Chapter 15

3000 Words

Past     Kori's Point Of View "Pasensiya na po kayo,"sabi ko at itinaas ang dalawa kong kamay. "Makinig ka sa akin,"sabi ni Brother Nani, "Unang-una ay kailangan mong mag-meditate sa harap ng kahoy. Pangalawa ay kailangan mong hayaan ang enerhiya ng puno na iyan na dumaloy sa iyong katawan at pagkatapos ay sundin ang ano man ang sasabihin nito." Napalingon naman ako sa puno na nasa harap ko at naglakad papalapit doon, "Iyon lang po ba?" Tanong ko sa kaniya habang nakatingin pa rin sa puno. Hindi ko alam kung bakit ngunit bigla na lang akong kinabahan pagkalapit ko rito. "Iyon lang ang gagawin mo, ngunit Kori,"sabi ni Brother Nani na naging dahilan ng paglingon ko rito, "Mag-ingat ka at tandaan mo ang paalala ko." "Huwag hayaan ang takot na manaig sa akin, opo Brother Nani." Tugon ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD