Chapter 16

2811 Words

Past Kori's Point Of View Lumipas na ang ilang buwan at nandito pa rin ako sa mundo ng mga kaluluwa. Patuloy lamang ako sa ensayo habang ginagabayan ni Brother Nani. Sa loob ng ilang buwan ay nasa Stage 5 na rin ako, may ilang kakayahan na akong nalaman patungkol sa aking kapangyarihan at masasabi ko lang talaga ay kapag bumalik na ako sa katawang lupa, magiging himala ang lahat.  Wala akong alam kung ilang buwan na akong nanatiling naka-pikit doon sa mundong ibabaw. Hindi ko rin alam kung ilang araw na akong nanatiling nagme-meditate sa Daloy ng Enerhiya. Kailangan ko pa pala bisitahin ang mga prinsesa at ang hari, ngunit bago iyon ay dapat ko munang tapusin ang aking pag-eensayo. "Brother Nani,"tawag ko kay Brother habang naglalakad kami patungo sa sinasabi nitong mahiwagang tubig.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD