Mabilis akong tumakbo sa bintana upang tignan kung ano ang pinagmulan nang pagsabog na iyon. Hindi ko mapigilan na hindi magulat dahil sa aking nakikita. Ilang ataki ang tinatapon ng aking mga kaibigan, lalong-lalo na si Elfrida. Masama itong nakatingin sa bahay na kung saan ako namamalagi ngayon. Ano ba ang ginagawa ng mga ito? Oo nga pala, inakala nga pala nila ay kinuha ako ng mga kaaway ko. Marahas na hangin ang aking ibinuga bago napag-isipan na lumabas na ng silid. Gusto ko pa sana magpahinga pero ayaw ko naman gumawa ng eksina. Baka mas lalo lamang kaming makakasira sa mga gamit na nandito. Hindi ko alam kung gaano ito kamahal. Nag-unat muna ako bago tuluyang binuksan ang pinto. Rinig na rinig sa tahimik na pasilyo ang kanilang mga ataki at ang malakas na pagsabog. Hindi ko alam ku

