Chapter 10

2895 Words
“The finest years I ever knew Were all the years I had with you And I would give anything I own Would give up my life, my heart, my home I would give everything I own Just to have you back again” Galit kong pinatay ang music sa stereo ng sasakyan. Hindi ako nakatulog kagabi. Ilang beses na nag-replay sa isip ko ang pangyayari pati na rin ang mga salitang narinig ko. She’s my fiancée.. Fiancee my ass! Napatawa ako sa sarili habang mabilis na nagmamaneho papunta ng Cloud 9. Balak kong kausapin ang kuya niya. At kung hindi man ako payagan ni Kuya Kaius at pipilitin kong kausapin si Kai. Whatever it takes.. Hindi ako papayag na engaged sila. Never when I’m still alive and kicking! At kahit siguro mamatay ko ay hindi pa rin ako papayag! “Jaron, stop it. She can’t remember you.” Mabilis kong inexit ang message ni Zayn sa messenger ko. Bumaba ako ng sasakyan at naglakad papalapit sa may boardwalk. No one can stop me.. even her f*****g wannabe fiancé who’s comfortably laying on Kai’s lap! Agad na nag-init ang ulo ko. You stop claiming what’s mine o babasagin ko ang ulo mo! Masama agad ang tingin ng lalaki sakin pagkalapit ko sa kanila. Hindi ko siya pinansin at sinulyapan lang si Kai na nakamasid din sakin, hindi naaalala ang pagtatagpo kahapon. “I like your tats,” sabay nguso ko sa ankle niya. “No one’s asking you,” maarte naman niyang balik. Gusto ko nalang siyang hilahin at halikan sa harap ng makapal na mukha ng lalaking nakahiga pa rin sa hita niya, pinigilan ko lang. And in speaking of, mahigpit na pagpipigil ang ginagawa ko ngayon para lang hindi mabasag ang mukha ng lalaking ‘yan! Pwe! “Pasok na ako sa loob. I wanna talk to your kuya.” Akma akong maglalakad na pero nagsalita ang pumapapel na lalaki sa buhay ni Kai. “He’s not there. We came back here alone.” Back? So ibig sabihin matagal na silang nagpapabalik-balik dito? At magkasama?? Kailan? It’s not September for sure dahil sinisigurado kong tignan at silipin ang bahay nila Kai tuwing September, taun-taon. “Nasa Batangas siya?” Umahon ng higa ang lalaki at tumingin ng diresto sa mga mata ko. “Who are you? You’re the one from yesterday right?” I smirked. “Yes. I’m her boyfr--” “Cut it!” sigaw niya at tumayo paharap sa akin. Hindi ako nagpatalo ng tingin at hinanda ang sarili sa ano mang gagawin niya. Tumayo din si Kai at kinalma ang lalaki. “Don’t mind him, Jake. Maybe he’s delusional.” Binalingan ko si Kai at nanlalambot na tinitigan siya. Delusional.. Delusional?! “Stay away and don’t bother us. Come on Kai, let’s go inside,” at pumasok na sila sa loob. Ang sakit! I went home after that. Pinili kong mag-stay sa kwarto kahit na kinakatok ako ni mama para lumabas at kumain. The next day, bumalik ulit ako sa resort. Hindi ko nakita ang anino nilang dalawa kaya nagpasya akong dumalaw nalang muna sa café nina Matteo. “Lex, pumunta ba dito si Mat?” tanong ko sa isang lalaking nagseserve. “Hindi pa, Jaron. Busy daw sa work, hindi pa makadalaw.” Tumango ako sa kaniya at umorder ng kape. Dumiretso ako sa may bakanteng silya at doon naupo. “Long time no see Jaron.” Gulat akong napalingon at nakita ko si Monique sa may tapat ng inuupuan ko. “Monique..” I smiled at her. “Ikaw lang mag-isa dito Jaron?” “Oo. Unless may nakikita kang kasama ko?” biro kong utas. She laughed at tumayo. “Can I sit here then?” Agad akong napailing. I have no interest. Ilang taon na akong nawalan ng gana sa ibang babae. “Why? Oh wait! Are you still single or--” Ako naman ngayon ang napatawa. “Single but never ready to mingle Monique.” Nahihiya siyang tumango at bumalik sa upuan niya. Kada minuto nga lang ay pasulyap-sulyap siya sakin sa pag-aakalang maaawa ako sa kaniya at papayagan ko siyang umupo. “Thank you,” ani ko sa nagdeliver ng order kong kape. Agad akong humigop at sa pagkakataong iyon ay nakita ko ang pagpasok ng dalawang tao sa café, na kanina ko pa hinahanap. I almost got choked while drinking. Napaso pa ang dila ko! “You okay Jaron?” nag-aalalang tanong ni Monique, umaasa na ngayon ay makakatabi na sa akin dahil sa pagkakapaso ko. “I’m fine. Thanks,” kahit na deep inside ay hindi… Sinundan ko ng tingin silang dalawa habang umoorder sa may counter. Nang matapos, ay nakita kong nilibot nila ang tingin kung saan sila makakaupo. At dahil wala ng bakanteng upuan kundi sa harapan ko nalang ay wala silang choice kundi doon umupo. I smiled evilly. Agad kong nakitaan ng naiiritang ekspresyon si Jake. f*****g Jake! I raised my eyebrow. Dahan-dahan nilagay ni Kai sa upuan ang bag niya pagkatapos ay hinila ni Jayke ang upuan ni Kai para mas maayos siyang makaupo. Ang sakit nyo sa mata! It was like I am destined to sit here. Para mas makita ang ginagawa nilang paglalandi sa harapan ko. They started talking. Bukas na bukas ang dalawa kong tenga para pagkinggan ang pinag-uusapan nila. “When is our wedding again?” Oh. Wow. “December,” nakangiti namang sagot ni Jake at hinahawakan pa siya sa pisngi. I rudely stared at him. Naramdaman niya siguro ang masamang titig ko kaya napalingon siya sa banda ko. “Why don’t we move to other café, Kai?” “Is there a problem?” “Nothing. I’m just not comfortable here,” then he glanced on my way again. Napatingin din tuloy sakin si Kai. Umayos ko ng upo at ngumisi nang malaki, making her look at my dimple. “Because of him? You both have the same dimple!” maligaya niyang sabi at tinuro ako. Doon ko lang din napagmasdan ang lalaki. He has a dimple like mine. Ang pinagkaiba lang ay mas malalim ang dimple ko. Maputi din siya kumpara sa balat ko at syempre mas gwapo ako! “No.. Let’s eat,” sabi ng lalaki nang dumating ang order nila. Kumakain sila habang nakamasid pa rin ako. Napaorder tuloy ako ng isa pang kape para lang magtagal at may pagkaabalahan habang nakikinig sa kanila. Mahihirapan ako makatulog nito mamaya. Ni wala pa nga akong maayos na tulog pagkauwi ko dito! “You think I can make my own design for your company?” Oh. He’s a businessman then? “Of course. But baby, I want you to stay at home after we got married. Don’t want you to work because of your condition.” She’s caging her? And you settle for that Kai? Ako? Never ko yang gagawin sayo. I’ll let you explore the world, make your own name, create the designs you’re comfortable with, but of course with me! I’ll let you achieve your dreams with me, as your husband. “Is there a bathroom here?” Napatigil ng paglalakad si Lex at tumango kay Kai pagkatapos ay tinuro ang bathroom sa may malayong kanan. I stayed silent. Nagkatitigan kami ni Jake nang maya-maya ay may tumawag sa kaniya. He glanced my way again with threat in his eyes pagkatapos ay lumabas ng café para sagutin ang tawag. I immediately stood up and follow Kai in the restroom. Kalalabas lang niya ng cubicle nang harangan ko siya at marahang hinila sa gilid ng pinto. “Kai.” Inalis niya ang braso niya sa pagkakahawak ko. “Do I know you?” “Listen Kai. My name is Jaron. Nagkakilala tayo sa may Salvacion before. I became your boyfriend for 4 months. You promised me na babalik ka ng Siargao. This,” at desperado kong tinuro ang tattoo sa may ankle ko. “You chose this tattoo! Look at yours!” Tumingin siya sa may anke niya nang nakakunot ang noo. “Dory and Marlin? Does it ring a bell? Kai, please. Alalahanin mo ako. Please Kai.” Hinila ko siya papalapit sa akin at niyakap. Ang higpit ng yakap ko sa kaniya. Gusto kong maramdaman niya ulit ang mga panahong magkasama kami. “Please, remember me,” bulong ko sa tenga niya. May pwersa niya akong tinulak paalis sa kanya. “I’m sorry. But I don’t know you.” Nalilito siya sa nangyayari. Kitang kita ko iyon sa mga nagtatanong niyang mga mata. I know she’ll remember me. Konti nalang.. alam kong maaalala niya ako. “Kai?” Agad akong nagpanic nang marinig ang tawag sa kaniya. I hold her hands again at pinilit na alalahanin ako. “I gave you a gold necklace. It has a pendant… a surfingboard.. Kai please.. please remember me.” I don’t have any idea kung nasan ang necklace na iyon. But I don’t care now! I want her to remember me! Malamig ang mga kamay niya. I am staring straight in her eyes. Kaya naman kitang-kita ko nang bigla niyang hilahin ang kamay niya palayo sakin para humawak sa may ulo. “Kai? Kai? Do you remember me now?” Sumigaw siya sa sakit. Bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko alam ang gagawin. She’s shouting hysterically. “Calm down baby.” Mas lalong sumakit ang ulo niya at napaupo sa may sahig. Some of the people went to us to see what’s happening. Hindi ko inaalis ang kamay kong nakahawak din sa ulo niya. I’m panicking. Para akong mahihimatay sa sobrang lakas ng t***k ng puso ko. When suddenly, someone grabbed my shirt. “f**k! Stop it! You’re torturing her!!” Napako ang tingin ko kay Jake nang buhatin niya si Kai. He carried her at agad tumakbo papalabas ng café. Sumunod ako. “Where are you taking her?” Galit siyang bumaling sa akin. Nakapikit pa rin si Kai at umiiyak na. My heart skipped. “You stop f*****g following her! She doesn’t need you! Kung talagang ex boyfriend ka niya at may pakealam ka sa kanya, you’re going to stay away from her! You’re traumatizing her! f**k!” I stopped. I. Am. Traumatizing. Her. Her memories with me are forgotten. Nahihirapan siyang balikan iyon kaya sumasakit ang ulo niya.. at nattraumatize siya. Okay.. Naiintindihan ko.. Pero bakit hindi ko matanggap? Hinayaan ko silang umalis. Slowly, I went back in my car. Pagkaupo ko palang ng driver seat ay agad ng tumulo ang luha ko. I’m gripping the steering wheel hard. I stared at my fingers, they are trembling. Looking at her earlier in pain made me regret what I did. I never seen her like that. Hindi ko alam ang gagawin. If only I’ve been with her.. Umuwi si Kuya Kaius ng linggo’ng iyon, to check on her I guess. Nalaman ko nalang na umuwi na pala siya ng isang araw kong makita siya sa may labas ng resort nila, talking to one of the caretakers. He’s trying to continue his conversations with her but he consistently looking at my direction. After few minutes, he dismissed her, that’s the time I went near him. “I know what you did Jaron! And that’s f*****g dangerous for her!” galit niyang sigaw pagkalapit ko palang. I then stopped. “Then how could you do that to her too?! You’re keeping her away from the reality!” Hindi ko na rin pinigilan ang sariling sumigaw pabalik. At some point, I’m angry at him! Bakit niya hinayaang ma-engaged si Kai? Alam niyang naghihintay ako! Alam niya ang relasyon naming dalawa. “I’m not Jaron. Look..” “No!! Kuya Kaius alam mo yun! You’ve been here years ago! Nakita mo kung gaano naming kamahal ang isat-isa! How could you do that to me? To her?? You’re feeding her lies!” Tumingala siya at huminga nang malalim. “She’s insisting that she loves him Jaron, who am I to stop her?” I shook my head. That’s a lie! Bullshit but that is a lie!! “That’s not true. She’s inlove with me when you left. Paanong mahal niya ang lalaking ‘yon ” “Feelings changed, Jaron. It’s been five years. Sa tingin mo ba, mahal ka pa rin niya hanggang ngayon? She can’t even remember you during those years.” Suminghot ako. I can feel my tears urging to fall. I held it back. Ayokong maniwala sa mga kasinungalingan niya. “Can you please help her to remember me?” pagmamakaawa ko. Umiling siya. “I can’t do that Jaron. You know I can’t. She might strain her memories, lalo ka niyang hindi maaalala.” “Hindi niya rin naman ako maaalala di ba? Why not try?” Hindi siya nagsalita. But I wanna know this.. ilang gabi ko na ‘tong pinag-iisipan. “How did she know him?” Again, he didn’t respond. “You let them meet right?” This time, he nodded his head. “He’s my friend.” Now I get it.. “Look Jaron, don’t get me wrong here. I want the best for my sister. Someone that’ll never hurt her. Years ago, I wasn’t convinced by your presence. You’re a playboy for all I know. And Jake is my friend, one of my true friends. I trust him.” “You just don’t trust her enough.” Napalingon siya sakin. I weakly smiled. “You don’t trust her enough to remember me. I know she’ll remember me, kung sana tinulungan mo lang siya, she will never forget me. At ilang beses ko ‘tong sasabihin sayo, I love her at hindi ko siya sasaktan. I’ll prove it to you one day. You’ll see.” And with that, I left him. Hindi niya rin ako pinigilan. My mind lost somewhere. Parang sirang plakang umuulit sa isipan ko ang sinabi ni Kuya Kaius. She loves him. And I just can’t accept it. Kahit siguro tumanda ako at mamatay, hindi ko ‘yun matatanggap. Nakatayo ako dito sa may boardwalk. Looking directly far from the ocean. Today is the last day of September. Kailangan ko ng bumalik sa trabaho bukas. I wanna end it here. Gusto kong itapon kahit konting sakit na nararamdaman ko, sa dagat. Papalayo. Kasabay ng pag-agos ng karagatan papuntang dalampasigan. ---Play Dalampasigan by Anji Salvacion- “Are you crying?” Napatigil ako sa pagsinghot at nilingon ang babaeng nakatitig din sa dagat katabi ko. Hawak niya sa kaliwang kamay ang panic button. I laughed at myself. I want to remember her, for the last time. “Iniwan ako ng taong mahal ko,” madrama kong sabi at hinarap siya. She faced me slowly. Binaybay ng mga mata niya ang luhang biglang pumatak sa may pisngi ko. “Oh poor you. Did you even try to win her back?” Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa pisngi, trying to wipe the tears that continuously falling. I closed my eyes. For the last time, I wanna be selfish. Gusto ko siyang hilahin at isama sa isang lugar malayo dito. Yung may dagat din.. at simpleng mamuhay kasama siya. I want to be selfish. I want to own her again. For the last time, I want her to remember me. “Kai please,” hagulhol kong iyak sa kaniya. Lumuhod ako sa harapan niya at nagsalita. “Try to remember me please. Kahit konti lang. Kahit hindi ako ang piliin mo. Kahit maalala mo lang ako, kahit yun lang Kai. Parang awa mo na. Please.” So I can move forward. So I can live my life. Because all these years.. what I did wasn’t living. I survived. I actually didn’t lived. Hindi siya nagsalita at naramdaman ko nalang na lumuhod din siya sa harapan ko. “I’m sorry. I didn’t know you.” I’m trying to hear my voice but it’s too much. Garalgal na ang boses ko at hindi na ako makahinga sa sobrang pag-iyak. I felt her hands on my back. “Ako ba ‘yung mahal mo na iniwan ka?” Humarap ako sa kaniya. Nagulat siya sa mukha ko. I’m crying too much. Basang-basa na ang pisngi ko. “Kai please tell me you remember me. Yung pinagsamahan natin. Yung kwintas, yung bato kung saan tayo madalas tumambay. Kai, my kisses. Hindi mo man lang ba maalala yun?” It hurts me more when I saw her shook her head. “Hindi kita maalala. Siguro naman kung minahal kita, hindi kita makakalimutan o maaalala kita ngayon. But I don’t know you at all. I’m engaged with someone and I love him.” Parang punyal ang tumama sa puso ko sa sobrang sakit. Mas masakit palang marinig ‘yon mismo sa mga bibig niya. “Kahit siguro halughugin ko ang utak ko para hanapin ka dito ay hindi kita maaalala.” Tumango ako. “Do you want me to forget you?” Tumayo ako at hinayaan siyang tumayo din sa harap ko. She stared me back. Nakatitig ako sa mga mata niyang malungkot na nakatitig din sakin, reflecting what we both feel. “I want you to forget me. Please just forget me. I don’t know you. I’ll be married this December and I love him. Kung nakilala man kita before, at nasasaktan man kita ngayon, I’m sorry. But I don’t love you. I can’t remember loving you.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD