"Sapagkat si Diwatang Athena kasi ang sumalubong sa akin at naghatid sa loob ng ating dormitoryo. Siya rin ang nagturo sa akin kung saan ako nabibilang. Minsan ay bigla-bigla na lang itong sumusulpot at kinakausap ako. Akala ko naman ay normal lamang iyon sa mga tao rito ang ganoong pagtrato kay Diwatang Athena, hindi pala. Labis niyo pala itong nire-respito pero heto ako at parang isang kaibigan lang niya." Saad ko. Hindi ko naman talaga inaasahan na malaki pala talaga ang impluwensiya nito sa buong dormitoryo. Oo nga at alam ko na isa siya sa mga namumuno sa lugar pero kung makipag-away kasi siya sa nagbabantay sa dormitoryo ng mga lalaki ay parang hindi ko makita. Para lang itong isang normal empleyado. Tinignan ko naman ang aking kaibigan na si Elfrida na gulat na nakatingin sa akin.

