Talaga palang bumabagal ang araw kapag naghihintay ka.
Araw-araw simula nung umalis siya ay parati akong tumitingin sa kalendaryo para magbilang kung ilang araw at buwan nalang bago mag September. Nagfocus ako sa pag-aaral para saglit na makalimutan ang paghihintay. I even tried playing guitar just to distract myself pero hanggang trabaho ay nadadala ko ang frustration.
“Jaron, kumalma ka nga!” sigaw sakin ni Matteo at tinulak ako papasok sa counter.
“Eh tangina niya! Sinabihan akong makupad ng gunggong na ‘yon. Pare, nakakagago siya!”
Matapang kong nilingon ang labas ng café at nakitang papalabas na ang lalaking muntik ko ng masuntok sa mukha! Putangina niya!
“Ano bang problema mo? Isang buwan ka ng ganyan ah?”
Inis akong iniwan ni Matteo at hinayaan na magpahinga muna sa loob. I gasped for air. Kinalma ko ang sarili at nanigarilyo sa labas ng café.
Sobrang nakakafrustrate ang maghintay. Para akong bombang may timer at anytime ay pwedeng sumabog. I was like that.. for months. Kahit sa school at kahit sa mga kaibigan ko.
“Why don’t you tell us about it, Jaron? Hindi ‘yung basta-basta ka nalang iinit ang ulo?”
Sunod-sunod akong humithit sa sigarilyo at nilingon si Randall.
“Wala kang pakeal--”
Nawalan ako ng balanse at naitapon ko ang sigarilyo nang tumayo siya at agad akong hinawakan sa kwelyo. Galit niya akong sinuntok sa mukha.
I sarcastically laughed at him at pinunasan ang labing may konting dugo.
“Putangina mo Jaron! Oo may pakealam ako! Pagkatapos kong gawing ayos lang ang lahat satin kahit na sinasaktan mo ang kapatid ko?!”
“Nababaliw ka na,” hirit ko at kumuha ulit ng sigarilyo sa bag at sinindihan.
“Ikaw ang nababaliw gago ka!”
If he’ll punch me again, I don’t care. But before he could lay his fist on my face, Josh pulled him away from me.
“Mga parang tanga naman kayo!”
“Hayaan mo sila Josh,” walang pakealam na sabi ni Zayn habang nanonood lang sa nangyayari.
Hindi ako nagsalita at hinayaan silang umalis sa harapan ko. Yeah. That’s it. No one stays. They always leave.
Dumating ang bakasyon at lalong nabakante ang isip ko. Sinasadya kong pagurin ang sarili buong araw para mabilis akong makatulog at wala ng panahon para mag-isip pa tuwing gabi.
And when there are nights that I couldn’t sleep, I’ll message her but as expected, there’s no response.
Kaya naman ng dumating ang September ay halos sapian na ako dahil wala ng mapaglagyan ng kasiyahan ang puso ko. Yun nga lang, agad din itong napawi nang mga caretakers lang ang naabutan ko sa bahay nila at nagdidilig ng halaman.
“Ah Sir Jaron, hindi pa daw po makakauwi sila Sir Kaius eh. Madami daw pong ginagawang school-related si Ma’am Serena.”
I don’t know what to do. Gusto kong mag-isip ng paraan para makausap man lang siya. She’s graduating too at alam kong busy din siya.
“Pwede ko po ba makuha ang contact number ni Kuya Kaius?”
Binaba niya ang hose at pinatay ang gripo. Kita sa mukha nito ang konting inis sa pang-iistorbo ko.
“Naku, mahigpit po kasing bilin ni Sir Kaius na huwag daw pong ibibigay ang numero nila kahit kanino.”
Hindi ako kung sino, gusto ko sanang sabihin pero pinigilan ko nalang ang sarili. So.. maybe I’ll wait next year? After she graduates?
Tumango ako at bigong umuwi ng bahay pero bumalik din kinabukasan para magbakasakali na makikita ko silang darating. Araw-araw ko ‘yun ginagawa, walang palya. Hanggang sa kada linggo nalang ako bumisita dahil sa sobrang busy sa OJT at thesis. Dumating ang birthday ko at piniling huwag icelebrate ito kahit na puno pa rin ang bahay dahil nag-imbita si mama ng maraming bisita.
Naalala ko na naman siya, pero kailan ba hindi? But this is one of our special days, we’re both celebrating our birthday today. Hinihiling ko nalang na hindi ako binigo ng alarm niya. Napangiti ako sa naiisip na sana ay nakita niya iyon.
I blew the candle in front of me and wished that for once, I would see her face. That in the midst of the chaos in the ocean in front of me, there would still be serenity; with her.
Mabilis akong napahinga nang malalim habang nakatitig sa malayong dagat. Tanaw ang bilog na buwan na naging saksi sa lungkot na nararamdaman ko ngayon.
Everyday feels like something is missing.. at nag-iiwan ‘yon ng bigat sa puso ko.
“Congratulations anak! May Engineer na kami!”
Humalik ako sa pisngi ni mama at nilingon ang mga kaibigan kong malayo sakin at nagseselfie. Napailing ako sa sarili. I should get used to it. Until now, hindi pa rin nila ako kinakausap, wala pa rin silang pakealam… kagaya ng gusto kong gawin nila sakin months ago.
“Congratulations… Jaron..”
Mula sa kaibigan kong nagtatawanan ngayon ay napabaling ako kay Chantal sa may gilid ko na may hawak na maliit na regalo.
“Thank you,” at tinanggap ko ang regalo.
“Ahm, pwede ba kitang iinvite sa labas para kumain?”
I remained staring at her face. Namula ang pisngi niya at napakagat ng labi.
“Pero kung hindi naman pwede, o-okay lang. I just wanted to celebrate your success with me.”
Hindi ko inalis ang tingin sa mukha niya. Sinubukan kong may konting maramdaman… kahit konti… peroo..
“Sorry. May pupuntahan kami nina mama.”
Nagliwanag ang mukha niya.
“Pwede bang sumama?”
Umiling ako.
“Chantal!!!”
Sabay kaming lumingon kay Randall na naka-igting ang pangang lumalapit samin. Agad niyang hinila ang kapatid at bago pa sila makalayo ay nagsalita ako.
“Congrats bro.”
Hindi niya ako nilingon. Kahit sila Josh at Zayn na nasa malayo ay nag-iwas ng tingin sakin. I sighed heavily. Okay lang…
After ng graduation ay inabala ko naman ang sarili sa pagrereview para sa board exam. Kaya nang makapasa ako ay agad akong naghanap ng pwedeng pagtrababuhan sa Manila. Gusto kong lumawak ang work experience ko dito at syempre.. ang mapalapit ng konti sa kaniya.
“Ala eh, sino ga ang hinahanap mo utoy?” may puntong tanong sakin ng matanda pagkababa ko ng bus sa Lipa, Batangas.
Alam ko kung sino ang hinahanap ko, pero hindi ko alam kung saan siya makikita.
Kamusta na kaya siya? Nakagraduate na rin siya kagaya ko? Is she a graphic organizer now? Illustrator? Concept Artist? Hindi ko alam…
Ilang days akong nag-stay sa Batangas at naglibot. Medyo gumaan ang pakiramdam ko sa pag-iisip na nasa parehong lugar na kami. ‘Yun nga lang, sa paglilibot ay hindi ko siya nakita. Alam kong malawak ang Batangas. Pero kasi.. nagbakasakali lang naman ako.
Bigo akong bumalik sa Manila at nagfocus sa trabaho. Nang dumating ang September ay nag-leave ako sa trabaho para bumalik ng Siargao para makita siya.
“Tao po!” katok ko sa may pinto.
Lumabas ang kasambahay na nakita ko din last year.
“Hindi po sila nagsabi na uuwi ngayong year.”
Siguro busy pa rin sila? Pero graduate na siya… siguro sa work? Pinilit kong ikalma ang sarili at nag-surfing nalang buong September. Naging okay na rin kami nina Randall. Actually last month pa. Akala ko nga hindi pa rin nila ako kakausapin pero bigla nalang siyang nagchat sakin at nagyayang magbonding kahit busy na rin siya sa trabaho.
“Tagal mong makamoved-on dyan ah?” aniya nang minsan kaming mag-inom.
“Tinamaan ako ng sobra par,” natatawa kong sabi sabay straight na ininom ang shot ko.
“Sus. Ipupusta ko ang Mustang ko, makakahanap ka ng babae next month.”
“Malabo,” simple kong sabi at inabutan siya ng shot.
“Basta ako, hindi na ako naniniwala sa mga pusta mo Randall,” ani ni Josh at palihim na kumakain ng pulutan.
Malakas na tumawa si Randall at pabiro pang nagflying kiss kay Josh. Unti-unting napawi ang ngiti ko. Bigla ay naramdaman ko na naman ang lungkot na madalas kong maramdaman tuwing mag-isa ako. Hindi naman ako nag-iisa ngayon, pero bakit ang lungkot? Looks like there’s a hollow space in my heart, which I totally know who’s missing.
“Congratulations Jaron!” sigaw ng mga ka-trabaho ko nang mapromote ako after three years.
Napatawa ako at nakipagcelebrate sa kanila.
Tinitigan ko ang wine na hawak ko.
Three years… Three long f*****g hurtful years…
I have a stable job, my relationship with my workmates are beyond okay, I have trustworthy friends and my family is supporting me in every thing I do. But why do I feel sad? Bakit parang may kulang pa rin?
Alam ko kung ano o sino ang kulang… but I can’t do f*****g anything to fill in the gap.
It’s September again. Alam na ng mga katrabaho ko or kahit ng management ng pinagtatrababuhan ko na tuwing ganitong buwan ay umuuwi ako sa Siargao. Natatawa nga sila dahil iba ang buwan ng bakasyon ko.
Mabilis akong nagpaddle sa dagat. Nang may makitang alon ay agad akong tumayo at ginawa ang paborito kong surfing stunt. Narinig ako agad ang palakpakan nina Randall sa may pampang. Lumingon ako sa kanila at sumipol nang mapatigil sa nakita kong papalapit na babaeng naka blue na two piece kasama ang kuya niya. Nagulantang ako. Walang pag-aalinlangan akong nagpaddle para makalapit. At sa paglapit ko ay nakita kong ibang lalaki ang kasama niya habang nakahawak sa kaniyang baywang.
Pati sila Randall ay napatigil. They looked at me at sinenyasan na aalis na. But I didn’t look away, I couldn’t even walk away! Damn! Ang init na naramdaman ko ay kumalat na sa buong katawan ko.
Nagmartsa ako papalapit sa kanila at galit na inalis ang brasong nakapulupot kay Kai.
“Wag mong hawakan ang girlfriend ko!”
Gustong kong magwala! Ilang taon ko siyang hinintay tapos ganito?! Don’t you f**k with me! At baka maibato kita sa dagat!
They both gasped in horror after what I did.
“What the hell is your problem!” galit ding sagot ng lalaki.
Puta! Sumasagot ka ha?
“Baka hindi mo alam na akin yang hinahawakan mo!”
“What do you mean freak?”
Lumambot ang tingin ko kay Kai. I tried to hold her hands but she shoo me away.
“Don’t touch me! Who are you?!”
Gusto kong umiyak sa harapan niya at ipaalala kung sino ako, kagaya nalang ng araw-araw kong pagpapakilala sa kaniya dati. “She forgot you like usual.. Jaron”, kalma ko sa sarili.
Hinila ako nina Randall para makalayo pero tinulak ko lang sila.
“Kai.. Kai.. This is me. Your boyfriend! Matagal na tayong magkakilala. Dito.. dito din tayo unang nagkita..” frustrated kong sabi sa nanlalambot na mga salita.
Kumunot ang kaniyang noo at sa nakakawalang pasensiya ay nakita ko kung paano siya kumapit sa braso ng lalaking kasama niya, like she’s scared of me… like I’m some stalker.. or a freak!
“Baby, let’s go home,” she said while still staring at me.
Tumango ako sa pagkakaakalang ako ang kausap niya. But when she moved her eyes from me to the guy beside her, I frozed. I literally became numb.
“Yes baby. We’re going home.”
Naestatwa ako sa harapan nila. He even bumped my arms when he walked beside me at bumulong ng hindi ko inaasahang mga salita.
“Move boy. She’s not yours. She’s my fiancée.”
Akala ko may sasakit pa noong mga panahong hindi niya ako maalala. O kaya naman noong umalis siya at ilang taong hindi nagpakita. Pero ito pala iyon, ang pinakamasakit sa lahat. While I’m busy thinking of her, patiently waiting for her, she’s there… building her life with another man… and breaking all her promises to me..
I think I’m the one who lost.. I lost my home.. and my heart..