A realization hit me the next day. Nakauwi na ako sa apartment nang papasikat pa lang ang araw. Hindi pa gaanong maliwanag sa labas kaya hindi pa delikado. Totoo nga ang sinabi ni Lumen. Dumating nga si Jonathan sa umagang 'yon, kaya kampante akong iwanan na si Tan-tan sa kanya. Tuwang tuwa pa siya nang ibinalita kong nakakapagsalita na ulit ang bata. Nanlaki ang mata ni Jonathan sa gulat. "Talaga?" Tumango ako sa kanya. Ngumiti naman siya at ginulo ang buhok ni Tan-tan na nasa gilid niya. Nasa hamba na kami pintuan. Paalis na ako ngayon at pauwi na. "Salamat naman, kung gano'n." aniya. Tahimik lang ako. Binaba ko ang tingin ko kay Tan-tan. Nakayuko ang ulo nito at nilalaro ang mga daliri niya. Inangat ko muli ang tingin kay Jonathan na nagpatuloy sa pagsasalita. "Paniguradong m

