There's this one thing changed my perspective about Arturo. Napagtanto ko 'yon habang naglalakad pauwi at naalala ang paguusap namin ni Lumen sa bahay nila. "Bakit siya nakatira doon? Hindi ba siya natatakot na baka saktan siya ng killer?" tanong ko. Humalukipkip muli si Lumen at napatitig sa akin. Umiwas ako ng tingin. Kahit na nagiging kumportable na ako kay Lumen, sumisilip pa din minsan ang takot ko sa kanya. "Si Arturo...wala na siyang magulang." panimula niya Natigilan ako sa paghinga at napabalik ng tingin kay Lumen. Ang kaninang takot ay bigla na lang naglaho na parang bula. Napalitan iyon ng pagkagulat. "Huh?" Napakurap kurap ako at hindi na nakapagsalita. Nagpatuloy naman si Lumen. "Bata pa lang, iniwan na siya sa gubat ng magulang niya. Doon na siya lumaki at nagkar

