Chapter 16

2312 Words
"Ay, gusto ko iyan. Hanapin natin ang mamanatay bata at patayin!" That was the least thing I am expecting to hear. Panandaliang nanahinik ang paligid, tila pinoproseso ang kung anong sinabi ni Arturo. Maging ako ay gulat at hindi makapaniwalang nakatitig sa kaniya na malawak ang ngiti sa akin at tumatango-tango pa. "Bakit?" Tumaas ang kaniyang kilay at mukhang nanghahamon sa akin. "Ayaw mo?" Hindi ko sigurado kung talaga bang hindi niya napansin ang sinabi niya o sadyang wala lang talaga iyon sa kaniya. Luminga-linga pa siya sa paligid, ipinagtataka ang reaksyon ng mga kasama namin. "Ayaw niyo?"  Ang kaninang maingay na tawanan ay nawala at hindi agad naibalik kung hindi lang dahil sa pekeng pag-ubo at pagtawa ng asawa ni Aling Lota ay hindi pa nababasag ang nakakailang na atmospera. Hindi ko siya kilala. Tanging pangalan lang ang alam ko at dahil iyon sa madalas na pagbanggit ng mga kasama namin dito sa baryo. Ni hindi nga kami nakapagpakilala sa isa't-isa ng pormal so why would I trust him? Isa pa, sa dami ng kababalaghang nangyayari rito, hindi na dapat ako magpadalos-dalos pa gaya noon. Hindi na pwedeng maging sobrang bukas at kailangan ko ng matutong magtago ng sikreto. Kailangan ko ng mag-ingat. Ngunit kahit ganoon, may parte talaga sa akin na tanggap ang alok niyang tumulong. Umoo na nga ako kanina kaso, hindi iyon one hundred percent na taos sa puso ko. Nakatitig sa akin ang mga kasama namin, tila naghihintay ng isasagot ko. Awkward. Hindi ko pa rin magawang hanapin ang mga salita para masagot si Arturo. Hirap na nga sa paghahanap ng mga salita, hindi pa nakakatulong ang ginagamit nilang ilaw na napakaliwanag at siyang sumisilaw sa akin dahilan kung bakit ako napapapikit. Ikinagulat ko ang biglaang pagtayo ni Arturo bitbit ang napakalaking flashlight. Gumewang pa siya ng kaunti bago tuluyang nakuha ang kaniyang balanse. "Pumayag ka na kanina ngunit mukhang ang totoo ay ayaw mo naman talaga. Oh, sige, huwag na lang, madali naman akong kausap." Bakas ang panghihinayang sa kaniyang boses at ang mga mata niyang hindi ko alam kung mapupungay dahil sa alak o dahil talagang dismayado siya sa akin. "Baka naman hindi pwede kaya ganoon," usal ng napakakalmadong lalaki na kanina pa nakadukmo. Akala ko ay tulog na siya dahil kanina pa siyang nakaganoon ngunit mukhang nagpapahinga lang habang nakikinig sa usapan. "Kung ganoon, hindi ko na lang ipipilit. Sayang dahil pangarap ko pa man din na maging isang gaya niya..." Hindi ko alam kung anong gusto ni Arturo at bakit tila ipinipilit niyang tulungan ako. Alam kong hindi ako pwedeng pumayag ngunit pakiramdam ko ay kailangan talagang pumayag upang mas mapadali at mapabilis ang trabaho lalo na't mahigit isang buwan na ako rito't wala pa ring progress sa imbestigasyon ko. Nag-iwas ako ng tingin nang tumama ang aking mata sa kaniyang napaka-intense na titig. Hindi ko siya kayang tignan kahit na sandali lang dahil nalilihis ang pag-iisip ko. Kailangan kong balansehin ang isipan ko nang makagawa ng maayos na desisyon ngunit paano ko gagawin iyon kung sa tuwing magtatama ang tingin namin ay mas nananaig ang kagustuhan kong tanggapin siya. Para akong nahihipnotismo, nakakalimutan ang mga tamang gawain. Sa pag-iwas ng mga tingin ko ay nakuha naming magtinginan ng asawa ni Aling Sita na seryoso ang tingin sa akin. Nakakunot ang kaniyang noo at hindi ko magawang hulaan kung ano ang iniisip niya. Bakit ba napaka-weird ng mga tao sa baryong ito? Habang tumatagal ay lalo akong nakakaramdam ng takot sa kanila. Nabaling ulit ang atensyon ko nang malakas na bumuntong hininga si Arturo. "Uwi na ako..." paalam niya saka tuluyang nagpatuloy sa paglalakad. Bakas ang kalungkutan sa kaniyang mga mata nang bumaling siya sa akin. Tang*na. Nagbuga ako ng napakalalim na buntonghininga. Sana lang ay huwag kong pagsisihan ang mga bagay na ito. "Pag-iisipan ko kung anong maitutulong mo sa akin." Akala ko ay hindi niya tatanggapin iyon lalo na't umoo na ako kanina ngunit nang makita ang reaksiyon niya ay tila nabunutan ako ng tinik sa lalamunan. Nanlaki ang mga mata niya at halos tumakbo na palapit sa akin. Kumawala ang isang maliit na ngisi sa akin habang pinapanood siyang kulang na lang ay magtatatalon sa sobrang saya. Ikinagulat ko ang biglaan niyang pagtalon at pagyakap sa akin na tila isang batang pinayagang maglaro sa labas kahit hindi natulog ng tanghali. Muntikan pa kaming matumba kung hindi lang siya agad bumitaw at hinawakan ang braso ko upang mabalanse kami. Namutawi sa tainga ko ang mga tawanan ng mga kasamahan namin na pinangunahan ng isang matandang lalaki na kanina lang ay abalang kumakanta-kanta sa isang gilid kahit na mag-isa. Idinaan ko na lang din sa tawa ang naramdamang kahihiyan. Magaling si Arturo sa pag-aayos ng mga papel. Iyon ang napansin ko matapos ang ilang araw na pananatili niya rito sa bahay at pagsisimulang mag-ayos ng mga papeles na dala ko. Nagawa niyang mabuo ang pattern na nakita ko sa kasuotan ng mga batang biktima at nagawa niyang kilalanin ang mga iyon, maging ang mga taong malalapit at kaaway ng mga biktima. Lahat ng impormasyong alam niya ay walang alinlangang niyang isinasatinig sa akin. Maging ang mga pinamakaliit na detalye ay hindi niya pinalalagpas gaya na lang halimbawa ng pagkakaroon ng kabit ng ina ng isa sa mga biktima, ang pagiging sakitin ng isa pang bata, at iba pa. Pagkagising ko kinahapunan ay dinatnan ko siyang nakaupo sa sala, nagbabasa ng libro na marahil ay nakuha niya sa mga libro ko. "Nagluto na ako ng hapunan, kain na tayo." Malambing niyang usal kasabay ng pagsara sa binabasa at paglapit sa kinatatayuan ko. Bahagya akong umatras nang huminto siya sa may harapan ko mismo at tinitigan ang mukha ko ng ilang sandali. Kumunot ang noo ko nang bigla na lang siyang umalis at dumiretso sa kusina nang walang sinasabi matapos ang ginawa niya. Weird. Aaminin ko, magaling siya sa trabaho ngunit hindi ko kinakaya ang mga malalaswa niyang titig minsan at ang mga kakaibang mga bagay na ginagawa niya gaya na lang ng nangyari ngayon. Naiilang ako ngunit hindi ko siya mapaalis dahil ayon sa kwento niya, mag-isa lang din siya sa kanila gaya ko at kailangan ay palagi lang siyang malapit sa akin upang masiguro na hindi niya ikinakalat ang mga nakukuha naming ebidensiya. Kailangan kong masiguro na hindi palpak ang trabaho niya upang hindi mapahiya kung malaman man ni Chexter. Ako ang nag-ayos ng hapagkainan habang tinitignan niya ang kaniyang nilutong sinigang na baboy. Marahan akong naglakad palapit sa lamesa at doon naupo ng tahimik. Alam kong kailangan kong tumulong sa paghahanda ng pagkain ngunit hindi pa kaya ng huwisyo ko kaya hahayaan ko na muna siya. Tutulala na lang muna ako rito at susubukang gisingin ang inaantok ko pang diwa. Namutawi ang maasim na amoy ng ulam nang ilapag niya iyon sa harapan ko. Hindi ko napigilang hindi langhapin ang amoy niyon na siyang nagpagutom lalo sa akin. Parang kabayong sumipa sa natutulog kong diwa dahilan kung bakit biglang nawala ang antok ko. Matapos kumain, ako na ang nag presintang maghugas ng plato at inutusan na lang siyang mamalengke. Marunong naman akong mahiya kaya ako na ang maghuhugas dahil siya naman ang nagluto at naghanda ng pagkain kanina. Hindi naman ako tamad na tao. Pinagmasdan ko siyang kumilos upang sundin ang utos ko. Bitbit ang napakalaking flashlight niya at ang isang basket na hindi ko alam kung saan niya kinuha, tahimik siyang lumabas ng bahay. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para patayin ang mga ilaw na binuksan yata niya. Masyado kasing maliwanag, sumasakit ang mata ko. Hindi ko pa pala naitatanong sa kaniya kung bakit tila gustong-gusto niya sa maliwanag. Alam ko namang nakakatakot kapag madilim dahil maging ako ay ayaw ng sobrang dilim ngunit siya, sobrang liwanag naman ang nais. Aksayado na sa kuryente at baterya ng flashlight, masakit pa sa mata at sa ulo. Panay ang sulyap ko sa relo nang mapansing halos mag i-isang oras na ang nakalipas pagkaalis ni Arturo. Nagawa ko nang maglinis ng kusina at ng kwarto ngunit hindi pa rin siya dumarating. Sumilip ako sa bintana at nakitang may mga tambay na naman sa tindahan ngunit wala siya roon. Imbes na mag-isip ng kung anong negatibong bagay ay ipinagkibit balikat ko na lang iyon. Baka marami lang bumibili o 'di kaya ay naisipan niyang dagdagan ang mga bibilhin kaya nagtagal. Alam kong mali na pumayag akong tumulong si Arturo sa akin ngunit aaminin ko, mas gumaan ang trabaho ko nang dumating siya. Hindi ko lubos akalain na abaot ako sa puntong susundin ko ang gusto ko kahit na alam kong hindi iyon tama. Inis na inis pa ako kina Jinky at Chexter dahil sa maling gawain nila without knowing na darating din pala ako sa ounto ng buhay ko na makakagawa ako ng bagay na kagaya ng ginagawa nila. Sinusunod kahit alam na mali. Sa kabila noon, aminado akong malaki ang naitulong ni Arturo sa akin. Nabawasan ang takot na nararamdaman ko tuwing tinitignan ang litrato ng mga batang biktima. Kung malaman man ni Chexter ito, siguradong magagalit siya ngunit wala na talaga akong pakialam. Matagal na rin naman siyang galit sa akin kaya susulitin ko na. Isang malakas na sigawan ang namutawi ilang minuto pagkatapos kong maglinis ng kwarto at umupo sa sala para sana magbasa. Wala na akong inaksayang oras at agad na lumabas para tignan kung ano iyon. Nakita kong mabilis na tumatakbo si Aling Lota, sinusundan ang mga kapitbahau namin at ang kaniyang asawa papunta sa kung saan. "Ano pong nangyayari?" Tanong ko nang makasabay na ako sa kanilang pagtakbo. Maingay na umiiyak ang matanda habang pilit na binibilisan ang kaniyang kilos, iniignora ang tanong ko. Bumaling ako sa katabi ko at nagulat nang makitang si Aling Karmen pala iyon. "Anong nangyayari?" Sigaw ko sa kaniya. "Hindi ko alam. Nakikitakbo lang ako!" Sigaw niyang pabalik. Tsismosang tunay, kahit hindi alam kung ligtas ba ang ginagawa ay mag papatuloy pa rin sa ngalan ng tsismis. Umiling na lang ako at nag seryoso sa pagtakbo. Lumiko ako nang lumiko ang mga kasama sa plaza at dumiretso sila sa daanan patungong gubat. Marami na ang tao roon at nagkukumpulan sa kung ano habang maingay na nag uusap-usap. Ang madilim na paligid ay unti-unting lumiliwanag sa bawat pagdagsa ng mga taong may kaniya-kaniyang dalang mga ilaw. Akmang magtatanong sana akong muli sa mga kasama namin nang biglang sumulpot si Arturo na may bitbit na tatlong malalaking plastic sa kaliwang kamay at ang malaking flashlight sa kanan. "Anong mayroon?" Inosente niyang tanong habang pilit na tinitignan ang mga taong nagkukumpulan sa b****a ng gubat. Kapansin-pansin ang bahagyang pag-iwas ng mga tao sa liwanag na dala ng kaniyang flashlight kaya bilang pakikisama, yumuko ako at akmang papatayin sana iyon nang marahas niyang iiwas sa akin. Naiwan ang kamay ko sa ere. Tumikhim ako at agad na tumayo ng maayos, nagpapanggap na wala lang ang nangyari. Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko siya kayang tignan gayong halos mapahiya ako nang dahil sa ginawa niya. "Hindi ko rin al-" "Apo ko!" Matinis na sigaw ni Aling Lota nang tuluyan na siyang nakalapit sa kumpulan. Ang hagulgol niya ang bumugaw sa mga natutulog na ibon sa kagubatan. Sigaw siya ng sigaw na animo'y wala ng bukas. "Apo ko!" Kunot ang noo kong naglakad palapit. Apo niya? Nagpakita sa isipan ko ang masungit na mukha ni Sarah. Kasabay ng mabagal kong paglalakad ang mabilis na t***k ng puso ko. Imposibleng si Sarah iyon dahil nakita ko pa lang siya noong isang gabi na masayang naglalaro. Binati pa nga siya ni Arturo at saglit na nakipagbiruan. Bumisita rin siya sa bahay noong isang araw dala ang pritong bangus na ipinabibigay raw ng kaniyang Lola kaya imposibleng siya ang pinalilibutan ng mga tao ngayon? Ngunit kung hindi nga siya, bakit napakatindi ng iyak ni Aling Lota na animo'y huling pagkakataon na niya ito para umiyak? "Apo ko! Sino ang may gawa nito sa iyo?" Sigaw ng umiiyak pa ring si Aling Lota. Hinahagod ng kaniyang asawa ang likuran nito habang tahimik ding umiiyak. Nakatitig siya sa kung anong nasa lupa na siyang kanina pa nila pinapalibutan. Bakas din ang galit sa mga mata ng matandang lakaki. Ibinaling ko ang mga tingin sa lupa kung saan sila may tinitignan. Sa pagitan ng mga paa ng mga taong nakaharang ay agaw atensyon ang maputlang kamay ng isang bata at sa tabi niya' ang dugong mukhang sariwa pa. Mabilis akong naglakad palapit saka hinawi ang isang lalaki na nakaharang. Wala siyang nagawa kudi ang gumilid at hayaan akong makadaan. Halos mapaluhod ako nang tuluyang makita ang kanina pa nilang pinagkakaguluhan. Hindi ako makapaniwala sa nakikita. "Apo ko!" Sigaw ni Aling Lota habang nakatitig sa apo niyang nakahiga sa lupa, wala ng buhay. Ang batang si Sarah ang batang iyon. Gaya ng mga naunang biktima, nakasuot din siya ng puting t-shirt na puno ng mga pulang guhit at ang kaliwang leeg niya ay puno ng dugo. Nakamulat ang kaniyang mga mata habang nakanganga. Lumuhod ako malapit sa kaniya at saka ipinikit ng dahan-dahan ang kaniyang mga mata. Akmang tatayo na sana akong muli nang mapansin ko ang mga guhit sa kaniyang leeg, senyales na marahil ay sinakal siya. Tumayo ako matapos ang ilang sandali saka nakiusap sa mga tao na lumayo upang makuhanan ko ng litrato ang biktima. Lumingon ako para sana tawagin si Arturo at utusan siyang kausapin ang lolo at lola ng bata upang malaman kung saan ito huling nagpunta, mga huling kasama, at huling ginawa ngunit wala na roon si Arturo. Tanging ang umiiyak lang na si Aling Karmen ang nakita ko. Luminga ako sa paligid uoang hanapin siya ngunit wala talaga. Saan jaya nagpunta iyon? Bakit ngayon pa siya aalis gayong may importanteng bagay kaming dapat gawin? Isang lalaki ang tumabi sa akin habang nakatitig sa bangkay ng bata. "Kamusta, Joseph?" Seryosong tanong ni Lumen habang hindi inaalis ang tingin sa bata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD