Chapter 5

2671 Words
"Po?" Nanlaki ang mga mata ko at laglag pangang tinignan si Aling Sita. "Uh, sorry..." Ikinagulat ko ang biglaang paghalakhak niya na halos lahat ng tao sa daan ay napatingin na sa amin. Humawak pa siya sa kaniyang tiyan na parang sobrang nakakatawa ang nangyari. "Ano ka ba? Bakit ka nag so-sorry gayong hindi naman ikaw ang pumatay sa anak ko?" Napakurapkurap ako. Hindi pa rin siya matigil sa pagtawa. Masaya ba siya na pinatay ang anak niya at hanggang ngayon ay wala pa ring justice? I mean, sa buong buhay ko, wala pa akong nakita o nakasalamuhang tao na tumawa right after nilang i-reveal na namatayan sila ng anak o kapamilya. "May bakanteng appartment ka ba? Kailangan niya ng matitirhan dahil mukhang magtatagal siya rito..." Sinulyapan ni Aling Lota ang mga gamit ko na ipinadala na niya kanina. "Hindi siya pwede sa amin dahil alam mo naman, nasa akin ang mga apo ko at isa pa, madadaldal ang mga iyon kaya lalong hindi siya pwede." "Bakit? May sikreto bang dapat itago? Sa basement mo ba? Hindi ba't balak mong ipaupa iyon?" Hindi pa man natatapos ni Aling Sita ang sinasabi niya ay halos mabali na ang leeg ni Aling Lota kakailing. Nakaramdam ako ng hiya dahil mukhang ayaw na ayaw niyang may tumirang ibang tao sa bahay nila. "Hindi na't ginawa kong hideout ng mga bata kung sakaling alam mo na. Hiniling din niya na huwag ipagsabi na iimbestigahan niya ang patayang nagaganap dito dahil baka raw makaabala iyon sa trabaho niya." Tumango ako nang sabay silang sumulyap sa akin bilang pagkumpirma na iyon nga ang gusto kong mangyari. Hindi pwedeng marami ang makaalam na mag iimbestiga ako dahil posibleng baguhin ng kriminal ang taktika niya o 'di kaya ay ako ang target-in niya. Mahirap na at kailangan ko pang patunayan kina Chexter na hindi ako naive at kailangan kong magantihan ang nakakagigil na Jinky'ng iyon. Habang nag-uusap sila ay hindi ko maiwasang hindi tignan ang paligid. Hindi sementado ang daanan at ang kulay ng lupa ay nasa gitna ng pula at brown, sinasalamin ang lupang madalas nakikita sa mga bundok. Sana lang ay aware si Chexter na ganito ang lugar at sana hindi niya ipabayad ang kung ano mang magiging damge ng sasakyan niya tutal ay siya rin naman ang nagpresinta na gamitin ko iyon. Ang bawat dulo ng bubungan ng mga bahay ay may mga nakasabit na mga lantern na siyang nagbibigay ng ilaw maliban sa iilang poste at sa malaking buwan. Maliliit ang mga bahay at halos pare-pareho lang ng estilo, simentado sa parteng ibaba at kubo naman sa itaas. Bilang lang sa kamay ang mga purong sementadong bahay. Marami rin ang puno sa paligid na kung madilim ay aakalain mong gubat. Bawat bahay ay may mga masisiglang tanim sa harapan na kung hindi mga gulay ay puro mga bulaklaking halaman naman. May isang bahay pa akong nakita na may mga sunflowers na nakahilera sa harapan, sinusundan ang hugis ng kanilang bakod. "Pero hindi na iyon umuwi, ah? Ang sabi ni Ley, nag asawa na raw at sa Maynila na nakatira. Ang balita ko rin ay buntis na raw iyon bago pa umalis dito." Napalingon ako kay Aling Lota na halos bumulong na lang habang pilit na lumalapit pa sa pwesto ni Aling Sita. Nakabukas na rin ang gate na kanina'y hindi at halos makapasok na roon si Aling Lota. "Hindi kaya dahil sa takot na baka pagkapanganak ng bata ay sila ang biktimahin kaya umalis sila?" Uh, iba na pala ang pinag-uusapan nila, hindi ko man lang namalayan. Imbes na ipagpatuloy ang pag oobserba sa paligid, mas pinili ko na lang na makinig sa kung anong tsismis ang pinag-uusapan nila dahil tingin ko, marami akong makukuhang impormasyon doon. "Baka nga pero hindi ba, bata pa iyon? Pinagmamalaki pa nga ng nanay niya nang makapagtapos na siya ng norsing tapos ngayon, may asawa na. Ni hindi man lang muna nagtrabaho para makapag-ipon." "Talaga? Hindi ko yata nabalitaan iyan o nakalimutan ko na dahil sa dami ng nangyayari rito sa atin? Osiya, hayaan na't buhay naman nila iyan. Kumain na ba kayo ng hapunan? Dito na kang kayo kumain at magluluto ako ng adobo." Parang biglang nagpintig ang tenga ko sa narinig. Para akong nakaramdam ng mga paru-paro sa tiyan ko at bigla akong kinilig nang marinig na adobo ang ipapakain nila. "Paborito ko!" Masayang sigaw ko na agad kong pinagsisihan. Mabilis akong napatakip sa bibig ko at nagdasal sa lahat ng santo na sana bumukas ang lupa at lamunin na ako, ngayon din. O 'di kaya ay na sana, panaginip na lang ito. Ramdam ko ang pagpula ng pisngi ko sa kahihiyan. "Uh, joke lang po?" Bulong ko kasabay ng pag peace sign. Ang malakas nilang tawa ay hindi nakatulong para makalma ko ang sarili ko bagkus ay nakalala pa. So much for my first day, eh? Sana pala nanahimik na lang ako o 'di kaya ay inabala ang sarili sa pagtingin sa paligid. Kung hindi sana ako nakinig sa pinag-uusapan nila, hindi ako mapapahiya ng ganito. "Ano ka ba? Ayos lang iyon at oo nga pala, walang nakatira sa dating bahay namin kaso, kubo lang iyon. Ayos lang ba sa iyo?" Uh, may magagawa ba ako? I badly need a house right now kaya tingin ko, wala akong karapatang mag demand ng mas magandang bahay. Dagdag pa na ang itsura ng lugar ay halatang simpleng buhay lang ang mayroon sila. Kung hindi nga lang ako aware sa nangyayaring kababalaghan dito sa lugar na ito, aakalain kong sobrang payapa at masaya ang buhay rito. 'Yung pipitas ka lang ng gulay sa bakuran mo, may ulam ka na. Ang electric and water bill ay sigurado rin akong hindi ganoon kataas. And the fact na halos lahat sila ay magkakakilala at magkakasundo, isang sign na iyon na masaya nga ang buhay rito. Totoo nga na kakambal ng saya ang lungkot. Hindi pwedeng puro saya lang at hindi pwedenh puro lungkot lang. Life is balance, kahit na pakiramdam natin ay hindi. "Medyo malayo ito sa amin pero ang mga kapitbahay mo ay mababait. Kakilala ko ang lahat dito at wala akong masabi kundi lahat sila ay mabubuti, medyo mahilig nga lang sa tsismis..." Tumango-tango ako. Parang sila lang ni Aling Lota. "Ayos ka lang ba rito? May ilaw at tubig naman. Ipapadala ko rin 'yung upuang hindi ginagamit sa bahay para magamit mo rito." Pinakinggan at tinandaan ko ang lahat ng bilin niya. Itinuro niya sa akin kung paanong isara ang mga bintana at pintuan para masiguro ang kaligtasan ko tuwing umaga...na siyang ipinagtataka ko pa rin hanggang ngayon. Talagang sa gabi lamang sila lumalabas at umaga naman nagkukulong. I guess need ko talagang mag adjust ng matindi para hindi ako mahirapan. Bawat salita ni Aling Sita ay tumatatak sa isipan ko. Ayokong may makaligtaan ako dahil aaminin ko, may takot din akong nararamdaman. Hindi ako pamilyar sa lugar at the fact na kailangan kong baligtarin ang oras, malaking hakbang na iyon para sa akin. Literal na bagong buhay. "Ngayong gabi ay maaari kang mamasyal kung gusto mo. Pwede ka ring magpunta sa bahay ano mang oras, huwag kang mahihiya." Tumango ako at nagpasalamat. "May palengke po ba rito? Mamimili po ako ng mga gamit sa bahay gaya ng mga gamit sa kusina bukas ng umaga." Wala sa sariling usal ko habang pinagmamasdan ang maliit na kubong tutuluyan ko mula ngayon. Malawak ang harapan niyon at may maliit na bakod na siyang ginagapangan ng tingin ko ay talbos. Matas rin ang bahay at may isang kwarto. Pagpasok mula sa pintuan ay matatanaw ang maliit na sala at ang lababo. Sa kaliwang bahagi makikita ang dalawang pintuan kung nasaan ang kwarto at ang banyo. Ang mga bintana ay gaya nang sa sinaunang panahon kung saan kailangan pang maglagay ng kahoy bilang suporta para hindi sumara ang bintana at tuwing ila-lock naman, may maliit na hook sa magkabilang sulok, gaya ng sa pintuan. Ang pinagkaiba lang, may door knob ang pintuan ngunit gawa rin sa sawali. "Bukas ng umaga? Hindi ka ba nakikinig sa sinasabi ko, iho?" Nilingon ko si Aling Sita na mukhang na-offend sa sinabi ko. Kumunot ang noo ko nang ma-realize ang nangyayari. "Ah, pasensya na po at nasanay lang na umaga lumalabas at hindi gabi. Ngayon na lang po pala ako mamimili. Nasaan po ba ang palengke rito?" "Halika't ituturo ko." Sumunod ako sa kaniya palabas. Hindi pa man kami nakakalabas ng gate ay rinig na rinig na ang sigawan ng mga tao na tila may malaking party na nagaganap. Masaya ang lahat na nagbibiruan at nagkukwentuhan na parang walang dinadanas na paghihirap. Totoo nga na ang buhay nila rito ay tuwing gabi. "Walang palengke rito pero may tindahan na maraming itinitinda. Iyon ang itinuturing naming palengke dahil mahirap lumabas ng bayan lalo na't tuwing gabi lamang kaming malayang nakakalabas." Nauuna sa paglalakad si Aling Sita at madalas ang paghinto dahil sa dami ng tumatawag at bumabati sa kaniya. Laking pasasalamat ko na lang na hindi siya nadadala sa tsismi dahil kung hindi, baka abutan na kami ng umaga ay hindi pa namin mararating ang tindahang sinasabi niya. Bawat tao na nadadaanan namin ay napapatingin sa akin matapos batiin ang kasama ko. Agad naman niya akong ipakikilala ngunit hindi sinasabi ang pakay ko rito, na siyang ikinatuwa ko. Ang akala ko ay mahihirapan siyang itago ang totoong dahilan ng pagpunta ko dahil nga sa angkin kadaldalan nila ngunit mukhang marunong naman silang sumunod sa usapan. Sana lang, lalo na si Aling Lota. "Ito ang tindahan ni Karmen." Tinignan ko ang isang garahe na ginawang tindahan. Open iyon gaya ng sa mga normal na grocery stores taliwas sa inisip ko. Ang inasahan ko ay may something weird na itsura ang tindahan gaya ng sa mga horror movies, 'yung medyo creepy vibes at tahimik pero ito, malakas ang music. Kunot noo kong tinitigan 'yung babaeng maputi at nakasando at shorts lang na sumasayaw-sayaw kasabay ng masigla niyang tugtog. "Iyon si Karmen. Babalaan kita na matandang dalaga iyan at medyo malandi kaya mag-ingat ka. Rito sa lugar namin, dalawang tao lang ang dapat mong katakutan..." "Po?" "Dalawang tao lang ang dapat mong katakutan dito sa Assunta, Mark Joseph..." Pag-uulit niya sa sinasabi niya. "Joseph na lang po." Tumango siya pero mukhang hindi naman talaga niya pinansin ang sinabi ko dahil hindi niya inalis ang tingin sa babaeng sumasayaw na sinasabi niyang si Aling Karmen. "Ang mamamatay bata at si Karmen. Mag-ingat ka kay Karmen dahil malantong iyan at baka mabihag ka pa. Bata ka pa naman at may itsura kaya sigurado akong magugustuhan ka niya..." True enough, pagkapasok pa lang namin sa tindahan ay hindi na naalis ang tingin ni Aling Karmen sa akin. Laking tuwa ko na hindi ako iniwan ni Aling Sita at pilit pa niyang kinakausap si Aling Karmen para lang maagaw ang atensyon niya at makapamili ako ng maayos. Kahit saan ako magpunta sa ay nakasunod ang dalawa. Ilang akong pumipili ng mga kaldero't sandok dahil sa mga titig ng babae sa akin. Naiintindihan ko naman ang sinabi ni Aling Sita kanina na may pagkamalandi itong si Aling Karmen pero hindi ko inasahan na ganito kalala. Halos hatakin ko na ang braso ko para lang maiiwas sa mga hawak niya at hiyang-hiya ako sa sinasabi niyang magaganda at ma-muscle ang mga iyon gayong alam ko namang hindi iyon totoo dahil payat ako. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ako natipuhan ng matandang ito. Oo, gwapo ako pero hindi maganda ang katawan ko. Hindi rin ako matangkad at may suot pang makapal na salamin. Siguro ay sadyang hindi talaga nakakakita ng gwapong lalaki si Aling Karmen kaya sabik siya nang makita ako. "May asawa ka na ba? Saan ka ba talaga galing?" Malambing niyang tanong sabay haplos ulit sa braso ko. Imbes tuloy na pumili pa ako ng mga gamit sa bahay ay mas pinili ko na lang na tumigil na at magbayad para makaalis na ako rito. Awang-awa na rin ako kay Aling Sita na pilit kinukuha anh atensiyon ng matanda para lang makapamili ako ng maayos. "Oh? Magbabayad ka na? Bibigyan kita ng malaking discount!" Tumawa pa ito at inagaw sa kamay ko ang basket na pinaglagyan ko ng mga pinamili. Agad na lumapit sa akin si Aling Sita na mukhang naawa sa dinanas ko. "Pagpasensyahan mo na 'yang si Karmen at matandang dalaga kasi kaya sabik sa lalaki. Kung babalik ka rito ay siguraduhin mong may kasama ka o 'di kaya ay magbayad ka na lang ng ibang tao na mamimili para sa iyo kaysa sa guluhin ka pa ni Karmen..." Tumango ako. I was about to answer nang biglang bumalik si Aling Karmen bitbit ang dalawang malaking plastic kung nasaan ang mga pinamili ko. "Nasa one thousand five hundred ang pinamili mo pero dahil gwapo ka, fkve hundred na lang basta ba bumalik ka ulit dito bukas? Pwede ring dito ka na tumira at malaki ang bahay ko, pwede kang pumili ng sariling kwarto." Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Gusto kong masuka nang makita ang malalagkot niyang tingin sa akin at sa tuwing magtatama ang tingin namin ay kumikindat pa siya. Tang*na. "Ah, hindi na po." Iniabot ko sa kaniya ang dalawang libo. "Sa'yo na po ang sukli. Aling Sita, tayo na po." Kung hindi lang puno ang dalawang kamay ko ay baka hinatak ko pa si Aling Sita palayo roon. Rinig ko ang sigaw ay tawag ni Aling Karmen pero ginaw ako ang lahat para hindi na siya lingunin pa. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang bumalik doon para mamili kung may kakailanganin pa ako. Baka maghanap na lang ako ng ibang bilihan o kung wala talagang choice, magda-drive na lang ako papuntang bayan. Hindi baleng malayo at mahirap ang daan basta maiwasan ko lang si Aling Karmen. Pakiramdam ko ay masyado akong na trauma sa nangyari kagabi na inabot pa ako ng umaga bago nakatulog. Kung hindi ko lang naalala na bawal lumabas tuwing umaga ay baka nag jogging pa ako ngunit dahil baligtad ang buhay rito at inaantok na talaga ako, natulog na lang ako kaso hindi pa man yata nag iisang oras simula nang pumikit ako ay muli na naman akong naistorbo dahil sa ingay. Ang sakit tuloy ng ulo ko nang magising dahil sa mga sigawan sa labas na parang may nagkakagulo. Kahit inaantok pa ay pinilit kong tumayo. Gutom na rin ako kaya naman dumiretso ako sa kusina para magtimpla ng kape, hindi alintana ang sigawan sa labas. Baka nagkakasiyahan lang. Himihikab pa ako habang nakapikit na hinahalo ang kape nang biglang kumalabog ang pintuan ko. "Joseph! Joseph!" Sigaw ng kung sino. Para akong iniwan ng kaluluw ako sa gulat. Dali-dali akog lumapit sa pintuan at nahirapan pang buksan iyon dahil sa taranta. "Po?" Sigaw ko para malaman ng kung sino na narinig ko na siya. "Dalian mo't may pinatay na naman na bata!" Nanlaki ang mga mata ko. Pagkabukas ng pintuan ay halos hatakin na ako ni Aling Sita na siya palang kunakatok. "Doon malapit sa plaza!" Lakad takbo ang ginawa nami papunta sa sinasabi niyang plaza. Nilagpasan pa namin ang tindahan ni Aling Karmen na mukhang bubuksan na sana pero nabulabog dahil sa nangyari. Nakita ko pa siya na nakikisabay rin sa mga taong papunta sa plaza. Isang maliit na basketball court lang ang nandoon at sa gitna ay nagkukumpulan ang mga tao. Mayroon silang pinalilibutan na kung ano. Hinawakan ni Aling Sita ang kamay ko at pilit na hinatak papunta sa gitna. "Tumabi kayo!" Sigaw niya kasabay ng bahagyang pagtulak sa mga tao. Nanlaki ang mga mata ko at nanlambot nang makita kung ano ang pinagkakaguluhan nila. Namutawi sa tainga ko ang iyak ng mga tao ngunit gustuhin ko man silang tignan, hindi ko maialis ang tingin sa batang babae. Tang*na, anong klaseng tao ang gagawa ng ganitong bagay sa isang inosenteng nilalang? 'Yung batang sinasabi ni Aling Sita ay nakabulagta sa lupa, duguan at nakasuot ng kulay puting t-shirt. Nakamulat ang mata ng bata at kapansin-pansin ang mapula niyang leeg.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD