Lumipas ang ilang oras bago namin na isipan na bumalik na sa kung saan naroroon ang mga kaibigan namin. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa kanila pero gusto ko magmadali sa pagpunta roon. Gusto ko silang tulungan at pagalingin. Sana nga lang ay hindi sila nahimatay lahat at nakakain na. Ayaw na ayaw kong nagkakasakit ang mga iyon. Malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago inilibot ang aking paningin. Kitang-kita ko mula sa aking kinatatayuan ang malaking palasyo na nasa aming harapan. Hindi ko alam kung sino ang nagmamay-ari nito pero sa tingin ko naman ay kilala iyon nila Okuri. Hindi naman siguro sila papasok nang basta-basta, hindi ba? Tinignan ko ang mga taong nasa paligid ko na ngayon ay abala na sa pagliligpit. Matamis na ngiti ang gumuhit sa aking labi nang maa

