Staring at the deepest ocean calms me.
Sa walong taon kong tinititigan ang madilim na karagatan, sa ilalim ng nagkikislapang mga bituin, natutunan ko kung paanong mamuhay ng mag-isa. Na kagaya ng karagatan, sa pagsapit ng gabi ay unti-unting nililisan ng mga tao at payapa lang na umaagos. The waves how much horrifying is somehow relaxing. It proves that I’m still alive, because I can still hear it… feel it.
“Bro! Pakipalitan nga ng diaper si Joshuaine.”
Umirap ako pero nilapitan ko din ang isa sa kambal ni Josh. I looked at her. Ang maliliit na kamay niya ay pilit akong inaabot.
I let her touch my face. Agad kong naamoy ang gatas sa mga kamay niya.
“Buti nalang hindi mo kamukha ang pamangkin ko,” natatawang sabi ni Randall na inirapan naman ni Chantal.
Akalain mo ‘yun? Sa tinagal-tagal ng panahon, sila rin palang dalawa ang magkakatuluyan.
Kumain kami ng tanghalian at nagkwentuhan sa may balcony.
“Iba ka na talaga ngayon Jaron. Hindi ko akalaing bibilhin mo ang resort na ‘to.”
I laughed.
Naalala ko tuloy kung bakit ko ito binili.
Pagkauwi ko samin ng gabing iyon ay umalis na din ako agad ng Siargao. Kahit na mabigat ang kalooban ko at kahit na pinagtitinginan ako ng mga tao sa sinakyang bus dahil sa pag-iyak ay pinilit ko ang sariling maglakad at humakbang papalayo.
I kept myself busy. Ayokong malaman kung matutuloy ba ang kasal nila sa December kahit na araw-araw ko din itong pinagdarasal na huwag sanang matuloy. Hindi ko nagawang tumawag kina mama ng tatlong buwan para hindi makibalita pero hindi ko inaasahang si Randall pala ang makakapag-ulit sakin ‘nun.
“Ikaw ha. Siguro may bagong babae ka na dyan, ano?”
Prente akong nakaupo sa swivel chair at nakikinig sa mga walang kwentang sinasabi ng kaibigan ko.
“Baliw. Wala! Nga pala, baka hindi ako makauwi sa kasal ninyo ni Reese.”
Naalala ko bigla dahil magkakaroon kami ng on-site direct operation sa isang industrial plant. Nagpaalam ako magleave dahil ayaw kong makaligtaan ang kasal ng kaibigan ko pero hindi naman ako pinayagan ng management.
“ANOO?! Friends over talaga kapag hindi ka nagpunta dito! Shuta ka!”
Humagalpak ako ng tawa.
“Not sure bro. Sama nalang ako sa honeymoon mo,” biro ko.
“Inggit ka lang eh! Ahh, speaking of inggit….”
Nabitin sa ere ang tawa ko at hinintay ang sasabihin niya. Takot na sabihin niya ang matagal ko ng iniiwasan.
“Ikinasal na pala si--”
Mabilis kong pinutol ang tawag at ilang minutong hindi nakagalaw sa upuan.
Shit!
She’s married now. At hindi sa akin.
Dahil doon, ilang buwan akong walang kinontact na kaibigan, kahit sa bahay. Gusto ko munang mapag-isa at hayaan ang sariling lunurin sa alak.
After a year, bumalik ako. Ilang beses na kasing umiiyak si mama sakin at gusto akong makita. Naglalakad ako sa may Salvacion noon para sana magsurfing mag-isa nang makita kong maraming puno ng niyog ang nasa buhangin at iilang mga tao ang nandoon at may ginagawa sa may malayo.
Basta ko nalang hinulog sa buhangin ang surfingboard ko at tumakbo ng sobrang bilis papalapit.
“Why are you cutting those?!”
Natigil ang lalaki sa pagputol ng isa pang puno ng niyog at tumingin sa akin. Pero ako, gumagala ang mata ko sa isang punong hindi ko kayang mawala sa buhay ko.
“Patatayuan daw ng resort dito kaya pinutol dahil sagabal.”
“Yung puno po dito ng niyog nasaan?”
Tinuro ko ang specific na lugar kung saan iyon nakatayo dati.
“Naku. Sa dami na ng naputol namin ay hindi ko na alam alin dyan.”
Yumuko ako at desperadong hinanap ang punong may pangalan namin ni Kai.
“Tama na yan Jaron, umuwi ka na anak,” sabi ni mama ng hapon na ay hindi pa din ako umuuwi para hanapin ang puno.
Ang bigat kasi. Natatagalan ako sa pag-ikot ng katawan ng puno.
Halos maggagabi na bago ko iyon nahanap. Umarkila ako ng truck para mabuhat ‘yon at madala sa may likod bahay namin.
“Anak, kahit itanim mo yan ay hindi na ‘yan mabubuhay.”
Umiling ako at hindi nakinig. Umusap ako sa mga kapitbahay na tulungan kong ibaon yun sa lupa. Nang magawa ay bumalik na ako sa bahay at nagpahinga.
I lost her. Ayokong pati ang mga ala-ala naming ginawa ay mawawala. Not even that coconut tree.
Kaya lang, after a week ay namatay din ang punong ito. I cried for that tree. Hindi ako makausap ni mama ilang araw pagkatapos iyon mangyari. At para maiwan ang ala-ala sa akin ay kinuha ko sa niyog ang mismong parte ng may ukit ng pangalan namin ni Kai. Tinago ko iyon. Kinabukasan nalang ay hindi ko inaasahang kinuha ni mama lahat ng mga bunga ng puno ng niyog at tinanim sa may likod namin.
Napangiti ako.
Pinangako ko sa sarili kong bibilhin ko ang resort na itatayo sa may Salvacion. And when I did after a year it was built, ay para akong nabuhayan ng loob.
At least, I’ve got my revenge for that coconut tree.
And now, I am here. Making this resort my third home. Of course, Kai will always be my first home.
Payapa akong naglakad papunta sa may dagat. Napangiti ako sa nakita sa mga buhangin na iba’t-ibang hugis ng mga shells. It was inspired by Dory. Ito yung nakauwi siya ng tahanan niya dahil sinundan niya ang bawat shell. I’ve got this resort renovated. Lahat ng mga nasa isip ko, at mumunting ala-ala namin ay makikita sa bawat sulok ng resort.
“Ahm Sir.”
Napahinto ako sa paglalakad at nilingon si Shaireen; ang secretary ng aking resort.
“Sir, may nagpapabook po dito ngayong month ng September. Idedecline ko po ba ulit iyon?”
“Yes please, Sha.”
Tumango ito sa akin at naglakad na ulit papasok ng resort. That is my rule. Every September ay ginagawa kong exclusive ang resort. This is the only month I came home from Manila. Gusto kong ako lang ang nandito sa resort at wala ng iba.
Umupo ako sa buhangin at inayos ang gitarang dala ko.
Tumitig ako sa malaking alon na papalapit ng dalampasigan. I smiled, closed my eyes then strum my fingers. I wanna sing the song that reminds me of everything.
“Salamat sa lahat
Sa bawat oras na nakasama ka
Kahit saglit man lang
Habang-buhay ang saya na dala mo
Walang nalalapit sa 'yo
At sa pagmamahal na binibigay mo”
Agad na bumuhos ang ala-ala sa isipan ko. Sa batuhan kung saan nangyari ang unang halik. Sa araw na una niya akong sinampal. Sa boardwalk.. sa ilalim ng buwan. Naririnig ko ang mga halakhak niya.. ang pakiramdam ng mga labi niya..
“Sa dalampasigan, ang lahat nagsimula
Kung saan ang puso'y natutong magmahal
Mga alaala mo'y binabaon ko
Sa dalampasigan pa rin ang balik ko
Magpabilin ka sa kasingkasing ko
Maghihintay pa rin sa 'yo, mahal ko”
“Have you seen the coconut tree here?”
That voice..
Napamulat ako ng mga mata. Ang mga daliri ko ay nabitin sa ere at biglang nanlamig.
“Hello?? Are you deaf?” winagayway niya ang kamay sa may tapat ng mata ko.
Napansin ko ang dala niya sa kaniyang kamay. The notebook.. the one that I gave her years ago..
Umupo siya sa tabi ko.
“I always go here for that coconut tree.”
Huminga ako nang malalim at binaba ang gitara sa may buhangin.
Binalik ko ang tingin sa kaniya at napasulyap sa tattoo niya sa may ankle. Nakita niya iyon.
“Oh this? Isn’t it good? It’s a couple tattoo! Look!”
Binuklat niya ang notebook at pinakita sakin ang picture ng pareho naming tattoo na kinuhanan ko ilang taon na ang lumipas.
I’m lost for words. Nakatitig lang ako sa kaniyang mga tinuturo sa akin.
“I’m actually looking for this tree,” she now pointed the picture of the coconut tree in the book. “Nandito lang ‘yun eh. I’m sure of it.”
“Where is your husband?” hindi ko na napigilang itanong.
If I were her husband, I wouldn’t let her walk around here, alone.
Bigla siyang tumawa nang malakas.
“I’m single! As far as I can remember, I didn’t marry anyone.”
My heart skipped for a moment.
Imposible! I heard it from Randall. Binalikan ko ang usapan namin noon sa telepono at bigla kong maalala na pinutol ko nga pala ang tawag bago pa niya masabi kung sino. It might be Josh and Chantal’s wedding then? f**k!!!!
“My brother told me that the supposed wedding before got postponed.”
“Why?”
Hindi pa rin ako makapaniwala. If only I knew..
“I just remember myself waking up the whole November feeling sad. And I don’t know why. I was rushed to the hospital that time, remembering something.. someone.. but I couldn’t name it. I can’t remember who. Not until I found this.”
She showed me her sketchpad. May black and white na picture doon ng lalaki. Again, she used the shading to give emphasis. Napatitig tuloy ako sa mukha ng lalaki specifically sa dimple nito. It’s very familiar to me. It was like, I am staring at myself.
“My brother told me that I sketched this long ago, while watching a September surfing cup. Then I remembered someone. He followed us until we reached the boardwalk.”
My eyes watered.
I know exactly what she remembers!
She then smiled sweetly at me.
“His name is Jaron. I’m waiting for him here. Do you know where he is?”
Hindi ko na pinigilan pa ang sarili kong yakapin siya nang mahigpit habang walang tigil na sa pagpatak ang mga luha ko sa mata.
Unti-unti ay naramdaman ko rin ang pagyakap niya.
“That someone is me, Kai!”
Inalis ko ang yakap sa kaniya at habang umiiyak ay pinakita ko ang Marlin tattoo sa may ankle ko.
“Really? But I haven’t seen you here. I’m coming back here to see this guy everyday.”
Umiling ako. Starting to feel regrets of not coming back.
Ang panghapong araw ay tumama sa mga mata niya. Kumislap ito at kasabay ng pag-daop ng tubig-dagat sa dalampasigan ay nakita ko ang mabilis na paglandas ng luha sa mga mata niya.
I touched her face. Pumikit ako at hinaplos ang pisngi niya. I wiped her tears. Humaplos din siya sa mukha ko at inalis ang mga luha ko sa mata.
“I waited you here for eight years, Jaron. Akala ko hindi ka na babalik.”
Tumingala ako at huminga nang malalim.
“Sorry, Kai. Hindi ko akalain.. akala ko.. hindi mo na ako maaalala,” putol-putol kong sabi dahil patuloy pa rin ako sa pag-iyak.
Hinila ko siya papalapit at niyakap nang mahigpit. I heard her cry more. Hinagod ko ang likod niya at napansin na suot niya ang kwintas na binigay ko sa kaniya.
I can’t help myself but cry. But this time, it wasn’t because I’m sad, or hurt. It was because of joy. That after all these years, she remembered me!
“You did it, Kai!” I slowly whispered to her ears.
I could smell her familiar scent which brought back all the memories when we were still together.
Finally, He answered my prayers. I will not anymore be worry and feel anxious about anything, about us. Because He knows the perfect timing and if it’s really for me, He’ll surely give it to me.
“Did what?” walang kamuwang-muwang niyang tanong at suminghot.
Inalis ko ang yakap sa kaniya at pinagdikit ang aming noo. Her brown eyes with slight tears are staring back at me.
“Baby, you just followed your memories all the way back home. You’re here, in my arms. You’re finally home.”
Hi darlings! Thank you for finishing this story!
To the one reading this, I want you to know that you deserve someone who loves you with every beat of his/her heart, someone who will conquer all your fears together, someone who will help you reach your dreams and protect you from fears, someone who will love every part of you and kiss all your flaws. You might not find someone like Jaron, but I know and I believe that someone out there is ready to love you and that someone will teach you how to surf in the midst of the chaos in the ocean.