Dumaan na ang ilang araw na pagpapahinga ay simula na naman ng panibagong klase. Heto ako ngayon sa isang pasilyo patungo sa panibago kong silid. Ayon kay Ariane, kailangan ko rin daw dumalo sa iba pang mga asignatura. Katulad na lang ng runes, papunta na ako ngayon sa silid ng Class B na kung saan naroroon ang mga bago kong mga kaklase. Kinakabahan ako ngayon sapagkat wala pa talaga akong kakilala dito sa paaralan pwera na lang kay Elfrida. Hindi ko alam kung ano mangyayari sa akin mamaya kung kaya ay bahala na. Ilang sandali pa na paglalakad ay nakarating na rin ako sa wakas, nasa harap na ako ng isang malaking pilak na pinto. Dahan-dahan kong tinulak ito at bumungad sa akin ang napaka-ingay na silid. Kung ihahalintulad ang silid sa silid namin Ariane ay parang kalahati lang yata ito sa

