Chapter 8

2140 Words
"Putang*na sinong kumuha ng shanghai ko?" Sigaw ng isang lalaking nakalimutan ko ang pangalan habang pilit na sumisiksik sa mga nagkakagulong mga tao. Ang lahat ay nakahilera sa magkabilang parte ng mga mesang pinagdugtong-dugtong para humaba at may mapaglagyan ng mga pagkaing iniluto ng bawat nanay. "Manahimik ka nga, Jay! Ang dami-daming shanghai riyan! Kumuha ka na lang ng bago!" Sagot ni Aling Sita saka inabutan si Jay ng dalawang shanghai. "Nawa'y mabusog ka riyan!" Magulo. Iyon lang ang masasabi ko. Nag-aagawan sa pagkain, nagtutulakan para lang makapuwesto sa magandang spot, nag-uunahan sa masasarap na pagkain. Ngunit sa kabila ng kaguluhang ito, masasabi kong masaya naman. Masaya dahil para kaming isang napakalaking pamilya na naisipang magsalu-salo kahit wala namang okasyon. "Hoy, Joseph!" Gulat akong napalingon sa lalaking bigla na lang umakbay sa akin. "Huwag kang mahiya at kuha lang ng kuha ng pagkain! Inihanda iyan para sa iyo!" Wari ko'y nakainom na ito dahil sa paraan ng pananalita niya at sa amoy ng hininga niya. Luminga ako sa paligid para hanapin kung saan may alak ngunit wala naman. Siguro'y nakainom na ito bago pa magsimula ang salo-salo? Hindi ko alam. Basta mabaho ang hininga niya dahil sa alak. "Opo..." Gustohin ko mang itago ang kahihiyang nararamdaman ay hindi ko magawa. Ang bawat taong malapit sa pwesto ko ay pilit na inilalapit ang mga pagkain sa akin. Ang iba'y kinakain ko ngunit ang iba'y hindi. "Pihikan ka ba sa pagkain? Ang payat mo." Ani Sarah na bigla na lang sumulpot mula sa kung saan. Siya ang kumukuha ng mga pagkaing iniaabot ng kung sino-sino sa akin. Hinahayaan ko dahil hindi ko rin naman makakain ang lahat ng iyon. "Hindi. Hindi lang ako sanay sa ganitong pangyayari." 'Cause it's true. Sa amin ay hindi uso ang ganito. Mag bu-boodle fight lang kami kung may importanteng okasyo. Sa kumpanya, tuwing may napapanalong malaking kaso lang at madalas, hindi pa ako sumasali dahil sa pangit ang paraan ng pagkakapanalo nila. "Ang boring siguro ng buhay mo sa inyo, ano? Saan ka nga galing? Bigla ka na lang kasing sumusulpot dito sa amin." Nilingon ko siya. Nakataas ang kaniyang kilay habang nakatitig sa akin, naghihintay ng sagot habang mabagal na kumakagat sa isang slice ng pakwan na hawak niya. Gaya ng ayos niya noong una kaming magkita, nakatali ang buhok niya sa magkabilang side at nakatirintas iyon. Ang kulay dilaw niyang t-shirt ay tinernuhan niya ng maong na jumper na may bulsa sa gitna. "Nakatira ako sa Dinalupihan. Nakapunta ka na ba roon?" Umiling lamang siya. Akala ko'y hindi na sasagot kaya ikinagulat ko ang biglaan niyang pag-iling. "Hindi pa kami nakakalabas ng Assunta. Tanging si Lolo lang dahil sa trabaho. Maganda ba sa inyo?" Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. All my life puro ako reklamo sa mga nangyayari sa buhay ko. Hindi ko magawang ma-appreciate ang bagay sa buhay ko, kahit na gaano pa kalaki o kaliit ang mga iyon. Ngayong nandito ako sa isang baryong tila kinalimutan na ng sarili nilang bayan, unti-unti kong natututunan kung paano pahalagahan ang mga bagay-bagay, lalo na ang buhay. Dito sa baryong ito nabuksan ang isipan ko na kung pakiramdam ko ay pinahihirapan ng tadhana ang buhay ko, na kahit na maliit na kamalasan lang ay inirereklamo ko na, paano pa kaya sila? Sila na ilang beses ng nawalan ng anak, ng kapatid, ng kalaro? Sila na pilit lumalaban at sunasabay sa bawat pagsubok ng ibinabato ng tadhana. "Maganda." I tried my best to smile and hide the pain that I am starting to feel. "Kapag maayos na ang lahat, gusto mo bang magpunta roon? Gusto mo bang lumabas at makita kung anong klaseng buhay ang mayroon sa labas ng maliit na baryong ito?" Pakiramdam ko ay nahiwalay ang mundo namin ni Sarah sa mundo ng mga kasama namin. Ang napakaingay nilang kapaligiran ay taliwas sa katahimikang namumutawi sa pagitan namin ng inosenteng batang kausap ko. Ang bawat tawanan at sigawan ng mga tao sa paligid namin ay naririnig ko ngunit pakiramdam ko, napakalayo nila sa amin. Ikinagulat ko ang pag-iling niya. "Ayoko. Dito lang ako sa amin at kailanman, hindi ko iiwan ang baryong ito. Kahit na may...may..." nag-iwas siya ng tingin at tila hirap na hirap ituloy ang gusto niyang sabihin. I know kung ano ang gusto niyang sabihin. I truly understand her kahit na hindi niya masabi ng diretso ang gusto niyang sabihin. Kahit na ako, nahihirapan ding isipin at pag-usapan ang bagay na iyon, pano pa kaya siya na isang musmos pa lang? Ang mga batang kagaya niya ay dapat masayang nakakalabas at nakakapaglaro na walang iniisip na kapahamakan. Dapat ay ang tanging problema lamang nila ay kung paano tatakas sa kanilang magulang tuwing tanghali para makapaglaro sa daan, kung paanong maiintindihan ang lesson sa paaralan, kung ano ang mga dapat gawin para hindi malaman ni Inay na hindi nila kinakain ang gulay na inihahanda nito sa hapag. Mga simpleng bagay lang dapat ang kanilang iniisip ngunit ng dahil sa isang taong walang kaluluwa na pilit nagnanakaw ng buhay ng mga inosenteng bata, hindi nila magawa iyon. Tila isa silang mga ibon na pinagkaitang makalipad ng malaya sa malawak na hardin. "Kumain ka ng marami, Sarah para mabilis kang lumaki..." at magawa mo ng iligtas ang sarili mo mula sa kapahamakan. Nginitian ko siya at isinenyas pa ang mga pagkaing nasa hapag. Masaya ang gabing iyon. Hindi ko alam kung anong oras na kaming natapos basta ang naaalala ko lang, hilong-hilo at sukang-suka ako sa kung ano-anong klase ng alak ang ipinainom ng mga kalalakihan sa akin. Kinabukasan tuloy ay sising-sisi ako na hindi ko nagawang tanggihan ang mga inaalok nila gayong tinuturuan na ako nina Aling Lota at Aling Sita sa kung ano ang gagawin para lang maiwasan ang mga ibininigay nilang nakalalasing na inumin. Sa sobrang sakit ng ulo ko ay nagawa kong matulog lang sa buong maghapon. Pakiramdam ko ay nakahithit ako ng kung ano sa sobrang hilo at sama ng pakiramdam ko. Nagising na lamang ako nang magtanghali na at makaramdama ko ng gutom kaya naman kahit na hindi pa rin maganda ang pakiramdam ay pinilit ko na lang na tumayo at magluto ng makakain ko. Nagawa ko pang lapitan ang pintuan at mga bintana para sana buksan ngunit parang isang multo na bigla na lang bumulong sa akin ang boses ni Aling Sita na nagpapaalala na siguraduhing nakasara ng maigi ang bawat bintana at ang pintuan ko upang masiguro ang kaligtasan. Nagtaasan ang mga balahibo sa bawat sulok ng katawan ko. Napabaling ako sa magkabilang gilid ko dahil sa kaba na baka may kung sino nang nakapasok sa bahay. Nagawa ko pang sumilip sa bintana at sakto namang may binatang dumaan. Mabilis at wala sa sarili kong kinuhanan iyon ng litrato ngunit sa layo ay hindi kita ang kaniyang mukha. Tanging ang suot lamang niyang itim na sando, shorts at tsinelas ang kuha. Maging ang magandang hubog ng katawan nito na animo'y inaalagaan sa gym. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ng lalaking iyon, tanghaling tapat sa daan. Ilang beses na akong nakakita ng mga taong lumalabas kahit na umaga at kahit na sinabi naman ni Aling Sita na hindi nila iyon gawain ngunit karamihan sa mga iyon ay purong mga nakasasakyan at magsasaka. Ngayon lang ako nakakita ng taong naglalakad ng ganoong oras at mag-isa pa kaya naman sa kabila ng sama ng nararamdaman ko ay pilit kong itinatak sa isipan na kailangan kong itanong iyon kay Aling Sita o kay Aling Lota para maliwanagan. Inabot ako ng siyam-siyam para lang maubos ang pananghalian ko dahil mas marami pa akong tulala moment kaysa sa pagsubo ng pagkain. Isinabay ko na rin tuloy ang pagkain nang tinapay na iniuwi ko kagabi galing sa handaan. Masarap kasi at gawa raw iyon mismo ng isa sa mga kapitbahay namin. Hindi ko nga lang matandaan kung sino sa kanila dahil marami sila at magulo kagabi. Bahala na basta, maramdaman sana niya ang pagpapasalamat ko. Pagkalubog ng araw ay agad akong lumabas para gawin ang mga binalak kong gawin. Una akong nagpunta sa bahay ni Aling Sita para manghingi ng mga halamang pwede kong itanim sa natitirang espasyo sa bahay. Napakatamlay kasi kung purong talbos lang ang makikita kaya gusto kong magtanim ng mga namumulaklak na halaman. Pagdating ko roon ay saktong nagdidilig si Aling Sita ngunit ang hiya ko, nauna pa yatang dumating dito kaysa sa katawan lupa ko. Malawak ang ngiti ng matanda sa akin at naghihintay ng sasabihin ko ngunit parang naputol bigla ang dila ko at nakalimutan ko kung paano magsalita. "May problema ba?" Ngayon ay nababakas na sa kaniyang boses ang pagtataka. Pinatay niya ang tubig at ibinaba ang hose na hawak saka marahang naglakad palapit sa gate kung nasaan ako. "Sa ilang linggong pananatili mo rito, ilang beses ka pa lang na nagpunta rito sa bahay ko at iyon ay tuwing may tanong o problema ka. Ngayon, may tanong ka ba ulit o may problema?" Hindi ko alam kung nagtatanong ba siya o nang-aasar ngunit ang tono ng boses niya ay kalmado naman kaya baka ako kang ang nag-iisip ng ganoon. Masyado ba akong guilty? Saan? "Uhh," sinulyapan ko ang kaniyang mga halaman. Gaya ng sa tinitirhan ko ay may mga tanim din siyang gulay ngunit mas marami ang namumulaklak niyang mga halaman. "Uh..." Sa tagal ng pagtitig ko sa mga iyon ay mukhang nakuha na niya ang gusto ko. Natatawa siyang lumapit sa mapupukang rosas at agad na pumutol sa mga iyon gamit ang gunting na hindi ko alam kung sana niya nakuha. Pagkatapos ay nilapitan naman niya ang isang uri ng halaman na hindi ko alam kung ano ang tawag. Basta ay may bulaklak din iyon. "Kung gsuto mo ng halaman ay sabihin mo lang. Mahirap man ako pagdating sa pera, mayaman naman ako sa halaman." Tumatawang usal niya. "Opo, salamat po." Kasama si Sarah na walang tigil sa kakasalita ay inabala ko ang sarili ko sa pagtatanim. Mas pinili kong itanim ang mga rosas malapit sa hagdanan para magandang tignan ang mga iyon. Iyon ay kung tutubo ang mga ito. "Si Lola ay amy tanim na sunflower sa likuran ng bahay namin. Bakit hindi ka naghingi sa kaniya?" "Hindi ko naman alam na may tanim kayo. Ni hindi ko nga alam na may espasyo pa pala sa likuran ng bahay ninyo." Tinaasan niya ako ng kilay. "Paano ay hindi ka naman nagtatanong." Aba? "Sa susunod ay matuto kang magtanong, Manong nang sa gayon ay marami kang malaman lalo na patungkol sa lugar na ito." Pagkatapos ay nagluto ako ng ihahapunan ko saka inabala ang sarili sa pagbabasa ng libro. Ilang chapter na lang ay matatapos na kaya naman kahit na panay ang salita ni Sarah sa tabi ko habang nakikitingin sa librong hawak ko ay pinilit ko talagang intindihin ang kuwento idagdag pa ang sigawan sa labas ay talagang matinding konsentrasyon ang ginawa ko para kang matapos ang binabasa. "Wala ba riyan?" Sigaw ng pamilyar na boses. Pinanood ko ang pagtayo ni Sarah at ang paglapit niya sa bintana kasabay ng biglaang pagbukas ng pintuan ko. "Nandito pala si Sarah!" Sigaw muli ng natatarantang si Aling Lota. Sa likuran niya ay nandoon si Aling Karmen na nagawa pa akong kindatan. Ibinaba ko ang librong hawak at agad na tumayo. "May problema po ba?" Si Sarah ay agad na tumakbo at yumakap sa kaniyang Lola na bigla na lang umiyak. Pairap na hinagod ni Aling Karmen ang limuran nito habang panay ang sulyap sa akin at kindat. Mabilis ang naging kilos ko at agad na kumuha ng tubig sa kusina. Inalalayan nila si Aling Lota paupo sa sofa at saka ko naman iniabot ang tubig na agad niyang inubos. Panay pa rin ang hikbi niya at ang mga luha niya'y patuloy sa pagbagsak. "Ano po ba ang nangyari?" Kahit kinakabahan na ay pinilit ko pa ring kumalma. Kailangan ko na yatang bawasan ang pagkakape ko dahil nagiging nerbyoso na ako at hindi iyon maganda para sa trabaho ko. Pasimple akong umatras nang magtangkang humawak sa braso ko si Aling Karmen. Hindi ako makapaniwala na nagagawa pa niyang maging ganiyan sa kabila ng kaguluhan sa paligid niya. "Nandiyan si Sarah? Hindi pa rin namin mahanap si Tiara!" Naiiyak na sigaw ni Aling Sita na kadarating lang. Hingal na hingal siya at mukhang kung saan-saan na tumakbo. Ang mga salitang lumabas sa bibig niya ay hindi ko mairehistro sa isipan ko. "Po?" Gulat kong sinulyapan si Sarah na nanlalaki ang mga mata at laglag ang pangang nakatitig sa kaniyang Lola na lalong humagulgol. "Nawawala si Tiara, Joseph. Hindi mo ba siya nakita?" Para akong nabingi. Ang hagulgol ng maglolang si Aling Lota at Sarah lang ang narinig ko. Napakagulo ng paligid at hindi ko magawang sumabay. "Kanina pa namin siya hinahanap. Sana lang ay hindi nangyari sa kaniya ang naiisip naming nangyari..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD