Malapit na mag-tanghalian ng magising ako sa aking pagtulog, mukhang labis ang pagod ko kagabi kaya ganito na lang ako katagal bumangon. Naligo na ako at nagbihis bago ko naisipan na lumabas. Bumungad naman sa akin ang isang napaka-bangong pabango na nagmumula sa kwarto ni Elfrida. Ano kaya ang ginagawa niya? Hindi ko na lang ito pinansin at dumeritso na sa kusina. Pagbukas ko ng pinto ay panibagong nakaka-gulat na naman na lugar. Isang napakalawak na kusina na sa tingin ko ay kasing laki ng kusina namin sa Simbahan. Ano ba ang lugar na ito at kung magbigay ng mga kagamitan sa kanilang mga estudyante ay parang dito na talaga maninirahan. Umiiling na naglakad ako patungo sa lagayan ng mga bilihin at na dismaya nang makitang wala itong laman. Hindi ba bumibili ng mga pagkain si Elfrida sa

