Mariin na nakatingin lamang ako sa kanila habang hinihintay ang kanilang paliwanag. Gusto ko malaman kung bakit nila ako hinuli o kung sino man sila. Akala ko noong una ay nagkamali lamang sila sa paghuli ngunit parang unti-unti ko nang naiintindihan na ako talaga ang gusto nilang kunin. Gusto ko malaman ang lahat, lalong-lalo na patungkol sa aking mga magulang na sabi nila ay Hari raw at Reyna. Kung totoo nga ito, ibig sabihin ba ay isa akong prinsesa? Naiisip pa nga ako tungkol sa bagay na iyon ay parang hindi ko na masikmura. Hindi bagay sa akin ang tawaging isang prinsesa gayong hindi naman ito para sa akin. Umayos ako ng upo at tinignan ang mga ito. Malawak na ngiti ang gumuhit sa kanilang mga labi at tumango. "Alam namin na makikinig ka po talaga," sambit ng babae, "Hayaan niyo po

