Sarah na ayaw huminto sa kaiiyak at ayaw humiwalay sa kaniyang Lola habang ang mga kalalakihan, kasama ako ay pilit na hinalughog ang buong baryo. Bawat sulok, bawat bahay, bawat liblib na parte ay hinalughog namin sa pagbabakasakaling makita si Tiara ngunit wala. Pagod na pagod na ako ngunit ayokong huminto. Hindi pwede hangga't hindi nasisigurong ligtas si Tiara, maging ang ibang mga bata. Sa tuwing naiisip ko ang inosenteng mukha ni Tiara at ang itsura ng unang-unang batang biktima na nakita ko, tumitindi ang t***k ng puso ko at pakiramdam ko ay hihimatayin ako ano mang oras. I should be brave, yes ngunit iba pala talaga kapag first hand experience na. Kahit ilang milyong beses pang sabihin na huwag mataranta, na huwag matakot, hindi pa rin pala iyon maiiwasan. "Tang*na, napakainosenteng bata ni Tiara. Bakit siya pa?" Umiiyak na usal ni Lumen, ang unang lalaking napasama sa listahan ko. Maganda ang hubog ng kaniyang katawan dahil marahil sa kaniyang trabaho bilang kargador sa palengke. Ikinagulat ko nga na nandito siya ngayon gayong ang sabi ay miminsan lang silang umuwi rito sa baryo gawa ng kaniyang trabaho at hirpa ng paglabas-pasok sa lugar na ito. Nakasuot siya ng kulay puting sando na tinernuhan niya ng maong na khaki shorts at may kagat-kagat na sigarilyong hindi naman nakasindi. Sa tabi niya'y si Aling Karmen na pasimpleng sumasandal habang humihimas sa malalaking braso ng lalaki. "Ang bawat bata rito sa atin ay hindi nararapat na maranasan ang ganoong bagay, Lumen. Inosente man o hindi." Matamang usal naman ni Aling Sita. "Oo nga, Aling Sita ngunit iba naman si Tiara. Ang batang iyon ay ubod ng bait at hindi makabasag pinggan kaya hindi ako makapaniwala na isa siya sa mga biktima gayong ang mga nabiktima na noon ay purong mga pasaway na bata at mga sutil, mga pala-away." Kapansin-pansin ang biglaang pag-iiba ng itsura ni Aling Sita habang nakatitig kay Lumen. Kinabahan ako sa paraan ng pagtingin niya ngunit nang bumuntonghininga siya ay tila nabunutan din ako ng tinik sa dibdib kahit papaano. Sa tindi ng kaniyang tingin, inakala kong aawayin niya ang lalaki kaya nang kumalma ito, guminhawa rin ang pakiramdam ko. Hindi sila maaaring mag-away gayong may kinahaharap pa kaming problema na dapat pagtuunan ng pansin. Makakasagabal lang ang pag-aaway nila sa trabaho kaya hangga't maaari, pilit kong idinadasal sa hangin na sana ay magtulungan muna ang lahat. "Hindi pa tayo sigurado kung nabiktima nga si Tiara. Sana lang ay hindi dahil kawawa naman si Lota at si Sarah." Matamang usal ni Aling Sita bago ibinaling tingin sa akin at ngumiti ng bahagya. Dalawang bahay mula sa bahay na tinitirhan ko ay may isang tindahan na kung saan kami nakatambay ngayon at sabay-sabay na pinapanood ang mag Lola na hindi pa rin binibitiwan ang isa't isa. Tila may ibinubulong si Aling Lota sa kaniyang apo dahil tumatango ang bata habang nakatitig lang sa langit na madilim. Hindi gaya nitong nakaraan, tila nararamdamn ng langit ang pighating nararanasan ngayon dito sa baryo dahil wala ni isang bituin ang naisipang magpakita ngayon. Kahit ang buwan na ilang gabing nagmamalaki at nagpapasiklab ng liwanag ay biglang nawala. Kung normal na araw lang ay baka na-imagine ko na na nasa isang fantasy story ako gaya ng mga nababasa ko sa libro ngunit hindi nga pala uso ang 'normal' na araw rito. Bawat araw ay kakaiba at kung masyado kang mahina at hindi agad nakakasabay sa agos ng buhay sa baryong ito, hinding-hindi ka makakalagpas kahit isang araw lang. Isa, dalawa, tatlo, hindi ko na kabilang kung ilang gabi na ang lumipas simula nang mawala si Tiara. Sa bawat oras na pinipiling magpahinga ng buwan at nagpapaubaya para magpasiklab ang haring araw ay para akong inaasinan na bulate sa bahay. Hindi ako mapakali kaya kahit na alam ko sa sariling hindi ligtas nag lumabas tuwing umaga, nilakasan ko ang loob ko. Bitbit ang cellphone, maliit na notebook at ballpen ay naglakas loob akong lumabas. Pinili kong magsuot ng kulay tsokolateng pantalon, t-shirt at sumbrero na tingin ko ay madaling humalo sa madalas na kulay ng mga bahay rito. Sa ilalim ng tirik na araw ay mag-isa kong nilakbay ang maalikabok na kalsada. Kahit isang tao at hayop ay wala akong makita na siyang nagparamdam ng kaunting takot sa akin. Tila isang abandonadong lugar ang nilalalaran ko na halos sinasalamin ang init na mararamdaman tuwing nasa disyerto. Habang tumatagal ay doon ko napagtanto kung gaano kamali ang ginagawa ko ngayon ngunit ayokong umatras. Lumiko ako sa isang maliit na eskinita patungo sa isang mapunong lugar. Tahimik kong nilakbay ang daanan papasok doon. Mga naglalakihang mga puno na siyang tumatakip sa haring araw kaya nakaramdam ako ng kaginhawaan kahit papaano. Ang lupa ay natatakpan ng napakaraming tuyong mga dahon at sanga na sa bawat apak ng sapatos ko ay lumulikha iyon ng napakaingay na tunog. Ang bawat huni ng mga ibon ay siyang nagiging hudyat ko na buhay pa ako at sila rin ang naging pampakalma ko kasabay ng bawat hagikhik ng mga dahong sumasabay sa ihip ng hangin. Sana lang ay walang mababangis na hayop dito kung hindi, lagot ako. Wala akong ibang dala kundi ang isang patpat na pinulot ko lamang sa may b****a ng gubat na ito at ang lakasngg loob na unti-unti na ring nawawala. Sinundan ko ang daanang tila matagal ng hindi nagagamit at napag-iwanan na ng panahon dahil unti-unti na iyong nabubura at natatakpan ng makakapal na mga tuyong sanga at dahon. May iilan ding ligaw na dumi ng mga hayop kaya naman mas inalerto ko ang sarili. Sa ilang sandaling paglalakad ay napadpad ako sa maliit na ilog na puno ng mga bato ngunit kahit hindi gaanong marami ang tubig ay malinaw naman iyon at maganda ang agos. Napakasarap pakinggan ng malakas na agos ng tubig na dumadaloy patungo sa kung saan. Tila isang mahikang kumakalma sa pagkatao ko at hindi ko maiwasang hindi antukin. Inilabas ko ang cellphone ko at saka mabilis na kinuhanan iyon ng litrato bilang remembrance bago ako nagpasyang maupo sa isa sa mga batong malapit sa tubig. Gusto ko sanang magtampisaw sandali ngunit pinigilan ko ang sarili dahil hindi ito ang tamang oras para roon. Ang malamig na simoy ng hangin, huni ng mga ibon, ang tunog na nililikha ng mga dahong nagsasayawan kasabay ng hangin at ang malakas ngunit masarap sa pakiramdam na tunog ng umaagos na ilog ang siyang nagpakalma sa akin. Nawala ng panandalian ang mga problemang iniisip ko at pakiramdam ko ay ito ang tunay na dahilan kung bakit pinili kong lumabas kahit na hindi ko naman talaga alam na may ganitong lugar dito. Pakiramdam ko ay itinadhana talaga akong lumabas para makita ito. Ngunit tila totoo ngang kakambal ng kasiyahan ang kalungkutan, kapayapaan ng kaguluhan, tila isang kidlat sa bilis na naglaho ang kapayapaang naramdaman ko. Mabilis pa sa alas kwatro ang pagtayo ko at ang pagpulot sa malaking bato nang makarinig ako ng mga kaluskos mula sa kung saan. Pinilit kong alisin sa sistema ko ang kagustuhang matulog at mas inalerto pa ang sarili sa ano mang panganib ang naka-amba. Inilibot ko ang paningin habang dahan-dahang naglalakad palayo sa lugar. Hindi ko alam kung ano ba ang naririnig kong iyon. Kung tao ba o hayop ngunit hindi ko ibinaba ang batong hawak bilang proteksiyon sa kung ano man iyon. Gustuhin ko mang sumigaw at tanungin kung sino ang kasama ko rito ay hindi ko ginawa. Sa mga libro at palabas sa telebisyon ay ganoon ang ginagawa at kalimitang ikinamamatay ng mga tauhan sa kwento kaya bakit ko gagawin? Para ko na ring ipinain ang sarili ko, kung ganoon. At isa pa, hindi ko sigurado kung tao ba talaga ang kasama ko sa lugar na ito. Akmang babatuhin ko na sana ang kung sino mang nagtatago sa likuran ng malaking puno ng akasya nang biglang lumabas mula roon si Tiara. Nanlaki ang mga mata ko at naestatwa na lang sa gulat. "Kuya Joseph!" Sigaw nito saka mabilis na yumakap sa akin. Wala sa sarili kong nabitawan ang bato at napaangat ng tingin sa lalaking sunod na lumabas mula sa likuran ng puno. "Ikaw lang pala. Ang akala ko ay 'yung mamamatay bata na." Kalmadong usal ni Lumen habang naglalakad palapit sa amin. Hindi ko lubos maisip na sa ilang gabi namin siyang hinahanap ay dito lang pala siya matatagpuan. Ngunit anong ginagawa niya sa ganitong lugar gayong alam naman niyang delikado? Paano siya nahanap ni Lumen? At hindi ba't dapat nasa trabaho si Lumen ngayon? Bakit hanggang ngayon ay nandirito siya? Nag-angat ako ng tingin kay Lumen na nakapamulsa habang nakatingin sa amin. Isang napakalalim na hininga ang pinakawalan ko upang mapakalma ang sarili. "Saan mo nahanap ang bata?" "Kapag sinundan mo ang ilog hanggang dulo ay may makikita kang lumang kubo. Naroon lang siya mula nang araw na nawala siya." Kahit hindi ako satisfied sa isinagot ng lalaki ay mas pinili ko na lang na intindihin muna ang bata sa ngayon. Ang kaligtasan niya ang kailangang mauna at hindi ang pag iinteroga sa lalaking pakiramdam ko ay walang magandang dulot. Mabilis kong hinawakan sa magkabilang balikat si Tiara na malawak ang ngiti ngayon habang nakatitig sa akin. "Tiara, anong ginagawa mo rito? Saan ka nanggaling? Ayos ka lang ba?" "Ayos lang po. Ikukwento ko po pero pagdating na sa bahay dahil kailangan po nating magmadali. Alam niyo naman na delikado po sa labas tuwing umaga, hindi ba?" Kaya iyon nga ang ginawa namin. Karga ni Lumen si Tiara sa kaniyang likuran ay sabay kaming naglakad pabalik kina Aling Lota. Hindi ko maiwasang hindi titigan ang lalaki lalo na't masyadong biglaan ang pagkakahanap niya sa batang ilang araw ring nawala. Hindi kaya may kinalaman siya? "Alam ko ang iniisip mo. Ngayon pa lang ay sasabihin ko na sa iyong mali ka." Mariing usal. "Kung mali ako, bakit tila alam na alam mo kung siya?" Pinantayan ko ang diin ng salita niya. Hindi mawala sa isipan ko ang bawat salitang lumabas sa bibig niya na siyang nagpainis sa akin. "Bakit ikaw, anong ginagawa mo roon na tila alam mo rin kung saan ka dapat magpunta para makita si Tiara?" Inaakusahan ba ako ng lalaking ito? Naputol ang titigan namin nang isang sigaw mula sa kung saan ang namutawi sa buong paligid. Mabilis ang naging pagbaling ko mula sa lugar na pinanggalingan namin dahil doon nagmula ang sigaw. "Tang*na! Pasok!" Sigaw ni Lumen kasabay ng mabilis niyang pagtakbo papasok sa pinakamalapit na bahay sa amin. Dali-dali akong sumunod at wala ng inaksaya pang oras. Mabuti na lang at agad din kaming napagbuksan ng may-ari kaya kami nakapasok agad. Hingal na hingal ako kahit na hindi naman ganoon kalayo ang tinakbo namin. Napasandala ko sa dingding at napahawak sa dibdib ko habang pilit na hinahabol ang hininga. "What the hell was that? Huwag mong sabihing isang bata na naman ang nabiktima?" Wala sa sariling tumango si Lumen kasabay ng hagulgol ng babaeng may ari yata ng bahay na pinasukan namin. "Posible..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD