Naghiwalay kami ng landas ni Lumen sa paghahanap kay Tan-tan. Ako ang nagpunta sa plaza para doon magsimulang maghanap. Habang si Lumen naman ay sa gubat. Nagpatulong na din kami sa mga tanod para mas bumilis kami sa paghahanap kay Tan-tan. Pinanatili kong matapang at matatag ang aking sarili kahit halos maiyak na ako habang tumatagal ang oras na wala pa si Tan-tan. Nang sumapit ang hapon ay tumigil na ako sa paghahanap dahil wala naman si Tan-tan sa plaza. Pabalik pa lang ako sa apartment nang madaan ko ang isang komusyon sa daan. Agad-agad akong lumapit sa pag-aakala na baka si Tan-tan 'yon. Nang nakalapit ako sa pinagkakaguluhan nila ay napagtanto kong hindi bangkay 'yon kundi dalawang lalaki na nagsusuntukan. Nanlaki ang mata ko nang makilala ko kung sino ang dalawang nagbabasa

