Dalawang araw na ang lumipas simula noong ginawa ni Minerva sa akin. Hindi ko talaga alam kung ano ang gusto nang taong iyon at kung ano ang pinanghahawakan niya. Naiintindihan ko naman na ayaw lang nitong agawin ko sa kaniya ang kaniyang kasikatan pero masiyado yata itong mababaw para saktan ako. Kasalukuyan akong nandito sa isang pasilyo papunta sa silid na pagdadausan ng aming pag-eensayo ni Ariane. Simula ngayon ay tanging kapangyarihan ko na talaga ang gagamitin namin sa pag-aaral. Ayon sa kaniya, kung gusto ko raw lumakas ay nararapat lamang na sumubok ako nang makatotohanang labanan. Hindi ko nga alam kung ano ang ibig niyang sabihin sa kaniyang sinabi pero naniniwala naman ako sa gusto nito. Tahimik ko lang nilalakbay ang daan patungo sa silid, habang naglalakad ay hindi ko maiwas

