Chapter 4

1678 Words
Paano ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? Hindi naman masama ang pakikitungo ng matandang babae sa akin ngunit may pagkamasungit nga lang siya. Inilagay ko ang maleta ko sa gilid, tabi lamang ng pintuan ngunit kinuha niya iyon at ipinasok sa isang kwarto na siyang pinagtaka ko. "Doon ka na muna magnatili hanggang mamayang gabi. Halata namang wala ka pang matitirhan at hindi naman kita pwedeng pabayaan sa labas dahil ikamamatay mo iyon. Konsensya ko pa." Kumunot ang noo ko sa narinig. Bakit ko ikamamatay ang pag-stay sa labas, gayong ayon sa binasa kong article, bata lang ang palaging biktima ng pumapatay? Hindi na ako bata at kayang-kaya kong ipagtanggol ang sarili ko kaya naman alam kong malabong ako ang biktimahin ng kung sino man 'yung pumapatay. Kung ako siya, hinding-hindi ko susubukang biktimahin ang mga matatandang gaya ko. Doon ako sa bata na hindi kayang ipagtanggol ang sarili nila dahil mas madali iyon. Iyon ay kung nasa tamang pag-iisip pa dahil tingin ko, halata naman, na wala sa tamang pag-iisip ang salarin. "Salamat po, Aling..." Taas kilay na usal ko. Alangan ko ring inilahad ang kamay para mas pormal na magpakilala. Tingin pa lang niya ay nanginginig na ako at parang naiihi sa kaba. Pakiramdam ko, kahit na wala naman siyang ginagawa ay nag iisip na siya kung paano ako papatayin. Wait- nanlaki ang mga mata ko at mabilis na bahagyang napaatras. Bakit hindi ko naisip agad iyon? Posibleng siya ang pumapatay! Napakatanga ko para magtiwala agad sa kaniya gayong kadarating ko lang! Pumasok pa talaga ako sa loob ng bahay niya, huh? "Lota. Lota Mendoza ang pangalan ko. Ikaw ba, anong pangalan mo at bakit ka nandito sa lugar namin? Hindi mo ba nabalitaan na delikado rito?" "Ah, nagpakilala na po ako kanina pero sige, papakilala po ulit ako. Ako po si Mark Joseph, isang imbestigador po galing sa Dinalupihan po. Gusto ko po sanang imbestigahan ang kababalaghang nangyayari rito sa Assunta kaya nagpunta po ako rito." Pagkatapos ng ilang sandaling pagpapakilala, nagpaalam si Aling Lota na magluluto ng agahan. Hindi ko alam kung mag o-offer ba ako na tulungan siya bilang kapalit ng pagtulong niya sa akin o hindi dahil baka isipin niyang makapal masyado ang mukha ko at feeling close. Pinanood ko siyang maglakad papasok sa marahil kusina nila. Imbes na aksayahin pa ang oras sa pag-iisip kung mag o-offer ba ako na tumulong magluto o hindi, nilapitan ko na lang ang dalawang bata na kanina pa tahimik na nakaupo sa sofang gawa sa kawayan at nakikinig lang. Lumuhod ako sa harapan nila at marahang ngumiti. Ayoko namang matakot sila sa akin, 'no. May nangyayari na ngang hindi maganda rito sa lugar nila, tapos bibigyan ko pa sila ng aura'ng nakakatakot. No way. Mabait naman ako maliban sa mga kriminal. "Hi, anong pangalan ninyo?" Nakangiti at masigla kong tanong. Hindi ako mahilig sa bata. I actually hate them lalo na kapag malikot at makulot masyado dahil mas gusto ko 'yung mga tahimik lang but I guess, hindi pwede ang attitude kong iyon sa lugar na ito. Kailangan kong matutong makisama lalo na sa mga bata para mas mabilis ang trabaho ko. Mas malapit sa bata, mas madaling makalapit sa kriminal. "Sarah ang pangalan ko. Siya si Tiara." Anang isang babaeng naka-braid ang buhok. Nakasuot siya ng kulay pink na bistida habang ang isa naman ay nakadilaw at nakalugay ang mahaba't itim nitog buhok. "Ako si Mar-" "Alam namin. Hindi naman kami bingi kaya narinig namin kanina ang pangalan mo." Napakurap-kurap ako sa narinig. "Kung dito ka mananatili hanggang mamayang gabi, kailangan mong magbayad dahil sakto lang para sa aming tatlo ni Lola at Tiara ang pagkaing niluluto tapos ngayon, kailangang dagdagan ni Lola para sa iyo." Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kung mahihiya ba ako dahil sa sinabi ng bata o maiinis dahil pa rin sa sinabi niya-hindi, mali. Dahil pala sa tono ng pananalita niya. Masyadong amsungit at matabil ang dila, manang-mana yata sa kaniyang Lola. "Oo," tumango ako. "magbabayad ako. Nakakahiya na pinayagan ako ng Lola mo na manatili rito kaya tama lang na magbayad ako bilang pasasalamat." "At kailan pa naging paraan ng pasasalamat ang pagbabayad ng pera?" Napatayo ako at mabilis na hinarap si Aling Lota na hindi ko man lang napansin. "Kung sa iba ay tinatanggap nila ang pera bilang pasasalamat, ibahin mo rito sa amin. Sapat na sa amin kung magpapakita ka ng kabutihan kapalit ng kabutihan namin." "Pero Lola paano-" Nilingon ko si Sarah na bigla na lamang tumigil sa pagsasalita. Masamaanhg tingin niya sa akin, hindi gaya ng kapatid niyang walang emosyong ipinapakita. Tahimik lang siyang nakatayo sa tabi ng kapatid niya at nagmamasid. To be honest, medyo nakaatakot siya. Ang mahaba niyang buhok na nakalugay ay nagpapaalala sa akin ng itsura ni sadako kaya hindi ko maiwasan ang hindi makaramdam ng bahagyang takot. Idagdag pa na may kaputian din ang bata. "Kumain na tayo. Mark, huwag mong pansinin ang sinasabi ng apo ko. Pagpasensyahan mo na't ganiyan talaga iyan, mana sa ina na mukhang pera kaya sumama sa lalaking mayaman at kinalimutan ang sariling ina't mga anak." Ilang akong tumango at sinabing ayos lang iyon. Ayos lang naman talaga sana kung hindi lang siya nagsimulang magkuwento patungkol sa buhay nila lalo na ng anak niyang iniwan sila. "Kung alam mo lang kung gaano kahirap ang buhay rito tapos may dalawang bata pa akong inaalagaan. Nakakapagod pero wala akong magawa dahil kinabukasan ng mga apo ko ang nakasalalay sa bawat desisyong gagawin ko. Hindi ko nga maintindihan ang ina nila, pinalaki ko naman ng maayos pero nagawa pa rin kaming iwan..." Matapos kumain ay nagpresinta akong ako na ang maghuhugas ng mga pinagkainan dahil nakakahiya na masyado kung iaasa ko pa ang simpleng gawain sa kanila pero pinagalitan pa ako ni Aling Lota dahil hindi raw tama na pinatutulong sa gawaing bahay ang bisita. I don't get it. Sa amin, kung magpepresinta ang bisita ko na maghugas ng pinagkainan ay hindi na ako mag aalinlangan pa at papayag agad. Ipapahugas ko pa ang mga kaldero at kawaling puro uling. Kung pwede nga lang na ipalinis ang buong bahay ay gagawin ko. Inubos ko ang natitirang oras ko sa oagpapahinga at pag idlip. Nagising na lang ako dahil sa malakas na iyak ng kung sino sa kung saan. Hindi ko namalayang sa sofa pala ako nakatulog at hindi roon sa kwartong ipinahiram sa akin kaya ang sakit tuloy ng katawan ko. Matigas ang upuan dhail gawa sa kawayan kaya bakas na bakas din sa balat ko ang mga ito. Halatang masarap ang tulog. Kahit antok at napapapikit pa ay pinilit kong hanapin kung saan nanggagaling 'yung umiiyak na bata. Base sa tunog at lakas, mukhang nanggagaling doon sa kusina kaya roon ako nagpunta ngunit tanging ang tahimik na kusina lang ang dinatnan ko. "Nasa basement na naman siguro ang dalawa at doon napiming mag-away." Napatalon ako nang may kamay na biglang humawak sa balikat ko. "Doon ang daan papunta roon. Huwag mo na silang pansinsin at mamaya, pupunta tayo sa kaibigan ko para tignan kung may lugar ba siyang pwedeng ipagamit sa iyo. Hindi ka pwede rito sa amin dahil wala kang matutulugang kwarto ngunit wag kang mag-alala, tutulungan kitang humanap ng matutuluyan." At iyon nga ang nangyari. Pagkalubog pa lang ng araw ay inaya na agad ako ni Aling Lota na magpunta roon sa sinasabi niyang kaibigan niya. Kasabay naming lumabas ng bahay ang dalawang bata na agad din namang himiwalay sa amin at naglaro. "Bakit tuwing gabi kayo lumalabas? Hindi ba't mas dekikado tuwing gabi dahil madilim?" Hindi ko pa man natatapos ang sinasabi ay umiiling-iling na si Aling Lota. "Kung sa Bayan ninyo, oo, delikado tuwing gabi pero ibahin mo rito. Mas deliakdo ang umaga rito dahil tuwing umaga lumalabas ang mamamatay tao." "Paano po ninyo nasabi?" Dahil kahit anong isipin ko, hindi ko maintindihan kung bakit mas pinipiling pumatay ng kung sino sa umaga. Takot marahil sa dilim? Hindi ko alam. Posible. "Dahil noon ay lumalabas kami tuwing umaga ngunit habang tumatagal, mas dumarami ang namamatay. May pagkakataon pa na kahit matanda ay nabiktima kaya naman sinubukan naming baligtarin ang buhay namin rito. Ang umaga sa inyo ay gabi sa amin habang ang gabi ay umaga naman." Interesting. Ilang oras pa lamang ako rito at iyon pa lang ang mga impormasyong nakuha ko patungkol sa lugar ay nag e-enjoy na ako. Mas lumalakas ang kagustuhan kong mas kilalalin pa ang lugar. Itinatak ko sa isipan ko ang mga impormasyong nalaman ko. Kakailanganin ko ang mga iyon para magawa ang goal ko-ang alamain at hulihin ang pumapatay at ang baguhin ang takbo ng firm ni Chexter. I will prove them wrong. I'm not a naive. "Sita?" Himinto kami sa paglalakad sa tapat ng isang gate na bakal. Makalawang iyon ngunit ayos pa naman. Tingin ko ay gaganda pa iyon kung mapipinturahan. Sa kaliwang bahagi ng lote ay maraming tanim gulay at sa di kalayuan ay makikita ang mga kulungan ng manok. Amoy na amoy rin ang baho ng dumi ng mga ito. "Sita!" sigaw ulit ni Aling Lota nang walang sumagot sa unang tawag niya. Galing sa isang maliit na bahay, lumabas ang isang maliit ding babae na may.maikling buhok. Tingin ko ay kasing-edaran lang ito ni Aling Lota ngunit hindi kasing-laki. Obvious naman. "Bakit? Sino 'yang kasama mo, ang gwapo naman?" Natatawang usal niya habang papalapit. Bumaba ang tingin niya mula sa ulo hanggang paa ko at pabalik ulit sa ulo. "Gwapo nga. Sino ba iyan, Lota?" Bago pa man tuluyang makapagsalita si Aling Lota ay inunahan ko na. Iniabot ko ang kamay ko para makipagkamayan, "Mark Joseph po, taga Dinalupihan at isnag imbestigador. Balak ko pong alamin kung sino ang pumapatay rito sa lugar ninyo..." Nanlaki ang mga mata niya at ikinagulat ko ang biglaan niyang pagiyak. What the? Humagulgol siya kasabay ng biglaang pagkakaluhod. Agad akong yumuko para sana alalayan siya ngunit para akong iniwan ng kaluluwa ko nang marinig ang mga katagang binitiwan ni Aling Lota. "Isa ang tatlong taong gulang niyang anak sa mga pinatay ng kriminal..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD