Nagising ako dahil sa liwanag mula sa aking paligid. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at doon ko lamang nakita ang seryosong mukha ni Elfrida habang dala-dala ang kaniyang lampara. Nasa itaas ko ito at parang sinasadya talagang ipinapatama sa mukha ko. "A-anong ginagawa mo?" Nagtatakang tanong ko. Ngumiti lamang si Elfrida atsaka sinenyasan akong tumayo. "Alam mo naman siguro na aalis na tayo maya-maya, hindi ba?" Tanong ni Elfrida. "Aalis? Saan?" Tanong ko sa kaniya. Anong ibig niyang sabihin na aalis na kami ngayong araw? May lakad ba kami? Hindi naman unang araw ng pasukan para pumunta sa bayan at bumili ng mga gamit. Sa pagkakaalam ko rin ay wala kaming plano ngayon. Hindi rin namin na pag-usapan na pupunta kami sa bahay ni Hanes. "Nakalimutan mo na ba ang gagawin nating

