Chapter 17

2311 Words
Masamang tingin ang ipinukol ko kay Lumen na nakangisi ngayon sa akin habang nakataas ang kaniyang kaliwang kilay at ang tingin niya ay mukhang naghahamon ng kung ano. Hindi ako makapaniwala na bigla na lang siyang susulpot mula sa kung saan, sa eksaktong araw pa kung kailan nakita si Sarah na wala ng buhay? Bakit tuwing bigla na lang siyang nawawala o 'umaalis' ay saka may batang mawawala rin? Bakit ang bawat batang nawawala ay binabati niya isa o ilang araw bago mawala ang bata? At bakit bigla na lang siyang sumusulpot sa tuwing natatagpuan na ang bangkay ng mga batang iyon? Hindi ba't nakakaduda iyon? Tila may pattern siyang sinusunod, parang isang laro na may mga rules na kailangan niyang sundin. Tinitigan ko siya, pilit na hinahanap sa kaniyang mga mata ang kasagutan sa mga tanong ko. It was hard. Akala ko ay hindi ako iiyak ngunit sa tuwing pumupunta ako sa lamay ni Sarah, bumibigat ang pakiramdam ko. Kusang tumatakas ang mga luha mula sa mga mata ko. Parang tinutusok ng karayom ang dibdib ko habang pilit dinadaganan ng malalaking bato at napakasakit niyon sa pakiramdam. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na umiyak ako sa isang lamayan. Hindi gaya sa ibang lamay ng mga bata, masyadong mabigat ang atmospera ng kay Sarah. Halos walang nagsasalita at lahat ay taimtim lang na nakaupo, nagmamasid o 'di kaya ay nagko-concentrate para lang hindi maiyak. Taliwas sa ugali ng batang biktima na masayahin, magulo, makulit, maingay. Tingin ko nga'y hindi niya magugustuhan ang katahimikan kung nandito lang siya. Baka kanina pa iyon nagsisisigaw at gumawa ng mga kalokohan para lang umingay ang paligid. Ngayon ang libing matapos ang tatlong araw lang na burol at parang ayokong sumama. Tamad akong tumayo sa higaan kahit na ramdam ang tila pang-aakit ng kama sa akin para lang mapabalik ako sa pagtulog. Pilit kong nilabanan ang mabigat na pakiramdam para makapaghanda na. Kakaiba ang libing sa lugar na ito dahil gabi rin nilang ginagawa. Hindi ito ang unang pagkakataon na makakasama ako sa libing na sa gabi isinasagawa dahil sumama na rin ako noon sa libing ni Tiara at ng iba pang mga batang biktima sa pag-iisip na baka makakita ako ng kakaiba roon na maaaring magturo sa akin kung sino ang salarin. Tahimik ang buong lugar kahit na dati ay ganitong oras, napakaingay na dapat sa kalsada at nagpapalakasan na dapat ng mga tugtog ang mga kapitbahay ko ngunit ngayon, wala akong ibang marinig. Para akong biglang nabingi sa katahimikan. Inalis ko ang pagkaka-lock ng pintuan bago dumiretso sa banyo para kung sakaling bumalik si Arturo ay madali siyang makapasok. Nakausap ko na siya noong isang araw at aniya ay umuwi siya sa kanila dahil hindi niya kayang tignan ang nangyari sa batang si Sarah. He was crying when he showed up, pangalawang gabi ng burol ni Sarah ngunit ayaw niyang magpunta roon kaya hinayaan ko na. Understandable naman dahil kung may choice lang din ako, mas pipiliin kong magtago na lang kaysa tignan ang sinapit ng isang inosenteng bata. Mas gugustuhin kong manatiling walang alam kaysa sa habang buhay na tumatak sa isipan ko ang itsura ng batang karumaldumal na pinaslang. Pagkatapos maligo ay isinuot ko ang t-shirt kong puti na tinernuhan ko ng khaki pants at sneakers. Ilang beses ko nang nasuot ang mga ito at lahat ng iyon ay sa libing ng mga batang nabiktima. Nakakalungkot pagk't ang mga damit na ito ay palagi ko ring suot noon sa trabaho tuwing may mga maliliit na okasyon gaya ng pagdiriwang tuwing matagumpay kaming nakakatapos ng kaso ngunit ngayon, sa malungkot na okasyon ko na lamang ito nausuot. "Bakit kailangang mga apo ko pa?" Malayo pa lang ay rinig ko na ang mga hagulgol ni Aling Lota. Mugtong-mugto na ang kaniyang mga mata at unang tingin pa lag ay alam mo nang ilang araw na siyang walang tulog. Malaki rin ng kaniyang ipinayat bagkus tinatanggihan ng mga pagkaing iniaalok sa kaniya ng kaniyang asawa na gaya niya'y ilang araw na ring hindi natutulog. Karamihan sa mga tao ay umiiyak din sapagkat hindi nga naman maipagkakaila na naging malapit ang batang si Sarah sa mga ka-baryo namin. Kilala siya bilang napakasutil at napakadaldal ngunit responsable at mabuting bata. Halos lahat ng tao rito ay ginugulo niya tuwing binabagabag siya ng kuryosidad niya, kinukulit niya upang makuha ang bagay na gusto niya, at tinatarayan niya tuwing naiinis siya. Lahat ng iyon ay naranasan ko kaya naman napakasakit para sa akin ang nangyari. Ang iilang alaala nilng magkapatid ay palagiang bumabalik sa isipan ko na siyang lalong nakakapagpabigat sa sakit na nararamdaman ko. Sadyang mapaglaro nga siguro ang tadhana. Kung sino pa anag mga mabubuti at mga inosenteng bata ay sila pang naisipang kuhnin ng maaga gayong ang krminal na pilit nang-aagaw ng buhay ay malaya ngayong ginagawa ang mga bagay na gusto niya. Malayang nakakakilos at tila hindi nakakaramdam ng hinagpis sa kabila ng kaniyang mga kasakimang ginagawa. Kung sana ay hindi ko hinayaan ang sarili na mapalapit sa bata lalo na't alam ko na simula pa lang noong una na ang mga biktima rito ay pawang mga bata. Wala pang naitatalang matanda na nabiktima kaya't tingin ko, bata talaga ang gusto ng mamamatay tao. Hindi ko maiwasang isipin kung ano kaya ang mararamdaman ko kung mas pinili kong ilayo ang sarili sa bata at mangyai ito. Ano kaya ang magiging reaksiyon ko? O mangyayari ba ang bagay na ito kung may mga bagay na nangyari noon na sana hindi na lang nangyari. Hindi ba't ganoon naman ang sistema? ng bawat ikinikilos natin ngayon ay kalakip ng mangyayari bukas at ang kilos natin bukas ay kadugtong ng mangyayari sa susunod na araw. "Paano kung may salitang mabubuo sa pamamagitan ng mga guhit na ito?" Pangungulit ni Arturo pagkauwi ko. Nakaharap sa kaniya ang mga litratong kinuhanan ko. Nanlaki ang mga mata ko. "Paano mong napa-print iyang mga iyan?" Gulat kong tanong. "Ang tagal ko ng gustong ipa-print ang nga iyan ngunit hindi pwedeng basta-basta na lang sa isang computer shop dahil delikado at pribado ang mga litratong iyan." Tiningala niya ako at saka nginisian, "may printer ako sa bahay." Usal niya habang itinataas-baba pa ang kaniyang mga kilay. May printer siya sa bahay at hindi man lang niya binanggit sa akin? Kung sana ay nalaman ko lang ng mas maaga, mas maaga rin sana akong nakakuha ng hard-copy ng mga litrato at hindi na ako nagpakahirap na sa cellphone tignan ang mga iyon. Imbes na magreklamo ay tumango na lamang ako at nag paalam na magbibihis na muna. Kung magrereklamo ako ay wala na rin namang magagawa pagkat tapos na, nangyari na kaya hahayaan ko na lang. Pagkatapos magbihis ay naisipan kong mahiga na muna sa kwarto para umidlip sandali. Nakakaramdam ako ng bahagyang pagsakit ng ktawan at ulo dala marahil ng pagod at puyat kaya kailangan kong magpahinga kahit sandali lang. Isa pa, hindi ako maaaring magkasakit dito ahil mag-isa lamang ako at ayoko rin namang dumipende sa gamot. Tubig at dasal ang kakampi ko sa mga pagkakataong mahina ang katawan ko at ayokong maranasan iyon sa baryong ito. Bahala na muna si Arturo roon at mukhang wala naman siyang balak na matulog. Sa kalagitnaan ng mahimbing kong pagtulog ay isang malakas na katok ang bumungad sa akin. Tumatama sa mga mata ko ang liwanag ng araw na sumisilip mula sa bintana kong nakabukas. Kumunot ang noo ko dahil wala akong maalala na binuksan ko ang bintanang iyon. Wala tuloy akong pagpipilian kundi ang tumayo at isara iyon. Lumabas ako sa sala at nakitang nandoon pa rin si Arturo, nakatitig sa mga papel na nasa harapan niya. Nakangisi siya ngunit nakakunot ang kaniyang noo habang pinagmamasdan ang mga litrato ng mga batang biktima, kasama na roon ang litrato ni Sarah. Paano niyang nakakaya na tignan ang mga iyan na tila isang ordinaryong puzzle lang? Ako na ilang beses nang nakakita ng litrato ng mga taong napatay ay nahihirapan pa ring tignan ang mga litrato ng mga batang iyon dahil sa kanilang itsura. Ang kanilag leeg ay may hiwa na siya marahil dahilan ng pagkamatay nila. Sa litrato ay kita rin ang dugong umagos sa lupa at binabalot ang kalahating katawan ng mga bata habang ang kanilang damit na puti ay napupuno ng tila abstract painting na gawa sa iba't ibang hugis, sa iba't ibang direksyon. Ang mga mata ng ilang bata ay nakamulat habang ang iba naman ay nakapikit. Sa tuwing natitiigan ko ang mga mata ng mga batang nakamulat ay pakiramdam ko tinatawag nila ako't kinakausap. Nagtataasan ang bawat balahibo sa lahat ng part ng katawan ko. Napalingon siya sa akin nang maramdaman marahil ang presensiya ko. Nawala ang ngisi niya at napalitan iyon ng seryoso at pagod na mukha. Ngayon ko lang natitigang muli ang kaniyang mukha. Ang dati'y makapal na balbas na siyang halos tumakip sa kaniyang mukha ay manipis na lamang ngayon kaya naman madali ng makita ang sira niyang ngipin tuwing nagsasalita o ngumingiti. "Magandang umaga. Ipagtitimpla kita ng kape." Mabilis niyang iniwan ang ginagawa at dumiretso sa kusina. Pinanood ko siyang gawin ang gusto niyang gawin sa kusina habang pasimpleng naglalakad palapit sa mga litratong nasa mesa. "Ikaw ba ang nagbukas ng bintana sa kwarto ko at ang kumatok?" Kinuha ko ang litrato ng kambal at marahang tinitigan ang mga iyon. Ang dalawang batang ito ang mga batang kauna-unahang nakilala ko. Sila ang mga nakasama ko nang unang araw ko rito at masasabi kong hinding-hindi ko malilimutan iyon lalo na ang oaniningil ni Sarah nang malamang sa kanila ako kakain. Maging ang katahimika ni Tiara at ang kaniyang mga matang mapagmasid ay tumatak sa aking memorya. "Ah, oo. Napansin ko kasi nitong mga nakaraan na tila hindi mo binubuksan ang bintana sa kwarto mo kaya naisipan kong buksan kanina para pumasok ang liwanag. Nakakairita kasi kapag madilim. Pasensya na." Tumango ako kahit hindi inaalis ang tingin sa mga litrato. "Ayos lang ngunit huwag mo ng uulitin sa susunod. Mas gusto ko kasing madilim ang kwarto ko upang makatulog ako ng maayos." "Malapit ka sa mga batang iyan?" Pag-iiba niya sa usapan. Hindi ako sumagot bagku ay pinanood lang siyang ilapag ang tasa ng kape sa harapan ko saka muling naupo kaharap ng mga litrato. "Pinag-aaralan ko at baka may mabuo akong kung ano mula sa mga guhit sa damit nila." Paliwanag niya sa ginagawa. Ibinalik ko ang litrato ng dalawa sa lamesa at pinanood na lamang si Arturo sa ginagawa. Seryoso siya masyado at mukhang desididong-desidido na may mabuong kung ano. Nang lumipas ang ilang minuto at nakakailang lipat na siya sa bawat litrato, tila ginagawang puzzle ang mga iyon ngunit wala pa rin siyang nabubuo. Hindi ko kinakayang panoorin siyang tuloy-tuloy na magtrabaho at hindi man lang inaalis ang tingin sa ginagawa. Kahit limang minutong pahinga ay hindi niya aginawa sa loob ng halos isang oras na paninitig at paglipat-lipat sa mga litrato. Bumuntonghininga ako na siyang umagaw sa kaniyang atensiyon. Pakiramdam ko ay ako ang napapagod kahit na pinapanood ko lang naman siya. "Sinubukan ko na iyan noon at wala akong nabuo. Sayang lang ang ilang araw kong pagpupuyat at ang pagpapagod kong iguhit ang bawat pattern." Usal ko. "Magpahinga ka na muna at kumain. Mag iisang-oras ka ng nagtatrabaho." Nanlaki ang mga mata niya at lumawak ang ngisi. "Gumuguhit ka? Mahilig din akong gumuhit!" Masayang sigaw niya na parang batang binigyan ng sandamakmak na candy, inignora ang sinabi kong magpahinga na muna siya. Ilang ako tumawa at umiling. "Hindi ako gumuguhit. Sadyang wala lang akong pagpipilian nang mga panahong iyon dahil hindi ko mapa-print ang mga litrato." Paliwanag ko. Nawala ang saya sa kaniyang mukha at hindi na umimik. Tila nawalan ng gana nang marinig ang paliwanag ko ukol sa pagguhit. Totoo naman. Hindi ko hilig iyon dahil para sa akin, nakakaantok lamang iyon at nakakapagod kaya mas pipiliin ko na ang magbasa maghapon kaysa gumuhit ng kung ano. Tinitigan na lamang niya ulit ang mga litrato at nagpatuloy sa ginagawa sa kabila ng pagsasabi kong wala siyang mabubuo. "Arturo, kung ako sa iyo ay hahayaan ko na iyan. Wala ka talagang mabubuo riyan dahil tingin ko'y kagaya iyan ng isang abstrak na painting kung saan purong mga linyang walang pattern ang makikita." Sa ikalawang pagkakataon ay naagaw kong muli ang atensyon niya. "Kung ganoon, paano mo malalaman kung sino ang pumapatay?" I was caught off guard. Hindi pa ako nakakapagdesisyon kung sasabihin ko ba sa kaniya ang naiisip ngunit ngayong tinanong niya ako, tingin ko ay kailangan din niyang malaman lalo na't tinutulungan na niya ako ngayon. Sa totoo lang ay hindi ko rin alam kung paano kong malalaman kung sino ang pumapatay. Hindi sapat ang mga ebidensiyang nakakalap ko at wala akong maiturong suspect kundi ang kaisa-isang lalaking pinagdududahan ko ngayon ngunit hindi ko alam kung iyon ba ang tamang sagot sa tanong niya. Hindi ko alam kung tama bang sabihin sa kaniya ang parteng ito. Tila hindi pa sapat ang tiwala ko sa kaniya. Isa pa, malapit siya sa taong iyon kahit papaano at sigurado akong matutulungan niya akong mapalapit din sa kaniya kahit na naiinis ako tuwing nakikita ang taong iyon. "May suspect ako." Deretsahang usal ko. Kitang-kita ko kung paanong nanlaki ang mga mata niya kasabay ng pagkalaglag ng kaniyang panga. "Sino?" Nauutal niyang taong. Namuti rin bigla ang kaniyang labi na siyang pinagtataka ko. Ganoon ba nakakagulat na malamang may suspect na ako para mamutla na lang siya bigla at manginig sa takot? Hinawakan ko ang braso niya. "Ayos ka lang?"  Tumango lang siya sa akin. "Sino ang suspect mo?" Nanginginig niyang usal. Nagbuga ako ng malalim na hinginga saka siya tinitigan sa mga mata. "Ipangako mo na hindi mo sasabihin sa kaniya at na mananatiling sikreto ang bagay na ito." Tumango lamang siya ulit. Muli akong nagbuga ng malalim na hingina. Bahala na. "Si Lumen. Si Lumen ang suspect ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD