Nakatingin lang ako kisame sa hapong 'yon. Palaisipan pa din sa akin ang nangyari kay Tan-tan at ang hindi niya pagsasalita.
Marahan akong pumikit para ipahinga sandali ang isip ko.
Konti na lang talaga mababaliw na ako sa lugar na 'to. Oo, hindi nga ako mamamatay sa kamay ng child killer na 'yon pero heto't mababaliw naman sa kakaisip.
Hanggang ngayon hindi pa din nagsasalita si Tan-tan. Panay ang pag-iyak nito at paghihisterya tuwing nagdidilim o nakakulong sa isang four space area tulad ng kwarto nila. Ayaw din nitong naiiwan siya mag-isa sa bahay kaya pahirapan ang pagsasalit salit ni Lumen at Jonathan sa pagbabantay dahil sa kanilang trabaho.
Nang nakapagpahinga ay tumayo na ako at bumalik sa pagtutok sa bagong ebidensya na nakalap ko.
Kung tutuusin, malaking tulong ang magiging statement ni Tan-tan kung sakaling ihayag niya kung sino ang dumukot sa kanya. Malaki ang maiuusad ng kaso at mas magiging mabilis ang paghahanap namin sa killer para matapos na ang trahedya dito sa Assunta. Kahit sa description lang ng suspect, tiyak na ang malaking chance namin.
I can feel it, though. Truth is around the corner. Ayokong lang pangunahan ang pagkakataon dahil baka mabulilyaso na naman tulad ng mga nawalang ebidensya noon.
"Aalis ka na?" tanong ko kay Jinky nang nakita kong hindi man lang niya pinasok ang gamit niya sa loob.
Tumango siya. Pinasadahan niya ng tingin ang apartment ko at napangiwi. Kita ang pandidiri sa kanyang mukha. Hindi ko maiwasang matawa. Nilingon niya ako.
"Ang liit nito, at madumi...at shocks!...maalikabok." aniya habang bakas pa ang pangingilabot niya sa kanyang mukha.
Humalukipkip ako at tinaasan ng kilay.
"Kung ganon, ano pang ginagawa mo? Akala ko bang aalis ka na?" malamig kong sabi.
Iritado niya akong tinignan.
"Hindi naman ako pupunta dito kung hindi lang ako pinapunta ni Chexter. Hindi ko naman inaasahan na ganito pala ang madadatnan ko. Mabaho, madumi, at...oh my gash!" malakas na tili niya.
Napatakip naman ako ng tenga at napangiwi dahil sa matinis niyang boses. Nakakarindi, amputa. Nagpatalon talon pa siya dahil sa nahulog na ipis mula sa kisame at gumapang yata sa likod niya.
"Myghod, Joseph! Paano mo natatagalan ang lugar na 'to!" aniya at bakas pa ang takot, pandidiri at konting paranoid sa kanyang mukha mula sa ipis na nahulog.
Nagkibit balikat ako. Kita kong niyuyogyog niya pa ang katawan niya na akala mo'y naiwan pa ang ipisi sa katawan niya.
"This place really is horror! No wonder, dito tumira ang killer na 'yon."
Tahimik lang ako.
"Aren't you bothered of this place? Ampanget! Ang init pa! Hindi na ako magtataka kung wala ni isa sa mga kapitbahay mo ang may aircon!"
Umiling lang ako.
"I'm here to do my job at hindi para sa bakasyon. And as for you, kailangan mong mag-adapt sa ibang environment dahil parte 'yon ng trabaho mo. Naturingan ka pa namang public servant."
Umirap siya sa akin. Panay ang marahang pagpag niya sa sarili, na akala mo'y may dumi na nakadikit sa kanya. Arte...
"I'd rather work free on a centralized office than work here in..." nakangiwi niyang pinasadahan ulit ang apartment ko bago nagpatuloy sa pagsasalita. "...this disgusting house. Look at your sorroundings, Joseph. Can't you see? Mukhang bahay 'to ng daga. And oh my gosh, is it safe living here? Konting bagyo lang yata, mukhang liliparin na ang bubong mo!"
Matalim ko siyang tinignan. Kung hindi lang talaga babae 'to, kanina ko pa 'to siguro nasuntok sa mukha dahil sa kaartehan niya.
"Kung iinsultuhin mo lang ang apartment ko, umalis ka na." pagpapalayas ko.
"Talagang aalis ako!"
Hindi ako kumibo. Dahil kapag nagsalita ako, baka may masabi pa akong masama. Babae pa din siya at ayokong patulan siya hangga't maaari.
Huminga siya ng malalim.
"Chexter was right. This is really a suicide mission. Yes. Hindi nga ako mamamatay sa killer, pero sa lugar at baho, oo! Gosh, I'm leaving now. I wasted my time going here." paalam niya.
Tumalikod na siya sa akin at kumaripas na ng takbo paalis.
Umiling na lang ako at pumunta na sa kusina para kumain.
Nalaman ko sa araw na 'yon na muntik ng napaaway si Jinky sa plaza dahil may ininsulto daw siya na tagaroon. Buti na lang, may mga tanod naman na nagpakalma sa sitwasyon at hinayaan na si Jinky na makaalis.
Kapag pinatulan pa nila ang babaeng 'yon, siguradong uuwi 'yon sa Dinalupihan na baon ang bugbog ng mga tao dito sa Assunta. Buti na lang talaga hindi na nila pinatulan pa si Jinky.
"Ganon pala ang tipo mong babae, Seph?" tanong ni Aling Sita nang naglalakad ako papunta sa tindahan ni Aling Karmen.
Naguguluhan ko siyang nilingon. Wala akong ideya sa pinagsasabi niya.
"Sino pong tinutukoy niyo?"
Makahulugan siyang tumingin sa akin at pahampas pa akong tinawanan ng ginang. Mas lalo akong naguluhan.
"Sino po ba ang tinutukoy niyong tipo ko na babae?"
Sandali pa siyang tumawa.
"Yung maganda at balingkinita ang bewang? Bagay kayo no'n, hijo." aniya at mahinang humagikgik.
"Huh?"
Sino? Hindi ko pa din alam kung sino ang tinutukoy niya at mukhang nakita 'yon ni Aling Sita sa mukha ko dahil pinaliwanag na niya kung sino ang tinutukoy niya.
"Yung nakaaway ni Leni sa plaza. Yung babaeng nagpunta sa apartment? Maarte pala ang tipo mo?"
Doon ko napagtanto na si Jinky pala ang tinutukoy niya. Umiling ako kay Aling Sita.
"Hindi ko po girlfriend 'yon."
Nanlaki ang mata niya sa gulat at napatakip sa bibig.
"Talaga?"
Tumango ako. Napasapo naman siya sa noo niya.
"Naku, maling tsimis na naman pala ang nakalap ko!"
"Anong chismis po? Tungkol sa amin ni Jinky?"
"Naku, oo. Kalat na kalat pa naman sa lugar natin na girlfriend mo daw ang babaeng 'yon. Jinky pala ang pangalan no'n?" aniya
Napangiwi ako. Kahit kailan talaga, chismosa ang isang 'to.
Tulad nga ang sinabi ni Aling Sita, totoo na kalat na kalat nga sa lugar na 'to ang balita tungkol sa relasyon daw namin ni Jinky.
May tatlo pa kasing mga nakadaster na babae ang nagtanong sa akin katulad ni Aling Sita. Kahit si Aling Lota at ang ibang mga kalalakihan na nag iinuman sa tindahan ay nag-usisa din tungkol sa relasyon namin ni Jinky.
Ang malala pa, kahit si Aling Karmen na malambing at maharot ay sinungitan ako nang bumili ako ng pagkain sa tindahan niya.
"Hindi ko po siya girlfriend." paliwanag ko ulit tulad ng paliwanag ko sa lahat ng nakausap.
Buti na lang, kahit nasusuka ako minsan sa kaharutan ni Aling Karmen ay bumalik din ito sa dati nitong pakikitungo sa akin.
Pabalik pa lang ako sa apartment nang nakasalubong ko si Lumen sa daan. Nang nakita niya ako, lumapit siya agad sa akin. Mabagal ang lakad niya. Pansin kong ako yata talaga ang hanap niya dahil mukhang may kailangan siya sa akin.
"May gagawin ka ba mamaya?" tanong niya.
Sinulyapan ko siya. Nagkamot siya ng ulo, at bahagyang ngumiti. Umiling ako.
"Wala naman. Bakit?"
Kita ko ang pag-aalinlangan ni Lumen na magsalita. Bigla na lang kasing bubukas ang bibig niya tapos titigil din at sa huli ay tinitikom ang labi. Nagtaas ako ng dalawang kilay.
"Ano 'yon?"
Mahina siyang tumawa.
"Kasi..." aniya, hindi niya matuloy.
Nanatiling nakataas ang kilay ko at humalukipkip.
"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin."
Mukha kasi siyang nahihiya 'e. Nagkamot pa siya ng ulo at bahagya pang tumawa.
"Gusto ko sanang...uhm...kung hindi sana makakaabala sa trabaho mo, gusto ko sanang pabantayan sa'yo si Tan-tan mamaya"
Kumurap kurap ako.
"Yon ba ang gusto mong sabihin?" tanong ko.
Maliit siyang ngumiti at nagkakamot na ngayon ng batok.
"Kung okay lang sa'yo. Hindi ba nakakaabala?"
Umiling naman ako. Ngumiti si Lumen sa akin at tumango, tila nabunutan ng tinik.
"Salamat. Kahit isang araw lang. Kailangan ko na kasing magtrabaho at mag-ipon para sa pagpapatingin kay Tan-tan. Hindi kasi pweding si Jonathan ang magbantay dahil may trabaho din siya at pinapauwi siya sa bahay nila pero babalik din naman siya bukas ng umaga."
Ngumiti ako.
"Naiintindihan ko. Gusto ko din na naman na matutukan si Tan-tan dahil maaaring isa siya sa susi para matuklasan natin ang misteryoso sa lugar na 'to." hayag ko.
Bahagyang sumeryoso si Lumen. Napatayo naman ako ng maayos. Sandali kaming natahimik. Buti na lang, una siyang nagsalita.
"Hindi pa din nagsasalita si Tan-tan hanggang ngayon. Tanging pag-iyak lang at pagtatago sa kung saan ang ginagawa niya kapag madilim. Minsan, nagigising na lang ako na nagsisisigaw siya at parang may taong nanakit sa kanya."
Marahan kong tinapik ang balikat ni Lumen.
"Hindi naman natin siya pipiliting magsalita kung hindi pa siya handa. Hintayin natin siya ang unang lumapit sa atin. Magiging maayos din ang lahat."
Tumango siya.
"Gusto ko nga noong una na iwanan na lang muna sana siya sa apartment mo kapag may trabaho ako sa umaga para hindi na ako nag-aalala pa sa kanya. Pero tuwing binabanggit ko ang pagpunta namin sa apartment mo, naglulupasay siya habang umiiling at sinasabunutan pa niya ang sarili niya."
Nakaramdam ako ng awa para sa bata. Sa murang edad, nararansan na niya ang ganitong trauma. Hindi ko maisip kung gaano siya nahihirapan sa sitwasyon niya.
"Wag kang mag-alala. Ako na ang bahalang magbabantay sa kanya. Hindi mo na siya kailangan alaahanin pa."
Masaya siyang tumango.
"Salamat, Joseph." aniya bago kami nagpaalam sa isa't isa dahil maghahanda pa daw siya sa pag-alis niya sa trabaho mamaya.
Pagkauwi ko sa apartment, tinutukan ko lang ang ibang mga file evidence para mag-conclude ng iba't ibang sequence ng reasoning at scenarios.
Ang mahirap sa kaso na 'to ay hindi mo tukoy kung kailan sasalakay ang suspect at kung sino ang susunod niyang victim.
Naisip ko bigla ang mga inosenteng bata na namatay. Si Tiara...si Sarah...at ang iba pang musmos na bata.
Napapikit ako ng mariin habang naririnig at nakikita ko sa isip ko ang mga tawa at masasaya nilang ngiti.
Hindi ko maiwasang masaktan at magalit. Ano bang naging kasalanan nila para mangyari sa kanila ang ganitong karumaldumal na pagpatay? Deserve ba nila na mawala sa mundo sa ganitong paraan at hindi masilayan ang ganda ng buhay sa labas ng bayan?
Namatay silang lahat sa iisang paraan. Maliit na hiwa sa leeg habang ginamit ang kanilang dugo para sa pagpinta ng kanilang kamatayan.
Pumasok bigla sa isip ko ang sugatang itsura ni Tan-tan mula noong nahanap siya sa gubat. Minulat ko ang aking mata at mahigpit na kiniyom ang kamao.
"Tan, hindi ko hahayaan na matulad ka sa sinapit ng ibang bata. Pangako ko 'yan." bulong ko sa sarili ko.
Nang sumapit ang madaling araw, nagtungo na ako agad sa bahay ni Lumen. Nakita ko siyang naghihintay sa akin sa tapat ng pinto. Napatayo siya nang nakita niya ang pagdating ko.
"Joseph. Salamat at dumating ka. Kailangan ko ng magtrabaho. Ikaw na ang bahala sa kanya ha?" paghahabilin niya.
Tumango ako. Sinabit niya ang maduming bag sa isang balikat niya at ngumiti sa akin.
"Nasa kwarto siya. Hinihintay ka niya." pahabol niyang sabi at nagmamadali na ngang umalis.
Pumasok na ako sa loob at nadatnan kong nasa kwarto nga si Tan-tan. Tulala siya sa kama at minsan ay niyayakap pa ang tuhod.
"Tan..." tawag ko.
Bahagya siyang napatalon sa gulat at napaatras sa takot. Pero nang nakita niya ako ay agad siyang tumakbo patungo sa akin at niyakap ang hita ko.
Masaya akong tumawa. Inangat niya ang tingin sa akin. Marahan kong tinanggal ang pagkayakap niya sa hita ko at lumuhod sa kanya para magpantay ang tingin namin. Bakas sa mata niya ang takot at lungkot.
"Tan...pwedi ka bang yakapin ni kuya Joseph mo?" nakangiti kong sabi.
Nakatitig lang siya sa akin. Kalaunan, mabagl siyang tumango. Dahan dahan at nag-iingat akong lumapit sa kanya para yakapin siya.
Gusto kong iparamdam na nandito lang ako. Hindi ko siya pababayaan.
"Hindi kita iiwan, Tan. Pangako ko. Hindi mo na kailangangan matakot kapag kasama ako. Ipagtatanggol kita. Nandito lang ako...si kuya Joseph mo. Okay?"
Pinipilit kong maging matatag pero tuwing naaalala ko ang mga maaaring sinapit niya sa gubat, nahahabag ako at gustong iligtas siya. Hindi ko lang alam kung paano.
Maaga ding nakatulog si Tan-tan. Mahimbing siyang natutulog habang nakayakap sa akin. Sa pagod ko mula sa trabaho, hindi ko rin napansin na nakatulog na din pala ako.
Naalimpungatan ako dahil sa pag-uga ng kama. Madilim at mukhang hindi pa papasikat ang araw dahil sa mga kuliglig. Nilingon ko ang katabi ko at nakita ko kong nakatulala na naman siya at nakayakap sa maliit niyang binti.
Napa-upo ako sa kama.
"Tan." tawag ko.
Hindi niya ako nilingon. Tulala lang siya pero mukhang nadidinig ako. Sinubukan ko siyang hawakan pero bigla siyang nataranta, napaatras at handa na sa pagsigaw. Nang nakita niya ang mukha ko at nakilala, kumalma siya at napayuko. May butil ng luha sa mata.
Namutawi ang katahimikan sa pagitan namin. Tunog lang ng kuliglig at ang mabibigat niyang paghinga ang nadidinig ko sa paligid.
"Hindi ka ba makatulog?" marahan kong tanong matapos ang ilang sandali.
Mabagal siyang tumango. Nakatulala pa din siya at nakayakap sa binti.
"Uhm...natatakot...ka ba?" nag iingat kong tanong.
Ayaw kong ipressure siya masyado o biglain sa mga tanong ko. This is just only a kid and he's on trauma!
Mabagal niya akong nilingon at tinitigan sa mukha. Kalaunan, tumango siya.
Napaawang ang bibig ko at tila may nabasag sa loob ko.
"P-Pwedi ba kitang mayakap?" kumakawala ang panginginig ng boses ko dahil sa emosyon na nakabara sa aking lalamunan.
Biglang tumulo ang luha niya at tumango. Wala akong sinayang na oras, niyakap ko siya agad. Pinaramdam ko sa kanya ang kaligtasan at init na kailangan niya.
Mas lalo siyang napahagulgol. Hinaplos ko ang buhok niya. Sumiksik siya sa dibdib ko.
"Shh...nandito lang si kuya Joseph mo." pagtahan ko.
Inangat niya ang tingin sa mukha ko habang nakasiksik pa sa dibdib ko. Binaba ko naman ang tingin sa kanya at nginig na ngumiti. Ngumuso siya habang nagtutubig pa ang mata.
Inaasahan ko ang mapayapang katahimikan sa pagitan namin. Ngunit natigilan ako dahil sa...
"K-kuya Joseph..."
Mahina lang 'yon pero dinig na dinig ko! Nagsalita na ulit si Tan-Tan!